CHAPTER 2

15.8K 510 73
                                    

Sa pag-agos ng tubig, sa bawat balat ko na dinadaanan nito ay tila binabalot ng tubig ang bawat marka na tumatak sa aking balat. Sa kahit na anong kuskos ko o sa kahit anong gawin ko ay hindi mawala sa isipan ko ang nangyari sa aking isipan, sa milyong halaga mula sa isang Soriano hinayaan ko na sirain ang pagkababae ko.

Kasabay ng pag-agos ng tubig ang pag-agos ng luha ko, ngunit maging tubig o luha ay hindi mababago o matatanggal ang mga permanenteng marka sa aking balat. Naka-alis na ako sa hospital ngunit hindi pa rin mawala yung sakit, hindi man pisikal pero yung sakit na nararamdaman ko ay kahit na anong hospital ay hindi ito matatanggal.

"Pasensya na po, na late ako." Agad akong kumuha ng papel na sasagutan, blanko ang isipan ko at namumutla ako dahil sa sobrang panghihina ko, pinanghihinaan ako.

Kahit sa tindi ng init at kahit mga electric fan lamang ang gamit dito, hindi ko nakalimutan na hindi magsuot ng jacket. Para bang ayoko na may kahit na sino ang makakita ng balat ko, pakiramdam ko ay ang dumi-dumi ko. Ganito nga siguro ang nararamdaman ng mga ginahasa? Ginahasa nga ba ako? Ako ang nagdala sa sarili ko sa ganoong sitwasyon dahil kailangan ko, kaya naman siguro wala akong ibang masisisi kundi ang sarili ko?

In-angat ko ang aking tingin at nakita ko ang matamis niyang ngiti, yung mukha niya na tila nilikha mula sa itaas, yung kagwapuhan niya na kahit na sinong babae ay hindi matatanggihan, at yung kabaitan niya na lalong naging dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Pero magustuhan niya pa kaya ako pag nalaman niya ang nangyari sa akin?

"Ayos ka lang ba? Sabi ko naman sayo magiging ayos rin ang kalagayan ni Lola Camilla." Ngumiti ako ng tipid sa kanya at bahagyang hinawi ang aking buhok upang maharangan ang leeg ko, wala akong kailangan na itago dito pero sa harap ng kahit sinong lalake ay ewan ko ba, gusto ko na lamang na itago ang lahat, maging ang sarili kong mukha.

"Ayos lang ako, wag ka mag-alala." Ngumiti siya at inangat ang aking mukha.

"Kilala kita, Sanya-"

Yumakap ako agad sa kanya at walang tigil ang pag-agos ng aking luha habang naka-yakap sa kanya, ngayong nagdikit ang katawan naming dalawa ay pakiramdam ko ay naging ayos ang lahat. Pakiramdam ko na ngayong nasa bisig niya ako ay wala ng iba pang makakasakit sa akin.

"Kaya pala naki-paghiwalay ka." Naramdaman ko agad ang hapdi sa aking anit nang biglaang hiltakin ng babaeng nagsalita ang buhok ko. "Ipagpapalit mo na lang ako sa ganitong babae pa?"

"Kaye, ayokong saktan ka, bitawan mo si Sanya."

"Why would I?" Nilibot niya ang tingin niya sa mga studyante at mga guro na nanunuod sa amin ngayon. "I am Kaye Santillan and this girl whore herself to my boyfriend, Dominique Altamayor."

May mangyayari pa ba ngayon na magiging mas malala pa dito? Ano pa kaya? Kasi kung meron pa baka hindi ko na kayanin. Pinanuod ko sa harapan ko ngayon ang pag-igting ng panga ni Dominique at pagpigil sa kanyang sarili na saktan si Kaye.

"You're a slut ah." Nanlaki ang mata ko nang biglaan niya na lamang na hatakin pahubad sa akin ang suot ko na jacket, kasunod non ay ang pagpunit niya sa aking uniform dahilan upang lumitaw ang aking manipis na sando.

"Tama na!" Tinulak ko siya at walang tigil ang pag-iyak ko habang binabalot ang aking sarili ng mga natira kong damit, kitang-kita ko ang tingin ng mga tao sa akin.

Naramdaman ko ang palad ni Dominique, pinatong niya sa akin ang kanyang uniform upang maharangan ang aking katawan. Nakita ko ang biglaang parang tila nakonsensyang mata ni Kaye, pinapanuod niya ako na tila hinang-hina at walang tigil ang pag-iyak habang pilit na hinaharangan ang aking katawan.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon