CHAPTER 10

10.7K 365 48
                                    


Panibagong araw, parang walang nangyari sa bilis ng takbo ng araw at buwan. Isang linggo na ang lumipas matapos nang pumunta kami ng Manila kasama ang mga Soriano. Walang araw sa linggong yon ang lumipas na hindi nawala sa isipan ko si Dominique, sa totoo lang sa mga nagdaang araw na 'yon ay kahit isang beses ay hindi ako lumuha.

Pero magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko nararamdaman ang bigat sa dibdib ko.

"Hey, morning." Bungad sa akin ni Samira na may maliwanag na ngiti sa kanyang labi, may dala siyang donuts at naramdaman ko agad ang pagtatakam ko dito. "Cravings eh, buntis."

"Magandang umaga rin."

"Do you want to do something? I'm kinda bored." Inayos niya ang hawi ng kanyang buhok at nilapag sa lamesa ang donuts. "Oh! Why don't we watch some movies? May movie room sila dito!"

Kumportable ang upo naming dalawa habang nanunuod ng isang local movie, walang tigil ang pagkain namin ng donut. Nakaka-iyak ang movie sa totoo lang at nakikisabay na rin ang luha ko sa aming pinapanuod.

"Umiiyak ka?" Natawa siya na hindi manlang namamalayan na umiiyak na rin siya.

"Umiiyak ka na rin eh."

"Oo nga." Pinunasan niya ang kanyang luha ngunit patuloy pa rin ang pag-agos nito, kumunot ang noo ko dahil mukhang hindi na ang movie ang dahilan. "Ang hirap."

"Ayos ka lang ba?"

"Parang wala pa namang sumagot ng 'Oo' sa tanong mo." Sinandal niya ang kanyang sarili habang nakatingin sa akin. "Hindi ko alam kung paano ko nakaya yung bigat sa dibdib ko sa buong buhay ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"I have three siblings, dalawang lalake tapos isang babae. Ate Sabrina, she's the eldest but sadly hindi ko siya naabutan. She died from a car accident at her young age, ang akala ng mga parents ko ay hindi na ulit sila magkakaroon ng babaeng anak until I was born."

Pinahid niya ang kanyang luha habang nakatingin naman na siya ngayon sa taas na parang pinipilit na huwag na may bumagsak na luha mula sa kanya.

"Until I was born, then that day started. Where I have to live for her, her dreams, everything. She wanted to be a Doctor, so my parents made me dream to be a Doctor. Alam mo 'yon? This is my fucking life but I don't feel like i'm living for it."

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, pangalawang beses na itong nag-open up siya sa akin. Ang nagawa ko na lamang ay ang ma-upo sa tabi niya at isandal siya sa akin.

"I am Samira Angelique but they want me to be Sabrina Angeline. Kita mo? Pati sa pangalan halos ipareha na nila."

"Kahit naman sabihin mo na parang ikaw yung ate mo, nakikita ko pa rin naman yung Samira."

"Am I that transparent?"

"You want to be a model right?" Napatingin siya sa akin at bahagyang tumango.

"How did you know?"

"Halata naman, sa mga binabasa mo pa lang na mga magazine hangang sa lakad mo na parang lagi mong isinasa-ayos." Tumango-tango siya at kumagat muli sa donut na kanyang hawak. "Bakit hindi mo hayaan sarili mo?"

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon