CHAPTER 30

10.6K 419 225
                                    


"Sanya." Gumawi ang tingin ko sa pinto, dumating na pala si Dominique at may dala pa siyang bulaklak. "Congrats on your first day."

"Daddy hero!" Tumakbo agad papunta si Soraya kay Dominique at agad na yumakap. "Are we going to Cordelia's house po?"

"Yes, baby."

"Teacher Sanya." Lumapit sa akin si Cordelia, tanging sila na lang ni Soraya ang studyante ko na nandito sa room. Maaga umuwi ang iba dahil wala pa naman masyadong ginagawa sa unang araw. "I am hungry po, I want bread."

"Anong bread ba ang gusto mo? Bibilhan kita sa canteen." Hindi ko maiwasan na hawakan ang mukha ni Cordelia dahil ang cute niya habang nagsasabi na gutom na raw siya. "Soraya, how about you? Gusto mo rin ng bread?"

"Opo."

"Bibilhan ko na lang sila, just stay here with them." Wika ni Dominique, tumango naman ako sa kaniya. Nang makalabas siya ay hindi ko maiwasan na mapangiti habang hawak ang bulaklak na bigay ni Dominique.

"Teacher Sanya, is that love po?" Natawa naman ako nang bahagya sa tanong ni Cordelia. "Are we going to receive flowers too po when we grow up?"

"Yes, pero ngayon hindi muna dahil bata pa kayo ni Soraya at magagalit yung daddy ninyo."

"Yes, daddy hero told me na pag may boy na lumapit sa akin when I grow up they should go first to my daddy hero na soldier." Pagkausap naman ni Soraya kay Cordelia.

"My daddy also told me that when I grow up and if a guy told me he likes me, I should tell him that my daddy is a Mayor of this town." Natawa ako dahil katulad ni Dominique ay gano'n din pala si Siwon, parehong mahigpit sa babaeng anak pagdating sa manliligaw.

"Hey, I am back." May dala na mga bread si Dominique, ang dami niya naman binili parang binili niya na lahat ng tinda sa tindahan. "Anong gusto n'yo dito?"

"I want the yellow one po." Wika ni Cordelia, nakangiting inabot sa kaniya 'yon ni Dominique.

"How about you, Soraya?"

"Daddy hero I want the one with chocolates." Nilapag na lang ni Dominique ang mga tinapay sa lamesa, agad na kumuha si Soraya.

"Cordelia, sino ang susundo sa'yo? Gusto mo ba sumabay na sa amin nila Soraya?" Tanong ni Dominique kay Cordelia.

"Okay lang po, I think daddy is busy and mommy doesn't like going to my school." Wika ni Cordelia habang kumakain ng tinapay.

"Baka sunduin ka ng mga Tito mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Sila Tito Migo po? I think they are busy in the house po, they are preparing for Lolo's birthday."

"Sabay ka na sa amin?" Tanong ni Dominique, tumango naman agad si Cordelia.

Pinagbuksan ako ng pinto ni Dominique matapos niya na mapagbuksan ng pinto sina Cordelia at Soraya. Nang makasakay siya ay muli niyang inayos ang seatbelt ko.

"We'll just go to the mall for a minute, bibili lang ako pang regalo kay Don Hacinto." Wika ni Dominique.

"Ako rin, bibili na rin ako."

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon