28. 3rd commandment

17.2K 1.2K 127
                                    

Napako ako sa kinatatayuan ko. Mariin ang pagkakasara ng bibig ko at punong-puno ng emosyon ang mga mata kong nakatingin sa babaeng bagong dating.

Napalunok ako nang malalim at napaatras nang kaunti.

She's already here— they're already here.

Mabigat na ang presensya pa lang ni Zabeth. Pero mas lalo pang nagpabigat ang halu-halong mga presensya ng iba't ibang klase ng gifteds na pinalilibutan kami.

I can't see them clearly. . . but I can feel their freaking strong presences.

"Tapos na ang pagtakbo. Oras na para humarap kayo sa amin," nakangising nakapalumbaba si Zabeth sa itaas ng puno.

She looks like she's having fun while looking down at us.

Mabilis na tumalim ang tingin ko sa kaniya at narinig ko rin ang pag-ismid ni Chain. Pero sa kabila ng mabigat na tensyon sa pagitan namin, may nabubukod tanging may lakas ng loob na humakbang paharap kay Zabeth.

Walang ekspresyon at seryosong humakbang si Acel. Seryoso niyang tinapunan ng tingin ang babaeng kaharap namin na nakakuha ng atensyon ni Zabeth.

"There must be a misunderstanding," aniya. "We're on a Dark Guild, wala kaming koneksyon sa estudyanteng 'to. Hindi namin kalaban ang underground association."

Kunot noo siyang tinapunan ng tingin ni Chain na hindi niya pinansin.

Walang gana ang mga mata ni Zabeth nang tapunan ng tingin si Acel, nanatili siyang nakapalumbaba. Tumagal din ng ilang segundo bago kumurba ang labi niya sa isang ngisi na kinatigil namin.

She tried stopping herself from laughing, but it's obvious that she's not trying that hard.

Umalingawngaw ang tawa niya sa paligid. Nagpipigil siya ng tawa nang muling magtama ang mga tingin nila ni Acel.

"Alaga ka ni Red, hindi ba?" She smirked.

Pare-pareho kaming natigilan sa narinig. Kita ko ang patagong pagkaagaw ng pansin ni Chain sa sinabi ni Zabeth. Nawala ang ngisi niya sa labi. Suddenly, her expression changed.

Her face darkened, looking at the guy in front of her.

"Isa kang hangal. Baka nakalilimutan mo, sa lahat ng Dark Guilds, ang mga gagamba lang ang hindi pumanig sa underground association," malamig na sambit ni Zabeth. "Isa kayong Dark Guild na may sariling batas na sinusunod, hindi kayo kabilang sa Academy o sa underground association."

Hindi nakakibo sa narinig si Acel na para bang inaasahan na niya ang magiging reaksyon ng babaeng kaharap namin. Sa kabilang banda, hindi ako makapaniwalang napatingin sa kaniya.

Hindi konektado ang Spiders sa underground association?! Pero paano sila nakilala bilang isang dark guild-

"Anyways, I don't care though. Ang dahilan lang naman kung bakit nakagagalaw pa rin kayo nang malaya bilang isang dark guild. . . ay dahil sa kakayahan na meron ang Guild's master niyo." Walang ganang iwinasiwas ni Zabeth ang kamay niya.

Kita ko ang paghigpit ng pagkakasara ng kamao ni Acel nang muling mabanggit ang guild's master namin. Dahil siguro sa reaksyon niya ay muling kumurba ang labi ni Zabeth sa isang ngisi.

"But that won't last long. . ." Nalipat ang tingin niya sa akin. "Well, I only want the girl. As long as hindi ka makikisali, hahayaan kong makauwi ka pa sa guild niyo" pananakot niya.

Naging alerto ako sa narinig at binalik ko ang mga tingin niya sa akin. Pero natigilan ako nang makita ang pagharang ni Acel sa harapan ko na kinabigla rin ni Zabeth.

"I'm sorry. But as far as I can remember, I said, WE're on a dark guild," mariin niyang sambit. "This woman is one of us, take the Blood guy instead."

Mas lalong kumunot ang noo ni Chain at may inis na siyang napatingin sa kasama ko. Sa kabilang banda, walang emosyon kaming tinignan ni Zabeth.

"I don't mind bringing 2 corpses with me." Walang buhay ang mga mata niya nang tapunan kami ng tingin.

"Woi, baka nakakalimutan mo rin, kayong lahat na Big shots ay nagawa na naming takasan! Anong magagawa mong mag-isa?!" pagsingit ni Chain sa usapan.

Siya ang pinakamalapit kay Zabeth ngayon sa pwesto niya. Kita ko ang paglabas ng dugo sa magkabilang kamay ni Chain at ang pamumuo ng mga ito.

His blood turned into 2 big sickles. Walang takot at taas noo niyang tinignan ang babaeng kaswal na nakaupo sa sanga ng puno.

"I don't really hit women. Though, I can kill them." Chain threatened her.

Umawang nang kaunti ang bibig ko at hindi makapaniwalang napatingin sa pwesto niya.

He can't freaking hit women but he can kill them!

"Pft." Muling nagpigil ng tawa si Zabeth sa narinig na kinasimangot ni Chain.

"Hah?! What's funny?!"

Pilit na nagpigil si Zabeth sa pagtawa bago kami seryosong harapin. Doon ako natauhan sa biglaang pagbago ng ekspresyon niya.

"Ikaw ata ang may nakakalimutan. . ." nakangisi niyang sambit.

"Right now. . . you're already inside of my radar."

Tila bumigat ang pakiramdam naming lahat. Para bang bumagal ang pagtakbo ng oras.

I suddenly saw an imaginary circle and we're inside of it. Where Zabeth is at the center.

"I can turn any part of your bodies right now into a toy, a stone, a metal. . . name it." Her voice is calm and soothing, but her words are the opposite.

"And I would love to watch you fight dozens of gifteds in that condition."

Pare-pareho kaming napaismid sa narinig.

She really looks like she's enjoying herself right now!

Tsk. . . what should I do?

Should I use my 3rd com-

No. I won't use it. Hindi pwedeng iasa ko na lang lagi ang lahat sa kakayahan kong 'yon.

I need to-

"Imbecile."

Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses. Kusang bumilis at lumakas ang pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang pagsasalita niya.

"When someone gave you something special. . . better use it."

Napalunok ako nang malalim. Nanlamig bigla ang paligid, at parang nawalan ng kulay ang mundo.

Nawala sa paningin ko ang iba kong kasama at tanging si Zabeth lamang ang nakikita ko. Kapwa ko ay naramdaman din ni Zabeth ang kakaibang presensyang 'yon.

Mabilis na naglaho ang ngisi niya sa labi at binalot siya ng takot. Fear clouded her features and she suddenly started trembling in fear.

Nanatili akong napako sa kinatatayuan ko habang mabagal ang pagtakbo ng oras. Hindi ko maigalaw ang sarili kong katawan. . . pero kusang bumubuka ang bibig ko.

"3rd commandment . . ."

Para bang kaming dalawa lang ni Zabeth ang nakakarinig. Unti-unting namilog ang mga mata niya at dahan-dahan siyang napailing.

"A God can give you a gift. . ."

"And a God can take it back."


Solar Academy: School for the TamersHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin