CHAPTER 35

10.6K 469 300
                                    


Hawak ko sa kamay ko ang anak ko ngayon habang naririto kami sa palengke. Ilang araw na ang lumipas matapos ang nangyari sa skwelahan, nang malaman iyon ni Dominique ay halos hindi na niya kami iwan ni Soraya kahit sobrang busy niya.

"Ma, luluto ka po ulit ng kare-kare?" Tanong ni Soraya habang nakatingin sa mga pinipili ko na gulay. Tumango ako sa kaniya at napangiti siya. "Favorite ni daddy hero 'yon! Kaya po ba kayo magluluto?"

"Hmm, oo, kawawa kasi daddy hero mo sobrang busy na sa work niya tapos pati sa atin." Wika ko sa kaniya, pati ngayon ay susunduin pa kami ni Dominique. Sobrang nag-alala si Dominique nang dumating siya sa skwelahan nung araw na 'yon.

"Sanya." Napatingin ako sa tumawag sa akin at si ate Anika pala ito. "Hindi ka na ata masyadong nadadaan sa hacienda?

"Nako, ate, wala naman akong ibang dahilan. Saka busy na rin dahil malapit na tapos ng first grading ng mga bata."

"Gano'n ba? Magkakaroon ng party sa hacienda sa susunod na linggo ah? Kaarawan ni Ma'am Mathilda." Bigla kong naalala na lagi nga pala nila itong pinaghahandaan kahit wala na ang mama nila Primo o ang asawa ni Don Hacinto. "Sigurado ako na iimbitahan ka nina Mayor, lalo pa ngayon mas magiging magarbo ito dahil si Mayor ang may sagot ng lahat."

Magsasalita pa sana muli kami nang biglang magkumpulan ang mga tao at may pinupuntahan sila. Pareho kami na nagtaka ni ate Anika kaya naglakad kami papunta roon, mula sa kinatatayuan namin ay kita ang isang stage sa plaza kung nasaan ang Vice Mayor na si Zayne o ang kapatid ni Samira. Kasama rin nito ang mga ibang Ardiente, nakakapagtaka dahil wala ni isang Soriano sa palapag na 'yon.

"I know how hard it is after those weeks, talamak ang mga pakalat-kalat na krimen dito sa San Soriano. Mayroong mga akyat-bahay, barilan, hostage taking, at maging ang mga walang tigil na pagkalat ng bisyo o droga." Nakatingin lamang ako sa kaniya habang nagsasalita. Hindi ko alam kung ano ang mayroon pero maging si Samira ay nandoon. "Ngayon papatunayan ko sa inyo na katulad ng pangako ko o maging ang pangako ng pamilya namin, hangang ngayon ay papanatilihin namin na ligtas ang San Soriano."

Naging malakas ang bulungan matapos may limang pulis ang mag-akyat ng limang iba't-ibang lalaki na may takip ang mukha. Bawat isa sa kanila ay nakaposas din.

"Nasa harap n'yo ngayon yung mga taong naging dahilan ng mga nakawan at iba pang klaseng krimen ngayon dito sa San Soriano." Hindi ako mapalagay sa mga sinasabi ni Zayne, rinig ko ang tuwa ng mga tao ngunit sa tagal na nakilala o maging nakasama ko ang mga Ardiente. Hindi ako nagtitiwala sa napapanuod ko ngayon. "Alalahanin ninyo lagi na andito ang inyong Vice Mayor o ang buong Ardiente, para palaging pangalagaan ang buong San Soriano."

"Bakit wala si Mayor?" Tanong ni Ate Anika, hindi ko rin ito masasagot dahil maging ako ay nagtataka. "Napakadaling kuhanin ng mga nasa ituktok ang loob ng mga taong nasa ilalim, pangakuan lang ay parang sinasamba na nila yung mga nasa ituktok."

"Kahit ano naman ang gawin nila Samira o ng buong Ardiente, hindi nila mahihigitan ang mga Soriano. Mahal ng San Soriano sina Primo, alam ko na hindi tulad ni Zayne si Primo. Tahimik ang pagtulong ni Primo sa mga tao, hindi tulad nila."

"Halos buong oras ni Mayor laging nilalaan para sa bayan, hindi man kita ng iba pero kita naming lahat sa hacienda kung gaano kagaling si Mayor. 'Wag sana magbago ang tingin nila nang dahil lang sa pagiging talamak ng mga krimen ngayon dito sa San Soriano." Mahabang wika ni ate Anika.

"Sanya? Anika?" Napalingon kami sa tumawag sa amin, si Hades pala 'yon. Gumawi ang tingin niya sa mga Ardiente at napailing na lamang siya. "Trapo."

"Sir, ano po ang ginagawa niyo rito?" Naguguluhang tanong ni ate Anika.

"I just came here for someone." Mungkahi niya sa seryoso niya na boses. "May maghahatid na ba sa inyo?"

Ominous MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon