CHAPTER 17

9.9K 373 204
                                    


Kung siguro ay makikita ako ng ibang tao ngayon, makikita nila ang mga nag nining-ning na mga mata ko. Sobrang tagal na nang huli ako makapunta sa ganito, sobrang ganda ng amusement park na ito. Para akong dinala sa isang makabagong lugar o panahon.

"Maganda ba?" Tuwang-tuwa akong tumatango kay Primo, sa totoo lang ay alam ko naman na hindi ako makakasakay sa mga ibang rides dito. "Tara doon?"

Lumapit kami sa isang carousel, nakangiti kong pinagmamasdan yung mga batang tuwang-tuwa. Naisip ko tuloy bigla yung magiging anak ko na babae, alam ko na magiging sobra siyang saya, parang ganito.

"Ano yun, Primo?" Tanong ko kay Primo habang nakaturo ako sa isang parang bahay na candy, pinipilit kong silipin ito mula sa pwesto ko ngunit sadyang madaming tao.

"Tara?" Hinawakan niya ang kamay ko, agad kaming naglakad papunta doon at isa pala yon na souvenir store. "Tara sa loob."

Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad naman na lumibot ang mata ko, tumapat ako sa mga cute na headband. Hindi ko maiwasan na mapangiti habang tinitingnan ang headband na may tenga ni Mickey Mouse, hinarap ko si Primo. Napansin ko na tumitingin siya sa ibang tinda.

"Primo!"

"Hmm?"

"Yuko ka!" Wika ko sa kanya, kahit nagtataka ay yumuko pa rin siya, agad ko naman na sinuot sa kanya yung headband. Hindi ko maiwasan na mapangiti nang makita si Primo, bahagya kong nagulo ang buhok niya.

Kumuha rin siya nung headband na kapartner naman ng kay Mickey Mouse, agad ay sinuot niya sa akin yon. Napangiti ako habang nakatingin kaming dalawa sa salamin, napansin ko ang agwat ng height namin ni Primo.

"Primo, ano bang height mo?"

"I am 188 centimeter." Tumango-tango naman ako sa kanya, sobrang tangkad pala talaga ni Primo habang ako naman ay 168 centimeters lamang. "Bayaran na natin to."

Agad niyang binayaran ang suot naming headband, natuwa ako dahil hangang sa labas ay hindi namin hinubad iyon. Pinagmamasdan ko ngayon ang drop tower, alam ko na hindi ako pwedeng sumakay doon kaya naman pinapanuod ko na lamang.

"Primo, ayaw mo sumakay don?" Turo ko naman sa drop tower, tumingin siya doon at sobrang taas nito.

"You want me to ride that?" Nag-aalinlangan niyang tanong, tumango na lamang ako dahil baka hindi nakakapag-enjoy si Primo dahil sa akin. Ayoko naman na mapigilan siya na gawin yung mga gusto niya nang dahil lamang na buntis ako.

Pumapalakpak pa ako sa tuwa habang hinahanda na kung saan naka-upo si Primo, nag thumbs up ako sa kanya sa parehong kamay ko habang nakangiti ako. Ngumiti siya na nag-aalinlangan at umangat na ito.

Hindi naman ito masyadong matagal at nang makababa si Primo ay agad siya na kumapit sa akin.

"Ayos ka lang?" Umiling siya at agad na tumakbo, ako naman na nag-aalala ay sumunod sa kanya. Nakita ko siyang naka-yuko sa isang basurahan at sumusuka, napakagat naman ako sa labi ko dahil madali pala na mahilo si Primo. "Sorry."

"It's alright." Pinunasan niya ang kanyang labi, agad siyang bumili ng mint na candy sa tabing tindahan nito.

"Hindi ko alam na madali kang mahilo."

"Anya, I already told you, it's alright." Hinawakan niyang muli ang kamay ko at marahan akong hinatak papunta sa tapat ng christmas village. Kanina ko pa ito nakikita kaya naman mas lalo akong namangha nang makita ito ng harapan.

Agad na bumili si Primo ng ticket naming dalawa at pumasok na kami, pinanuod ko siya na magsuot ng kanyang gloves at scarf.

"Bakit hindi ka pa nagsusuot?"

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon