59. Part of the plan

16.2K 954 316
                                    

I can feel Chain's warm as his arms are wrapped around me.

Ramdam ko ang paghampas ng hangin habang nasa ere kaming dalawa. It almost felt like a dramatic scene. Flying towards the shore, the sun is about to set, and. . . freaking thousands of gifted below us, ready to kill us at any moment.

Inasahan ko ng nasa amin ang atensyon ng karamihan dahil nasa ere kami. Hinanda ko ang sarili ko sa mga atake na pwede nilang gawin. Pero hindi ko pa nagagawang makita ang mga pagbabago ng mga mata nila, pareho kaming pinalibutan ni Chain ng dugo niya.

Lumawak ang pakpak niyang gawa sa dugo na naging bilog, as if a barrier. Ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin.

"A private space, just for us." I heard him chuckled. Walang buhay ang mga mata kong nakaharap sa direksyon niya.

Wala akong makita, madilim sa loob ng bilog. His blood is really intact and solid, I can hear the attacks outside but none of them are breaking through.

Hindi biro ang ginagamit niyang dugo ngayon, he's too reckless.

"My blood can at least take you to the shore, kit-ten," malambing na sambit ng sadistang kasama ko. "Now, all you have to do is-"

"You can drop the act," pagputol ko sa sasabihin niya.

Nahinto sa sasabihin niya sa Chain sa biglaang sinabi ko. I can't see his expression because of the darkness, but I can feel it changed.

"Everything was already planned from the beginning, right?"

"You already know who I am since the start, and you're just doing this because of the mission."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Hindi kaagad nakasagot ang lalaking kausap ko sa sinabi ko. Ramdam ko ang marahang paghigpit ng pagkakahawak niya sa akin.

I want to see. . . what character of his, he is showing right now. The pervert one? The childish? Maybe the sadist one?

Ilang segundo rin ang tumagal bago ko marinig ang pilit na pagtawa ng kasama ko. "Hm, my kitten learned something she's not supposed to know."

Kahit hindi ko nakikita, alam kong nakangisi siya ngayon, pinapakita ang pangil niya.

Napaismid ako. "May pagkagaling ka ring umarte, ano? You kept saying that in the end, you're the one who's going to kill me. But, in the end, you're the one who's going to get killed."

Muling nagkaroon ng sandaling katahimikan. Pakiramdam ko, iba ang takbo ng oras sa loob ng bilog na 'to. It felt like we really are the only people right now, in this time, in this second.

Too bad, I can't see his expression. . . and I can't feel my own emotions.

"An act, huh? Just because of the mission. . ." Rinig kong sambit ni Chain.

"Yeah, I know who you really was. Everything was already planned from the beginning."

"Me, meeting you."

"Me, taking you to Solar Academy."

"Me, acting that you're just someone from the Spiders."

I can hear Chain's chuckles. Wala ng buhay ang mga mata ko, pero ngayong naririnig ko mismo sa kaniya ang mga salitang 'yon, parang tuluyang nandidilim ang paningin ko.

Yeah. . . everything was just a part of the plan-

"But do you know what's not part of the plan?" Natigilan ako nang muling nagsalita si Chain. His voice softened.

"Me, calling you kitten."

"Me, telling you about my brother."

"Me, keeping you all mine. . ."

Solar Academy: School for the TamersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon