CHAPTER 14

8.6K 363 137
                                    

CHAPTER 14

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Primo habang pinapanuod niya ako na kumain, nandito kami sa labas ng isang convenience store at kami na lamang ang tao dito. Hindi ko alam kung anong klaseng ice cream sandwich ito ngunit hugis isda ito, lahat ng flavors ay binili pa ni Primo.

"Tikman mo! Ang sarap!" Tinapat ko sa kanya iyon at wala na lamang siyang ibang nagawa kundi kumagat.

"Anya."

"Hmm?"

"Ano nga pala yung dapat sasabihin mo sa akin noon?" Inalala ko kung ano iyon at mabuti na lamang ay naalala ko agad.

"Wag na, ako na bahala don!" Nakangiti kong wika sa kanya ngunit mukha hindi siya nakumbinsi.

"Tell it to me, tutulungan kita."

"Malapit na lumabas si Lola ng hospital." Tumango-tango siya.

"We'll go fetch her, sa hacienda natin siya papatirahin."

"Primo, hindi niya pa alam na buntis ako."

"I'll be the one to tell her, I won't be a man if I can stand up and face her." Seryoso niyang wika habang kanyang pinaglalaruan ang kanyang labi habang kausap ako.

"You don't understand, Primo. Conservative si Lola at ako lang ang nag-iisa niyang apo."

"That won't stop me, Anya." Nang maubos ko ang isang ice cream sandwich ay muli niya pa akong pinagbuksan, matapos niyang lagyan ito ng tissue upang hawakan, agad niya itong binigay sa akin.

"Don't you find yourself too much already, Primo?"

"What do you mean?" Pinunasan ko ang labi ko at binaba ang kinakain ko.

"You're perfect already and you still kept on improving. I mean ang pogi mo na, ang bait mo, and then yung principles mo pa."

"You already find me perfect and everything then what's stopping you from liking me?"

"Parang kuya na kita eh." Wika ko at ngumiti nang malapad sa kanya. He scoffed after what I said and he pointed at my food.

"Pagpatuloy mo na lang pagkain mo, Anya." Nakita ko pa ang kanyang pag-iling bago iniba ng direksyon ang kanyang tingin.

Huminto ang kotse sa tapat ng mansyon at bakas sa aming dalawa ni Primo ngayon ang pagtataka, bukas ang halos lahat ng ilaw dito na sobrang unusual. Agad kaming pumasok na dalawa at nagkakagulo sila habang napapagitnaan si Samira.

"Are you really nuts?! The baby is the one at risk here at kung paano hindi uuwi ngayon si Siwon?!" Naiiritang sigaw ni Hades habang si Don Hacinto ay mukhang na-stress na.

"I won't be brave to face the doctors without him! Paano na lang kung may mangyari sa amin ng baby ko." Kita ko ang sobrang iyak ni Samira at nakakaawa siya ngayon, bakas sa kanya ang matinding sakit.

"What's happening?" Agad na lumapit si Primo at lumuhod sa tapat ng sofa kung saan nakahiga si Samira. "Anong masakit Samira?"

"It's her ulcer, she kept on eating less meals. Samira, dalawa na kayo at may bata sa sinapupunan mo, maybe it's not the time for you to be body conscious." Mahinahong wika ni Don Hacinto.

"If only Siwon were already here then I won't be suffering from pain for this long! Who should I blame pag may nangyari sa amin ng baby ko?! Myself?!"

"Enough, Samira. Dadalhin ka na namin sa hospital." Pinanuod ko ang mabilisan nilang paglabas habang ako ay bakas din sa akin ang pag-alala. Tama si Samira kung hindi ko sana inabala si Primo siguro ay nadala agad siya sa hospital.

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon