42. The Sleeping Sloth

15.8K 1K 202
                                    

The atmosphere suddenly changed. Nagbago ang pag-ihip ng hangin. Bigla na lang nagkaroon ng tensyon, I suddenly felt intimidated.

As if I learned something I'm not supposed to know. . .

Bumagal ako sa paglalakad. Kunot noo akong napatingin kay Chain na para bang pigil hininga habang nagsasalita.

"What do you mean curse? The strongest? Ang ibig mo bang sabihin. . . may mas malakas pa kay Nyx sa guild niyo? Sa Guild's master niyo?" naguguluhang tanong ko.

I might have an unpredictable ability right now, but I knew it when I saw Nyx for the first time. He has an aura, the same as Red. Na para bang sila ang pinakamalakas sa guild.

Hindi man ito maikukumpara sa naramdaman ko nang una kong makita si Principal Bora, pero masasabi kong iba ang posisyon ng mga Guild's master sa mga ordinaryong gifted.

Tapos ngayon. . . sasabihin niya sa akin na may mas malakas pa kaysa kay Nyx? And it's a cursed gifted?

Kita ko ang paglunok nang malalim ni Chain na iniingatan ang bawat salitang lalabas sa bibig niya. Seryoso ang ekspresyon niya at deretso ang tingin niya sa nilalalakaran namin.

Doon ko rin napagtanto na papalapit na kami nang papalapit sa pinakamataas na tore rito sa Academy, mas lalo itong lumalaki kada tingin ko sa bintana.

"Yeah. . . a cursed gifted," pagkumpirme niya.

"She has a disease? Sickness? Hindi ko alam kung ano ba ang matatawag doon. Pero hindi siya katulad natin, naiiba siya."

Rinig ko ang bawat yapak namin habang naglalakad. Nanatili kami ni Chain na nakasunod kina Nyx na nauunang maglakad. Hindi ko napansin na paakyat na kami sa isang hagdanan— hudyat na papunta na kami sa tore.

"Noong pinangananak silang dalawa ni Nyx. . . iba na kaagad ang mga mata niya," malamig na sambit ng katabi ko.

Nahinto ako sa paglalakad nang hindi kaagad naproseso ng utak ko ang narinig. Unti-unting namilog ang mga mata ko at hindi ako makapaniwalang napatingin kay Chain.

"You mean-"

Hindi pinatapos ni Chain ang sasabihin ko nang agad siyang tumango.

"On the day she was born. . . she can already use her gift."

Naramdaman ko ang pagtama ng hangin dahil sa iilang mga bintana na nadadaanan namin habang naglalakad kami paakyat. Kitang-kita ang dalawang bilog na bilog na buwan sa bawat bintana sa tore.

"It might be a miracle. . . but it was a tragedy," muling sambit ng lalaking katabi ko.

"She can't undo her gift. . ."

"And her gift. . . is not something you should use every day, every time, every second."

"That's why she almost spent most of her time. . . sleeping."

Masyado akong tutok sa sinasabi ni Chain at hindi ko napansin na patag na ang nilalakaran ko, tapos na kami makaakyat sa hagdanan.

"And if she's awake. . . she should never. . . ever. . ."

"Open her eyes."

Sumalubong sa amin ang isang malaking pinto na iba't ibang klase ng mga simbolo ang nakalagay sa labas. Different kinds of signs, locks, emblems, and many more.

As if it was made. . . to make sure that whoever is inside, will never go out.

Pare-pareho natigilan ang mga kasama ko nang nasa tapat kami ng pinto. Ramdam ko ang pabigat nang pabigat na tensyon.

The pressure kept pulling us on the ground. Maski ako na unang beses pa lang na makikita at makikilala ang taong nasa likod ng pinto, sobra ng kinakabahan.

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon