Epilogue

24K 1K 483
                                    


[3RD POV]

Palubog na ang araw at naghahalo-halo na ang mga kulay sa langit. Hindi tumagal ng isang segundo nang matapos magsalita ang malalim at malaking boses sa katawan ni Erks, lahat nagsiluhuran.Everyone has the same feeling right now, in this second. . . fear.

Dikit na dikit sa lupa ang kani-kanilang mga ulo. Pero sa kabila ng takot ng lahat, may kaisa-isang nangingibabaw ang saya kahit may nararamdaman na kaba. Andina can't stop smiling while bowing her head.

The sudden presence is too suffocating. Sobra-sobra pa sa mga naging presensya na naramdamdaman nila sa buong buhay nila. Parang sa presensya niya pa lang, nakamamatay na.

"Hmm, ito na pala ang itsura ng mundo ng mga mortal. . ." malalim at nag-e-echo ang malaking boses na nanggaling sa maliit na katawan ng isang dalaga.

Natatanging nakatayo si Erks sa lahat, parehong kulay dugo ang mga mata at may kakaibang presensya. The personthe God inside of her has already awaken. Si Typhon na ngayon ang may kontrol sa katawan niya, at ang dalagang si Erks. . . ay nasa malalim na pagtulog.

Isang turo lang niya sa lupa, mas lalong bumigat at lumakas ang pwersa na humihila sa lahat pababa.

"Wala pa sa katiting ng kapangyarihan ko ang bumabalik. . . masyado pang maaga," sambit niya sa sarili.

Ang kakayahan na magpaluhod ng ilang libong gifteds, mapa Guild's Master, Big Shots, o Sins. . . para sa kaniya, mahina pa rin at wala pa sa katiting ng lakas na kaya niyang gawin.

"The woman at the back, the only one who has a grinning smile." Mabilis na nakuha ang atensyon ng lahat sa sinabi ng malalim na boses. Lalong-lalo na ang babaeng tinutukoy niya, si Andina. "Tell me who you are."

Namilog ang mga mata ni Andina, hindi dahil sa takot o kaba, dahil sa saya. Sa saya na sa dinarami nilang lahat, siya ang pinaka-una at nag-iisang mortal na hinayaan ni Typhon na magsalita.

"M-My God, the greatest one, God Typhon. I'm Andina, the leader of the Big Shots. A group of Gifteds who are loyal and faithful to you and only you. We are all waiting for your awakening, we tried to summon you before but to my deepest apologies, we didn't succeeded."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Sa isang iglap, ang nakangising si Andina na nanatiling nakayuko ay agad na naglaho ang ngisi nang makakita ng putol na kamay sa harapan niya. Kasunod nito ay ang pagramdam niya ng kirot sa kanang parte niya, kung saan walang tigil ang pagtulo ng dugo.

"A-Ah-" Mabilis niyang tinikom ang bibig niya nang walang boses ang lumabas. Ang Diyos na kinababaliwan niya ay pinutol ang kamay niya, ni hindi man lang tumagal ng isang segundo.

"Summon?" sarkastikong sambit ni Typhon. Napalingon siya sa pwesto nina Andina, nanlilisik ang pulang mga mata. "A low mortal like you? Tried to summon me?"

Pilit na pinipigilan ni Andina na maglabas ng tunog dahil sa sakit na nararamdaman. Madiin ang pagkakahawak niya sa kanang parte. Sa kabila ng walang tigil na pagluha ng mga mata, pilit siyang ngumiti.

"I-I'm sorry, our God Typhon. . . w-we are too ignorant and f-foolish. . . we just wanted to meet you s-soon. . . we'll remember our low places, low lives, it won't happen again."

"Of course, it won't happen again, dunce."

Tanging pagkagat sa ibabang labi ang nagawa ni Andina. Nagsama ang sakit na nararamdaman niya mula sa pagkaputol ng kamay at kahihiyan.

"I-I deeply apo-"

"W-We did it just for you, our God!" biglaang sambit ng lalaking hindi nalalayo kay Andina. Lakas loob na nagsalita ang Agila. "We tried to summon you because-"

Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now