56. Empty

15.1K 1K 169
                                    

My body. . . feels light.

For a moment, my eyesight disappeared, everything went black.

Nang muli akong kumurap, bumaba ang tingin ko sa babaeng nakahilata sa paahan ko. Unti-unti, nakita ko ang dahan-dahan na paghinga ni Hemera.

Wala siyang malay, pero humihinga siya.

She didn't died. She didn't. . .

So, I sould be happy right now. I should sigh in relief. I should be glad.

Yet, I remained standing in front of her, expressionless.

Ang dugo na kanina niyang hinihigaan, para himalang nagbago. The red liquid slowly turned transparent, a crystal water.

Dahilan para makita ko ang sarili kong ekspresyon sa tubig. Napatingin ako rito, walang buhay ang mga mata.

Sa pagkakaalala ko, ang kanang mata ko lang ang galing sa patay. . . pero ngayon, pareho na silang walang buhay.

I can't see any emotions in my eyes, not like I have any. Right now. . .

I feel. . . empty.

"Marvelous! Spectacular! Magnificent!"

Ang malakas na boses ng isang babae ang kumuha ng atensyon ko. Walang ekspresyon akong napalingon sa direksyon niya.

Sumalubog sa akin ang isang babaeng parang nasisiraan ng bait at sobrang lawak ang nakakatakot na ngiti. She's looking above and her hands are raised.

Who is she again?— oh, right. Andina.

"Napakagaling! Isang himala ang nakita ng dalawang mga mata ko!" punong-puno ng emosyon niyang sambit.

"The ability to take and give lives! That is the power of a God!"

I just stood in front of her, not making any sound. I forgot, I used his ability again.

Kinailangan ko ang kapangyarihan niya para iligtas si Hemera.

Pang-ilan na nga ba ulit na commandment 'yon?— oh, 8th. That means, I can only use one now. After all, someone told me to never use the last one. . . who is he again?

"You really are a God! You are our God!"

Andina started spouting nonsense. Hindi ko na pinakinggan ang mga kung ano-anong salita na lumalabas sa bibig niya. Bagkus, walang kaemo-emosyon akong napatingin sa dalawang palad ko.

Para bang bumagal ang pagtakbo ng oras para sa akin, nabingi ng ilang saglit ang mga tenga ko at wala akong marinig.

I feel numb— no, I don't feel anything to be exact.

Is this a side effect of using the commandments? If it is. . . then it looks like I shouldn't use the 9th one neither.

But. . . is it even necessary?

Wala na 'kong nararamdaman. . . wala na akong emosyon. . . hindi, hindi ko na makilala ang iba, maski ang sarili ko mismo.

Anong magiging pinagkaiba kung gamitin ko ang pang-siyam?— kung gamitin ko lahat?

As of now. . . I'm already losing myself— it feels like I already lost it.

So. . . maybe, dying. . . or being a God isn't really bad?

Muling umangat ang tingin ko sa babaeng nagsasalita na hindi ko na maintindihan.

Wala na akong nararamdaman. . . pero, may nagsasabi sa 'kin na ayoko ng ganito. I don't like it. . .

"Come with me! Come with us, my God!"

At this moment, I can't think of anything else. I can't feel anything, I don't feel anything.

Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now