CHAPTER 3

14.2K 460 140
                                    


"Ija, it's the best not only for the baby but also for you." Hiyang-hiya na ako, maging tumingin manlang sa matanda na kinakausap ako ngayon ay hindi ko magawa.

"Nakakahiya po, ma-aalagaan ko naman po yung baby kahit wala po ako dito sa hacienda."

"How can Siwon be so sure that it's his?" Biglaang wika ng kapatid ni Siwon na si Psalm, na prenteng nakasandal sa pader habang ang mga bisig ay nakakrus. "Dad, this isn't the first time, madami ng sumubok niyan kay Hades, maging sa akin."

"Psalm is right, Siwon should make sure first." Komento naman ng isa pa nilang kapatid na naka-upo sa sofa habang pinapanuod kami.

"Hindi po ako nagsisinungaling." Wika ko, hindi ko mawari kung bakit tila lubos na takot ang nararamdaman ko ngayon na kaharap ko ang mga Soriano. Hindi ko akalain na hahantong sa ganitong punto ang paghahanap ko lamang ng pera o pagkakakitaan.

"Words from you isn't enough to prove your pregnancy."

Siguro'y sa matinding takot na nararamdaman ko ngayon sa harap nilang tatlo ay hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng aking luha, hindi ko alam nugnit hindi ko talaga sila matitigan sa mata.

"Hindi ko rin po 'to ginusto."

"Pero nangyari?" Sambit ni Psalm na sinasalungat ang mga salitang sinasambit ko. "Madami na ang babae na katulad mo yung sumubok ng ganyan."

"Psalm, wag mo takutin yung babae." Ang tono ng matanda ay para bang pinagsasabihan ang anak niyang si Psalm.

"Ipapakulong ka namin pag nagsisinungaling ka-"

"Stop scaring her, Psalm." Gumawi ang tingin namin kay Siwon na pababa sa hagdan habang ang mga kamay ay nasa kanyang bulsa. "It's my child that she's bearing, I know it and i'm sure of it."

"How can you be so sure? I once thought that you're the wisest in this family, mas malala ka pa pala kay Hades na hindi naloloko sa mga ganyan." Ang paraan ng pag-iling ni Psalm at pagngiti na tila ba pinaparating kay Siwon na dismayado siya bago pa siya tuluyan na umalis sa harap namin. Walang ibang pwedeng maging ama ang anak ko dahil tanging si Siwon lamang ang nakagawa sa akin non.

"Hide her, Siwon." Biglaang wika ng isa pang kapatid ni Siwon na si Hades, nakatitig lamang siya sa amin. "Your publicity will turn bad, I don't think she's in her legal age based on what my investigator said."

"She is."

"I'm not." Napakagat ako sa aking labi nang makita ang kanilang pag-iling dahil sa sobrang pagkadismaya at mga mata ni Hades na tila inaakusahan na ako sa isang bagay na hindi ko naman nagawa.

"She already lied about her age, what more when it comes to her pregnancy?"

"Maari niyo bang sabihin sa akin kung paano kayo na nagkakilala na dalawa?" Tanong ni Don Hacinto habang hinihilot ang kanyang sintido, tumingin ako sa mga mata ni Siwon. Nais kong malaman ang kanyang nasa isip, na kung sasabihin niya kaya na isa akong babae na binugaw ang sarili?

"I just met her, there's no more explanation for that. I believe in her that it's my child, Papa."

Wala manlang bakas ng pagkakaputol ang kanyang pagsasalita, mababakas sa kanilang pagsasalita na sila nga ay mga nakakataas. Sa kanilang mga tindig at sa mga paraan nila ng pagsasalita.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon