9. Look out

21.3K 1.2K 353
                                    

Sinalubong kami ng mga kilalang taong may kani-kanilang buhay. Ang iba sa kanila ay mga politika pa rin ang mga pinag-uusapan sa event na ito.

Acel and I, acted normal as if we're really invited in this party.

"This is it. Just go with the flow," sambit sa akin ng kasama ko ng hindi man lang lumilingon sa akin.

"I kn-"

"Attorney Lowel!"

Akmang sasagot ako sa kaniya nang parehong naagaw ang mga pansin namin. Parehong kaming napatingin ni Acel sa isang lalaking malapad ang ngiti na papalapit sa aming dalawa.

He looks like he's on his mid 40s and he's wearing a superman costume. A fat superman, to be exact.

Mabilis kaming ngumiti ni Acel bilang pagbati kahit wala kaming ideya kung sino siya.

Nang makarating siya sa harap namin ay sinalubong niya kami ng isang pagpapakilala at pakikipagkamay.

"Hello! I'm congressman Ben. It's an honor meeting you in person. I've heard so much about you."

Masayang nakipagkamay ang lalaking kasama ko. "It's also an honor meeting you, congressman Ben."

"Oh, come on! You can call me uncle Ben instead. Hindi ko lubos inakala na bata ka pa pala!"

Tumawa ang matandang kaharap namin na pilit din naming kinatawa. Tila nalipat ang tingin at atensyon niya sa akin.

"Wow! Who's this gorgeous lady right here?"

"Oh, this is my wife, sir."

Inilahad ko ang kamay ko sa congressman. "It's nice meeting you, congressman Ben. I'm Attorney Pia Franco."

His eyebrows rose and he gave us a smile. "Woah! What a power house couple!"

Hangang-hanga siya amin habang nakikipagkamay sa akin. Nang bumitaw kami sa isa't isa ay nagsimula silang mag-usap ni Acel tungkol sa politika.

Hindi ko mapigilang mapahanga sa kasama ko dahil parang siya talaga si Lowel Franco. Hindi mo siya mapagkakamalang nagpapanggap dahil ang galing niyang sumagot sa mga tanong at makipagsabayan sa topic.

"Erks!"

Mabilis na nakuha ang atensyon ko nang makarinig ako ng pagtawag sa akin.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid upang hanapin kung sino ang tumatawag sa pangalan ko.

"Erks! Over here!"

Natauhan ako sa sinabi nito at doon ko napagtanto na nanggagaling pala sa isipan ko ang boses.

"Where are you?" I asked.

"At your right!"

Sinunod ko ang sinabi ng kausap ko at lumingon ako sa kanan. Sumalubong sa akin ang mukha ng isa sa mga kasama ko sa guild.

Lucien is wearing a waiter's uniform while holding a tray with champagne glasses.

"Target at 2 o'clock."

Napalingon ako sa pwestong sinabi niya at sumalubong sa akin ang isang pamilyar na babae.

It's the same girl from the picture that Red showed us yesterday.

She's wearing a Princess Belle costume with the necklace. She looks like a real life princess. An innocent and naive looking girl.

"Copy."

Kumindat sa akin si Lucien bago ko maramdaman na nawala na ang koneksyon namin sa isa't isa. Muli kong tinignan ang katabi ko na busy sa pakikipag-usap sa congressman.

Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now