20. Two of her

18.9K 1.1K 223
                                    

Both of my eyebrows rose. Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Nanatiling nakalahad ang kamay ko at hindi ko magawang kamayan ang babaeng kaharap ko.

Hindi kaagad aproseso ng utak ko ang narinig.

Who is she again?

Kana. . .

Kana. . .

Ka. . . na?

Unti-unting umawang ang bibig ko at namilog ang mga mata nang matauhan ako sa sinabi niya.

Sumagi sa isipan ko ang isa pang myembro ng spiders na hindi ko pa nakikita. One of the spider's legs, the girl named Kana.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "K-Kana? As in, that Kana?!"

She was taken aback by my answer. Kahit naguguluhan ay hindi niya mapigilang matawa sa naging reaksyon ko.

"U-Uhm, yes? Meron pa bang ibang Kana?" natatawa niyang sambit.

Ibinaba niya ang pagkakalahad ng kamay niya. Muli siyang humigop ng kape bago ako sulyapan.

"I guess, you've heard about me?"

Pilit kong tinago ang pagkabigla ko at inayos ko ang reaksyon ko sa harapan niya. I was really just caught off guard, I didn't expect to see her here.

"All I know. . . is that you're one of the Spiders. Hindi ko inakala na makikita kita rito. . ."

Natigilan ako nang marinig ulit ang mahinang pagtawa ni Kana.

"Well, you could say that I'm just a substitute."

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko. "Substitute?"

Kana flashed a smile. Tumayo ito sa pagkakaupo dala-dala ang tasa na wala ng laman.

"Yup," sagot niya habang naglalakad papalapit sa lababo.

My forehead furrowed because of confusion. "What do you mean?"

Sinimulang hugasan ng babaeng kausap ko ang tasa na pinagkapehan niya at nanatili akong nanonood sa kaniya.

"Well, it's a long story. . . but just like what I've said, I'm once a student in Lunar Academy and I'm currently a spider."

"Kung gano'n, 'yon ba ang dahilan kung bakit mo kami tinulungan?"

Biglang huminto sa paghugas si Kana sa sinabi ko. Hindi ko inaasahan ang biglang pagdilim ng ekspresyon niya.

May nasabi ba 'kong masama?

"Well. . . I guess. . . pero meron pang isang rason."

Pinunasan niya ang mga kamay niya nang matapos niyang hugasan ang tasa. Tila nagkaroon ng tensyon sa silid dahil sa sinabi ko.

Kana's expression suddenly changed.

"To be honest, I was just really eavesdropping to your conversation. . . wala akong balak na tulungan kayo. . ."

Natigilan ako sa sinabi niya. Nang tignan ko ang babaeng kaharap ko ay biglang nagbago ang mga tingin sa mga mata niya.

I suddenly felt intimidated. Her aura changed in an instant. As if she's a different person. . .

"Frankly speaking. . . the fact that the guy who's with you is a student from the academy makes me want to vomit."

Hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig. Mariin pa 'kong pumikit at iminulat ang mga mata ko para malaman na iisang tao lang ba ang kausap ko.

She's a sweet girl a while ago. . . but the way she's talking to me right now shows the opposite.

For pete's sake, nanggalaiti ang mga kamay niya ngayon at madiin niyang kinakalmot ang braso niya.

"K-Kana-"

"I fucking hate the academy. . . I fucking hate the academy. . . I fucking hate-"

I flinched when she suddenly stopped talking. Biglang huminahon ang sarili niya at tumigil siya sa pagkalmot sa braso niya.

"I was just eavesdropping. . . I really don't care. . ."

"But then, I heard him. . ."

"I fucking hate the academy. . . but I despise him more."

Napalunok ako nang malalim. Para bang dalawang tao ang kausap ko ngayon.

Parang tumigil sa pagtibok ang puso ko nang nalipat ang tingin niya sa akin. Walang kaemo-emosyong umupo sa harapan ko si Kana.

"Supp, I'm Kana," walang gana niyang sambit sa 'kin.

Tumaas ang dalawang kilay ko dahil sa pagkabigla. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko.

This girl. . . might have some serious problems-

"Tsk, I'm not that Kana you've met a while ago. I'm the other Kana."

Iritadong sambit ng babaeng kaharap ko nang mapansin ang reaksyon ko.

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. The other what?-

I backed away when Kana suddenly moved. Ipinatong niya ang dalawang paa niya sa maliit na lamesa sa pagitan namin.

"I-I'm sorry, hindi ata ako makahabol sa usapan-"

"Tanga ka ba? Anong mahirap intindihin sa sinasabi ko?"

Nanatili akong nakatulala sa narinig. Iritadong napakamot sa ulo niya ang babaeng kaharap ko bago ako seryosong tapunan ng tingin.

"This girl," aniya bago ituro ang sarili.

"There are two of her."

Itinaas niya and dalawang daliri niya sa harapan ko.

"Ang babaeng kausap mo kanina, ang babaeng nagpapasok at tumulong sa inyo,"

"At ako, ang kausap mo ngayon."

My mouth fell half open. I was too astonished to utter a word—I was dumbfounded.

"Y-You mean-"

"Yup, Kana have two completely different personalities."

Tumama sa 'kin ang sinag ng araw nang sumabay sa hampas ng hangin ang kurtina na nasa bintana.

There are two of her. . .

Walang ganang prenteng sumandal ang babaeng kaharap ko, sa kabilang banda, hindi pa rin ako makapaniwala sa nalaman.

It's my first time to encounter a person that have two different personalities.

Chain doesn't count because he's just a sadist.

"Matagal ko ng kasama si Kana. Pero nanatili lang akong nasa isip niya. . . I can't takeover her body before. . ." panimula ng kaharap ko.

"Not until. . ."

"That happened. . ."

Nagtama ang mga tingin namin ni Kana at naramdaman ko ang bigat ng pakiramdam niya ngayon.

"An incident that traumatized her."

Itinuro niya ang sintido niya habang hindi nawawala ang tingin sa 'kin.

"Kana can control sounds. . . but not the voices inside her head."

Nakita ko ang paghigpit ng pagkakasara ng kamao ng babaeng kaharap ko. Mariin siyang napakagat sa ibabang labi.

"And it's that damn jerk's fault. . ."

"That Cael Portugal. . . I'll fucking kill him when I see him again."

Mabilis niyang nakuha ang atensyon ko.

Agad na sumagi sa isip ko ang isa sa mga nagpakita sa 'min kanina ni Chain.

Ang lalaking parang kilala niya at tinawag niyang hudas. . .

Si Cael Portugal. . .

"I'll tell you what really happened last 2 years ago," muling sambit ni Kana.

"How Kana suffered from mental illnesses and how she became a Spider."



Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon