CHAPTER 12

10.3K 424 121
                                    


Hinihilot ko ang sintido ko habang na-iiling na lamang, ayaw magpadala sa hospital ni Primo kahit andito na kami ngayon sa hacienda nila.

"I know you, you're not stupid, alam ko na alam mo na hindi ka na dapat pumasok doon. I expected you to be the wisest and smartest among the four of us." Natatawang wika ni Psalm habang prenteng nakasandal.

"I went in there to know who's fooling me about Migo's whereabouts." Sinuklay niya pataas ang kanyang buhok. "And I heard them talking to our vice-mayor."

"So you're saying that the Vice Mayor Santos is behind this?" Don Hacinto asked looking so stressed right now. "What's their motive?"

"It's about the campaign." Sagot ni Primo at may dumating naman na nurse upang gamutin ang sugat niya, tumingin siya sa akin ngunit umiwas na lamang ako ng tingin. Hangang ngayon mugto pa rin ang mata ko at maluha-luha pa rin. "They want me to back out from running. They are using our vulnerability when it comes to Migo, their men told me to stop campaigning or they'll kill Migo. They think that I believed them when they say that they know where Migo is."

Si Vice Mayor? Sa pagkakaalam ko ay mabuting tao ang Vice Mayor ng San Soriano? Sa tingin ko ay hindi siya makakapag pagawa ng ganitong bagay, kahit ako ay nasaksihan ko sa kung gaano siya kabuti.

"We heard what happened." Umangat ang tingin namin sa dumating at ang pamilya to ni Samira. Ngayon ay kumpleto sila at kasama pati ang dalawa niyang nakakatandang kapatid na lalake.

Hindi makatingin sa akin si Samira ngayon, umiiwas siya sa mga mata ko at hindi ko alam kung bakit pero ayos naman kami noon? Nung bago siya umalis dito.

"Hindi niyo ba siya dadalhin sa hospital?" Mayor Alejandro or Samira's father asked.

"Samira, why don't you help Siwon? Guide him upstairs?" Utos naman ni Maria Avriana o ang nanay ni Samira, tumango si Samira at akmang lalapit na siya kay Primo nang magsalita si Primo.

"Anya?" Gumawi ang tingin nilang lahat sa akin, ako naman ay tumingin na lamang kay Primo. "Pwede mo ba akong samahan?"

Wala na akong ibang nagawa kundi ang tulungan si Primo, para na rin makalayo ako sa usapan ng mga mas nakakatanda.

"Hindi pa nacocompress ang mga pasa ni Don Siwon." Biglang singit ng nurse habang hawak ang cold compress.

"Ako na lang po." Kinuha ko ito sa kanya at inalalayan ko na si Primo papunta sa kanyang kwarto.

"It's the Ardiente." Kumunot ang noo ko kay Primo nang bigla siyang magsalita oras na ma-upo ko siya sa kama. "They did this to me."

"Ano? Bakit naman?"

"I am not giving Samira the same attention that I am giving to you. Not only that, me becoming part of their party will mess things up according to their will. Hindi nila matatarantado yung bayan sa harap ko." Na-upo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang mukha. Tumigil siya sa pagsasalita at nakatitig lamang siya sa akin habang ginagamot ko ang gilid ng kanyang labi.

"Paano na lang kung naniwala sila Don Hacinto tungkol kay Vice Mayor?"

"Papa knows that i'm lying." Wika niya at hinawakan niya ang aking kamay upang ilipat sa gilid ng kanyang mata.

Ominous MelodyWhere stories live. Discover now