CHAPTER 11

9.6K 407 139
                                    

Sundalo, sa mga nagdaang araw sa tuwing naririnig ko yung salita na 'yon agad na pumapasok sa isipan ko ay si Dominique. Alam ko na marangal ang trabaho na yon pero alam ko rin na sinusugal ng mga tao yung buhay nila. Pinipilit ko yung sarili ko na kalimutan at ipag walang bahala na lamang yung huli naming pagkikita pero sa mas lalo na kalimutan ko mas lalong naiisip ko pa.

Nililibang ko na lamang ang sarili ko at ngayon ay nililipat ko na sa isang malaking serving plate yung kare-kare na luto ko, dinner na at andiyan na yung mga Soriano kaya naman naisipan ko na tumulong sa pagluto.

"Anya." Ginawi ko ang tingin ko kay Primo na pumasok sa kusina. "You helped enough already, tara na doon baka mapagod ka."

"Ayos lang ako!" Masigla kong wika sa kanya at sa pagharap ko naman sa hinahanda ko ay nabangga ko ang mangkok dahilan upang mabasag ito, mabuti na lamang at wala pang laman. "Hala."

Lumapit sa akin si Primo at nilayo ako sa nabasag na mangkok.

"Ako na bahala dito, Anya. Wait for me in the dining room." Nakayukong tumango na lamang ako.

Hindi ko alam kung anong mali sa akin, kahapon naman ay parang nalilibang naman na ako at parang hindi ko na masyadong naiisip si Dominique pero ngayon na naiwan akong mag-isa sa hacienda bumalik na naman. Gusto kong itanong sa mga magulang ni Dominique na kung ayos lang ba ang anak nila o kung nakakakain manlang ba ng mabuti.

"You don't look so well, may sakit ka pa?" Tanong sa akin ni Hades at nagkibit-balikat na lamang ako. "Papa."

"What is it?"

"It's almost October, Siwon's birthday." Paalala ni Hades.

"Just like those past few years after he became 21, baka wala rin celebration just like how he wants it to be."

Malapit na yung birthday nga pala ni Primo! October 2 ang birthday niya at malapit na magtapos ang buwan ng Septyembre. Hindi manlang ako nag-iisip kung anong magandang iregalo sa kanya masyado akong nafofocus sa mga nangyayari nung mga nakaraang araw.

"Let's just make a gender reveal party at his birthday, both Sanya's and Samira's." Suggestion ni Psalm at napatango naman si Don Hacinto. "But it should only be for us and Samira's family."

"Surprize ba pinag-uusapan niyo?" Singit ko sa kanila.

"Surprize? What are we? A high school student na isusurprize yung teacher?" Naiiling na wika ni Hades.

"Parang mas maganda kung surprize kasi eh."

"He's almost 26 and you think he's still into surprizes?" Sambit ni Psalm.

"Bakit hindi? Sinong hindi gusto ng surprize?" Gusto ko kasi talaga makita reaksyon ni Primo.

"Don't you think he had too much surprizes already for this year after you and Samira told him you're both pregnant?"

"Kahit na, mas maganda pa rin surprize diba po Don Hacinto?" Hinarap ko si Don Hacinto at natatawa na lamang siyang tumango sa akin.

"Pagbigyan ang buntis."

"What did I miss?" Tanong ni Primo habang nagpupunas ng kamay at na-upo sa tabi ko.

"Nothing much."

Habang kumakain ay nagnanakaw ako ng tingin kay Primo, iniisip ko kung ano kaya ang magandang iregalo sa kanya?

Hindi ko namalayan na napatagal na ang tingin ko sa kanya, gumawi ang tingin niya sa akin at ako naman ay ngumiti lang sa kanya.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon