16. Two headed dogs

19.9K 1.1K 80
                                    

Mabigat ang paghinga ko habang patuloy sa paglalakad at iniiwasan ang mga sanga sa dinaraanan ko. Parang naging blangko ang isipan ko.

Hindi ko namalayan ang oras at unti-unti ng lumilitaw ang araw. Pero kahit gano'n pa man, medyo madilim pa rin sa gubat lalo na't naglalakihan ang mga puno rito.

"W-Woi, kitten. Anong meron?" pagtawag sa 'kin ni Chain.

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy ako sa pagpunta sa gubat. Nakabuntot siya sa likuran ko.

Matapos kong marinig ang usapan kanina sa kainan ay para bang kumilos mag-isa ang katawan ko. Hindi ako nagdalawang isip na puntahan ang gubat kung saan sinabi ng lalaki na nakakita siya ng halimaw.

Napalunok ako nang malalim. I don't want to overthink. . . but it's possible.

Natural lang na magsilabasan na sila. . .

After all, the God inside of me is going to show himself soon. . .

"Woi! 'Wag mong sabihing naniniwala ka sa sinabi n'ong mga lalaki ro'n?" He chuckled.

"Shut up, sadist."

"Baliw ka ba? Isang ordinaryong bayan lang ito, walang gan-"

Hindi na naituloy ng lalaking kasama ko ang sasabihin niya nang makarinig kami ng mga kaluskos. Sinundan ito ng mga alulong.

I immediately got alerted. Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid. Katulad ko ay gano'n din ang ginawa ni Chain.

"Walang gano'n? Kahit ang mga lobo ay wala rin dapat dito sa ganitong bayan. Sabihin mo sa 'kin, mukha bang ordinaryong aso ang narinig mo?"

Napaismid si Chain sa sinabi ko. Maigi naming inilibot ang mga tingin namin. Maliwanag na at lumitaw na ang araw, sinong aalulong ng ganitong oras?

"Bakit magkakaroon niyan dito? Creatures are hidden together with the towns. . ."

Hindi ko nasagot ang sinabi ng kasama ko. Wala siyang alam sa nangyayari at mangyayari pa lang. . . wala siya—wala silang alam.

Nakarinig ako ng natapakan na dahon. Mabilis na nalipat ang atensyon at tingin ko sa hindi kalayuang puno.

My eyes slowly widened when I saw who made that noise.

Dahan-dahang lumitaw ang ulo ng isang aso sa likuran ng puno. Kasing laki ito ng ordinaryong lobo na may kakaibang balahibo. Pero ang nagpaiba talaga rito ay ang pangalawang ulo na sumulpot din.

Orthrus, the brother of the Cerberus.

Unti-unti akong napaatras, hindi nawawala ang tingin dito. Kapwa ko ay unti-unti na rin itong lumabas sa likuran ng puno.

I felt strange. My heart started pounding fast. To the point na sobrang lakas na ng pagkakarinig ko rito.

Mabilis akong napahawak sa dibdib ko. Bumigat na naman ang pakiramdam ko.

Shit. . . not now. . . don't show up. . .

"Kitten?"

Pinilit kong maging normal nang marinig ko ang pagtawag ni Chain pero binigo pa rin ako ng katawan ko.

I felt a heavy feeling as my right eye slowly changes.

Mabilis kaagad akong napailing.

No, No-

Mahigpit ang pagkakatakip ko sa kanang mata ko nang biglang naagaw ng mga tunog ng pagyapak ang atensyon ko. Mabilis akong napatingin sa ilang dosenang aso na pinalilibutan kami.

I felt the chills down my spine. Hindi lamang isang Orthrus ang nandito kung hindi isang dosena. . . hindi sila pwede sa lugar na 'to. . . makakanakit sila ng mga tao.

"W-What the heck are they doing here?" hindi makapaniwalang sambit ni Chain.

Pilit akong tumayo nang tuwid at hindi nawawala ang pagtakip ko sa kanang mata ko. "I need to take care of them, hindi-"

Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang pumunta sa tapat ko ang sadistang lalaki upang harangan ako. Kunot noo akong napatingin sa kaniya.

"W-What the heck are you-"

"Woi, kitten. I might still kill you, but I'm not that kind of guy who lets an infirm lady to fight."

I was taken aback by what he said. "Who are you calling infirm? I can kill you together with these dogs-"

"Sabihin mo 'yan sa 'kin kapag tumigil ka na sa panginginig."

Nahinto ako sa sasabihin ko sa narinig. Doon ako natauhan na walang tigil ang kamay kong nakatakip sa mata ko sa panginginig.

Napaismid ako bago maramdaman ang pagbabago ng kaliwang mata ko. The trunks started moving.

"And I'm not that kind of lady who lets a sadistic guy fight in her stead."

Chain smirked before changing his eyes. Unti-unting nagsilabasan ang mga dugo sa katawan niya. Hinugis niya ito sa dalawang patalim at pinatigas.

"Aww, I really like stubborn kittens."

Napairap ako sa sinabi niya bago ko sinimulan ang pag-atake. Tulad ko ay gano'n din ang ginawa ni Chain.

Parang walang katapusan ang dami ng mga asong dalawa ang ulo. Hindi katulad ng mga familiars ay sila ang mga klase ng mga nilalang na walang pinagsisilbihan.

They're not connected to any gifteds or owners. Normal lang na makakita ng mga ganito sa mga bayang espesyal na para lamang sa mga gifteds.

Pero hindi rito sa labas. . . hindi sila nararapat dito. Sa oras na makakita sila ng mga sibilyan na walang laban ay walang pag-aalinlangan nilang aatakihin ang mga 'yon.

Mabigat ang paghinga ko habang walang tigil sa paggamit ng gift ko. For pete's sake, this area is already covered with tree trunks and bloods.

"Why won't you use my gift instead?"

Napako ako sa kinatatayuan ko nang makarinig ng boses sa isipan ko. Napaismid ako bago muling umatake sa mga asong dalawa ang ulo. Pilit kong isiniwalang bahala ang sinabi niya.

"You know that you can't kill them without my help."

"Just accept who you are. . . you're a God. . . the God of-"

"SHUT UP!"

Parang tumigil ang oras sa sinabi ko. Natigilan sa pag-atake si Chain nang bigla akong sumigaw.

Doon ako natauhan na napalakas ang pagbanggit ko n'on. Nang akmang magsasalita ako para magpaliwanag ay naagaw ng isang boses ang atensyon namin.

"What are you doing? Killing these innocent puppies."

Kapwa kaming napatingin ni Chain sa isang babae na nakatayo sa isa sa mga sanga ng puno.

She has a black curly hair and a skin white as a snow. She's wearing a fitted black suit that is unbuttoned slightly showing her cleavage.

Kapansin-pansin ang isang ahas na tattoo na sumisilip sa dibdib niya.

Unti-unting kumurba ang labi niya sa isang ngisi nang magtama ang mga tingin namin. Pero ang nagpatigil sa akin ay ang naging reaksyon ng kasama ko.

Chain looks like he've seen a ghost while looking at the woman in front of us.

"A-Andina-" hindi makapaniwalang sambit niya.

Kumunot ang noo ko nang tapunan ko siya ng tingin.

"O-One of the big shots in the underground association, together with Joker."

"O-One of the owners of the three gorgons. . . A-Andina, alias Cobra."


Solar Academy: School for the TamersWhere stories live. Discover now