Mother Knows Best

27.7K 41 1
                                    


Plano kong mag-aral next year dahil 'yun ang gusto ng mama ko. Gusto niya akong mag-aral para na din sa'kin. Pero hindi ko muna iisipin ang future. May boyfriend ako sa Vincent. Patago kami dahil hindi boto si mama sa kaniya. Nalaman niyang may boyfriend ako kaya galit na galit siya. Mahal ko si Vincent. Hindi ko siya kayang iwan kaya ano pa ang magagawa ko. Susundin ko naman siya para makapagtapos ako pero sana hayaan na niya ako sa boyfriend ko. Ngayon lang ako nagmahal. Sabagay, bata pa ako. 17 years old. Kaya ang tagpuan namin ay sa bahay ng friend kong si Joy na may asawa na. Kasing edad ko lang siya pero nagsasama na sila ng asawa niya dahil nabuntis siya. Wala nang nagawa ang mga magulang nila kaya hinayaan na silang magsama. Masaya siya ngayon kaya naiinggit ako. Hindi kami nagbago. Bestfriend parin kami. Nasa kwarto kami habang nag-uusap usap. Wala ang asawa ni Joy. Nakayakap lang sa'kin si Vincent habang ako ay nakatalikod sa kaniya. "Naku, huwag kayong mag-aanak. Sinasabi ko sa inyo, mahirap." Sabi ni Joy. Naiintindihan ko siya pero kinakaya niya dahil mahal niya ang asawa niya.

"Masaya naman 'di ba?" Bulong sa'kin ni Vincent.

"Wala pa sa isip ko 'yan. Mag-aaral pa ako." Sagot ko.

"Sige iwan ko muna kayo. May gagawin pa ako." Sabi ni Joy at tumayo. Ito na ang hinihintay ko. Ang kami na lang ni Vincent dito sa kwarto.

'Di nagtagal, nakahubad na kami at magkapatong. Mahal ko si Vincent kaya binigay ko ang lahat sa kaniya. Ganito kami lagi. Patago at tagpuan ay ang bahay ni Joy. Okay lang naman sa asawa niy dahil tropa din naman namin siya. Hindi pwedeng malaman ni mama na nangyayari sa'kin 'to dahil malalagot ako. Alam naman ni Joy na may nangyayari na sa'min ni Vincent kaya hinahayaan niya lang kami. Tutal, wala siyang kasama sa bahay kaya lagi niya kaming pinapapunta.


At eto na. Pauwi na ako. "Saan ka na naman galing?" Tanong ni mama.

"Doon lang kila Joy. Saan pa ba?"

"Nagkikita pa yata kayo ng boyfriend mo doon."

"Wala na kami." Hindi ko pwedeng ipagtapat sa kaniya.

"Rica, imposible! Ano ba ang gusto mong gawin sa buhay mo?"

"Wala. Mag-aaral nga ako next year 'di ba?"

"Paano mo magagawa kung lagi mong kasama ang boyfriend mo?"

"Wala na nga kami!"

"Huwag mo nga akong lokohin. Pinagdaanan ko na ang pinagdadaanan mo ngayon. Nagkikita pa ba kayo doon?"

"Hindi na nga!" Napadabog ako. Ayoko nang ganito na pinagbabawalan niya ako.

"Gusto mong hindi kita palabasin? Naaawa nga ako sa'yo dahil nakakulong ka lang dito. Pero pag pinagbibigyan ka, umaabuso ka naman."

"Ma, wala na kami." Natatakot din naman akong hindi na makaalis dahil isang araw ko lang hindi makita si Vincent ay namimiss ko na siya.

"Kapag nalaman kong nagpupunta 'yang lalaking 'yan sa kanila kasama mo, talagang hindi ka na makakalabas, tandaan mo 'yan."

Hindi naman niya alam ang bahay ni Joy kaya okay lang. Hindi niya kami matutunton kung sakali. Kaya hanggang haka-haka na lang siya.

"Wala kang malalaman." Talagang nanindigan akong hindi na kami nagkikita ni Vincent dahil mahirap na.

"Ayokong matulad ka sa'kin kaya ko ginagawa 'to. Mahigpit ako? Kailangan 'yun. Kalimutan niyo ang bagay na papayagan ko kayo dahil nagmamahalan kayo. Mga bata pa kayo. Isang isa na lang, Rica a. Sinasabi ko sa'yo. Ikukulong talaga kita dito sa kwarto kapag nalaman kong kayo pa ng lalaki na 'yan!"

One Shots CollectionWhere stories live. Discover now