24. His sides

17.9K 1.1K 103
                                    

Ilang segundo akong natulala sa narinig. Tanging ang tunog ng mga naghahampasang dahon sa mga puno ang naging ingay sa pagitan naming dalawa ng lalaking kaharap ko.

Parehong nakataas ang dalawa kong kilay at pinoproseso ng utak ko ang mga sinabi niya.

I already expected that he did something grave. . . like killing someone close to the guild. . .

But. . . knowing that he's Red'sthe guild's master's younger brother-

"Y-You're what-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang makaramdam ako ng malamig na patak ng tubig na tumulo sa ilong ko. Dahan-dahan akong napatingin sa itaas at saktong nagsibagkasan ang mga patak ulan.

Nabigla ako sa nangyari dahil hindi ko inaasahan na uulan. Maybe because the sky was already dark that we didn't notice that it's about to rain.

Akmang ibubuka ko pa lang ang bibig ko para magsalita nang maramdaman ko ang pagtigil ng pagtama sa akin ng ulan. Doon ko napagtanto na may nakaharang na sa itaas ko na kulay pulapulang payong.

Napatingin ako sa harapan ko kung asan si Chain. He's using his gift. He made an umbrella out of his blood.

He's showing one of his sides again, his childish side. Malawak ang ngiti niya habang nakatingin sa akin. Well, hindi ko alam kung nakatingin nga ba talaga siya sa akin dahil pati ang mga mata niya ay ngumingiti.

"I'm really fond of the rain, and I really like walking under it. . ." He chuckled.

"But I can't let a lady get wet because of it."

Natulala ako sa inakto ng lalaking kaharap ko. Nanatili siyang pinapayungan ako.

"Gabi na rin naman, gusto mo bang magpahinga muna tayo sa isang inn sa malapit na bayan? O gusto mong magpatuloy sa paglalakad?"

Natauhan ako nang inilapit ni Chain ang mukha niya sa akin. Iminulat niya ang mga mata niya at malagkit akong tinignan. Kumurba ang labi niya sa isang nakaiiritang ngisi. On just a snap, his character changed again.

"I mean, I won't complain. . . after all, it's more romantic when a couple walks in the rain, kit-ten."

Napaismid ako at napahawak sa kahoy na nasa leeg niyahis collar. Hindi ako nagpatinag at nakipagtitigan din ako sa kaniya habang magkalapit ang mga mukha namin.

"Then continue walking, sadist. Kung hindi magiging malabnaw ang dugo mo sa ulan," ani ko.

He chuckled once again, then licked his lower lip. "Aww, my kitten is worried for me," malambing na sagot ng sadistang kaharap ko.

Hindi maipinta ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. What a freaking sadist. "Shut up, let's go find an inn."

Isang ngisi ang sinagot sa akin ni Chain at isang kindat na kinaismid ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad at pinapayungan niya ako.

We need to find an inn. As if I can walk in the rain beside this sadist.

₪₪₪₪₪₪₪₪

"A room for two po ba?" marahang tanong ng tagabantay ng inn. Ito ang nag-iisang inn na nandito sa maliit na bayan na nadaanan naming dalawa ni Chain.

"Yes-"

"No. Two rooms, please," pagputol ko sa sasabihin ng lalaking kasama ko.

Kunot noo akong tinignan ni Chain. Kahit hindi ko siya hinaharap ay nararamdaman ko ang inis na tingin niya sa akin. Inasikaso ng kaharap namin ang magiging kwarto naming dalawa.

"Oh, come on. Mas makatitipid tayo-"

"Shut up. Kahit nasa kulungan tayo ay hindi ako papayag na nasa iisang selda tayong dalawa," walang ekspresyon kong sagot sa kaniya.

Mas lalong sumimangot ang katabi ko sa narinig. His showing his freaking childish side once again. Dinudutdot niya ang bell na nasa front desk dahilan ng pagtingin sa amin ng babaeng nag-aasikaso.

Walang buhay ang mga mata ko nang hinabol ko ang tingin ni Chain. "Gusto mong sa labas matulog?" malamig kong tanong.

Napaismid siya bago huminto sa pagdutdot sa bell at napaiwas ng tingin.

"A-Ah ma'am, sorry po. Isang room na lang po pala ang available, though, dalawang bed naman po ang nandito," sambit ng babaeng kaharap namin.

Nag-iba ang ihip ng hanging at mabilis na nagkapalit ang ekspresyon naming dalawa ni Chain. Napaismid ako bago tumango sa narinig at ang katabi ko ay malawak ang ngiti.

Sa huli, iisang kwarto lang ang mapagpapahingahan naming dalawa ng kasama ko. Hindi ko masasabi kung makapagpapahinga nga ba talaga ako kung kasama ko siya sa iisang kwarto.

"Whooo! Ang sarap maligo sa ulan!"

Parang kumikislap ang mga mata ng kasama ko habang nasa balkonahe at pinapanood ang pag-ulan. Sa kabilang banda, hinahanda ko ang magiging higaan ko para sa pagtulog.

"Hey, kitten. Gusto mong maligo kasama ako?" biglaang pag-iiba niya.

Hindi ko siya tinatapunan ng tingin pero alam kong nakangisi siyang nakatingin sa akin.

"Hindi ata nalalabnaw ang dugo mo kapag nababasa, kung hindi natutunaw ang utak mo kaya paunti nang paunti," malamig at wala kong ganang sagot sa kaniya.

Tawa ang sinagot ni Chain sa akin bago muling humarap sa labas at panoorin ang ulan. Pasimple ko siyang sinulyapan.

He really looks like he's having fun just by watching the rain. . . like a kid.

"You're curious, right?"

Natauhan ako nang biglang nagsalita si Chain. Nanatili siyang nakatingin sa labas. Nakakurba ang labi niya sa isang ngiti habang pinapanood ang ulan.

"Kung paano ako naging kapatid ng guild's master ng Spiders. Kung bakit ako isang estudyante habang siya ay nasa dark guild. Na kung kapatid ko siya, bakit ko siya hinuhuli at ang mga kasama niya," sunod-sunod na sambit niya.

Natigilan ako nang harapin ako ni Chain. I was taken aback when I saw him smiling. It's not his childish side nor his pervert side. It's not his sadistic, or serious side neither.

It's. . . a new side of him. Or maybe, the real him.

"I'm his younger step-brother!" he proudly said.

Natulala akong nakatingin sa kaniya. Tila ipinagmamalaki ng ngiti niya na kapatid siya ni Red.

Bigla niyang itinuro ang peklat niya sa kanang kilay at ibabang mata.

"You must be wondering, if I can heal any wounds, why do I have these scars?" natatawa niyang tanong.

Hindi ako nakasagot sa tanong ni Chain. I suddenly felt something weird. There's a hint of sadness in his laugh. Para bang hindi ako sanay na makita siyang umaakto nang ganito.

Muli siyang napatingin sa labas ng balkonahe.

"Because I got it, before I awaken my gift. . ." malamig niyang sagot sa sarili niyang tanong.

Nanatiling nakakurba ang labi niya sa isang ngiti at nakatingin sa labas. Pero walang buhay ang mga mata niya- no, punong-puno ng emosyon ang mga mata niya.

"It was from the first woman I loved. . . and I guess, the last?"

Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now