Chapter 17

4.1K 62 2
                                    

MUKHA TULOY akong nababaliw kung ngumiti— sobrang lawak. Lahat ng pangamba ko kung papayag siyang makipagkita ulit sa akin ay nawala dahil na-confirm ko na sa kanya na gusto niya ulit lumabas kasama ako.

Nakakabaliw pala ang sobrang kaligayahan. Tila ba nakalutang ako sa langit at sumasabay sa galaw ng mga ulap. Daig ko pa yata ang tumikhim ng ipinagbabawal na gamot. Sabagay, masasabi kong si Yumi na nga ang tamang drug para sa akin. Tamang dosage kaya nakakaginhawa sa pakiramdam. Nagpagulung-gulong na naman ako sa kama.

"Hay, Miss Panda. Bakit ba pinapaligaya mo ako ng ganito?" sambit ko sa aking sarili. Inabot ko ang isang unan at niyakap ito. Hinalik-halikan ko pa ito ng maraming beses.

"Kailangan ka na ba naming dalhin sa mental institution, kuya?" wika ng isang pamilyar na boses na kaboses ng kolokoy. Hindi ko napansin na sumilip pala siya sa may pintuan.

"Gusto mo iuna kita?" balik ko naman sa kanya. Umupo ako sa edge ng kama at ipinatong ang unan sa hita ko. "Ano na naman kailangan mo? Wala, madumi mga damit ko." Alam ko kasing manghihiram na naman siya sa'kin.

I may be older than Jude, pero kaunti na lang ay mas matangkad na siya sa'kin. Mayroon kaming iilang mga gym equipments dito sa bahay at active rin siya sa pagwo-workout katulad ko.

"Hindi ako manghihiram. 'Yong girlfriend ko kasi..."

Nakaramdam ako ng inggit dahil nauna pang magkaroon ng girlfriend ang kapatid ko, samantalang ako ay tila ba naglalakad sa alambre dahil kahit pinayagan ako ni Yumi na ligawan siya ay naisip ko rin naman iyong magiging future ng relationship namin. Magiging malayo kami sa isa't isa dahil bakasyon lang naman siya rito sa Manila. In short, long distance relationship.

"What about your girlfriend? Nabuntis mo?!" napatayo pa ako sa gulat dahil sa sinabi ko. Nag-roll eyes lang naman ang kapatid ko which is a good sign na hindi niya nga ito nabuntis.

"OA mo. Hindi ko siya nabuntis. Malungkot siya, eh. Hindi ko alam ang gagawin."

Ah, first time kasing magka-girlfriend ni Jude. Hindi namin siya pinapayagan noon ni mommy na mag-girlfriend dahil bata pa siya. Ngunit ngayon ay hinayaan na siya ni dad dahil napapansin naman daw niya na pwede na at responsable siya.

"Tawagin mo. Cheer her up. O magpaalam ka kay mommy na pupuntahan mo siya. Make your girl feel na importante siya at valid ang feelings niya," wika ko.

Nakatitig sa akin ang kolokoy na tila ba nag-transform ako into an alien.

"Hindi ka ganyan sa mga exes mo. Siya ba ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan ngayon?" tanong ni Jude sabay turo sa screen ng phone ko. Tumingin ako sa bedside table kung saan naroon ang phone ko. May nag-pop out na message from Tobi. Syempre makikita ni Jude ang screen ng phone ko. "Girlfriend mo?"

Bumalik ang tingin ko kay Jude. "Hindi pa. Liligawan ko pa lang."

"Maganda," he referred to Yumi.

Ngumisi naman ako. "Of course, bro. Kapatid nga kita. Marunong pumili."

"Pangit tastes mo dati. Ngayon hindi na," wika ni Jude. Magre-react sana ako ngunit nagsalita siyang muli. "Thanks sa advice. Paalam lang ako kay mommy," aniya sabay sara niya ng pinto.

Minsan iniisip ko bakit ganoon ako tratuhin ng kolokoy na 'yon. Napatitig na lamang ako sa pinto ng kwarto ko pagkatapos ay naisipan ko na lang matulog.

Nagising na lamang ako sa katok ni mommy sa pinto ng kwarto ko. Tiningnan ko ang orasan sa phone. Nine am pa lang ng umaga.

"Anak, si Tobi at Aiden nandito sa bahay. Bumaba ka muna," wika ni mommy sa tapat ng kwarto ko. Narinig ko si Aiden na kinakausap si mommy at pagkatapos ay binuksan ni Tobi ang pinto ng kwarto.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon