Chapter 5

4.5K 62 2
                                    

NANG MAKAUWI ay patakbo akong dumiretso sa kwarto. Napansin kong tinapunan ako ng tingin ni Jude. Naglalaro pa rin ng Nintendo Switch sa sala. Naaamoy ko rin ang chopsuey na niluluto ni mommy sa kusina.

Alas syete na ng gabi. Naisipan kong maligo muna at magpalit ng damit bago bumaba sa sala.

"Hindi ka pumasok, ha, kolokoy?" tanong ko sa kapatid ko. Tinabihan ko siya at pinanood ang paglalaro niya ng NBA 2k22.

"Wala akong pasok ngayon," sagot naman niya habang nakapokus pa rin sa kanyang nilalaro.

Maraming nagsasabing kamukha raw ni Jude 'yong anak ni Dr. Ji sa Koreanovela na The World Of The Married. Nagpapasalamat na lang ako dahil base sa mga kwentong naririnig ko ay may personal issues raw ang character na iyon at hindi naman ganoong klase ng teenager itong kapatid ko. Matipid nga lang magsalita at masyadong seryoso sa buhay.

Tumayo ako at pinuntahan si mommy sa kusina. Naghahain siya ng hapunan na pang-tatlong tao. Tinulungan ko si mommy sa kusina. Kumuha ako ng mga plato at nilapag iyon isa-isa sa mesa.

"Kailan daw uuwi si daddy, ma?" tanong ko kay mommy nang maupo ako sa harapan ng hapag-kainan.

"Bukas daw. Alam mo namang workaholic ang daddy ninyo. Pinag-aalala ako kung minsan, eh. Inuubo raw," aniya. "Mabuti na lang uuwi na siya bukas. Kailangan niya ng pahinga," dagdag pa ni mommy habang naghahapag ng isang platong chopsuey sa mesa.

"Tawagin mo na nga ang kapatid mo. Kanina pa 'yan sa sala. Ako na ang naghatid ng lunch niya kanina doon. Ayaw maistorbo."

Habang nakaupo ako sa dining area ay tumingin ako sa sala at sumigaw.

"Anak ni doctor Ji! Kakain na!" sigaw ko. Lumipas ang isang minuto ngunit hindi ako pinansin ni kolokoy. "Lois Nicole Martinez, kakain na!"

Wala pang limang segundo ay nasa dining area na si kolokoy. Pinanlakihan niya ako ng mata at sinuntok ako sa may shoulder blade. Mahina lang pero may pwersa. 'Tangina nitong kapatid ko. 'Yong crush niya lang pala ang solusyon para iwan ang kanyang nilalaro.

"Ang sakit no'n, ah! Kuya mo ako, kolokoy ka," banta ko.

"Sino 'yong Lois, anak? Girlfriend mo?" simpleng tanong ni mommy sa kanya sabay upo sa upuan sa kaliwa ko. Umupo naman si Jude sa kabilang side.

"Hindi po, ma. Nang-aasar lang si kuya." Sinamaan ako ng tingin ni Jude.

"Crush niya 'yon, ma," sumbong ko pa. Pinagduldulan ko na talaga para lalong maasar si kolokoy.

"Kuya!" saway ni Jude. Alam kong deads na ako sa kanya mamaya nito. Well, that's how I make lambing with my younger brother.

"Whatever, kolokoy," sambit ko. Wala siyang magawa kung hindi ang tumingin sa akin ng masama dahil nandito si mommy. Pagagalitan man ako ay hindi rin naman siya makakalusot sa sermon ni mommy. Parehas kasi kaming makakatikim ng sermon regardless kung sino ang nagsimula ng away o asaran.

"Oo nga po pala, ma. May party po kina Steven mamaya. Schoolmate ko po. Kasama ko ang barkada. Paki-lock na lang po lahat ng pinto mamaya. Late na po ako uuwi. Ihahatid ko pa kasi 'yong mga girls sa bahay nila pagkatapos," paalam ko kay mommy habang pinangsasandok niya kami ng kanin ni Jude.

"Hindi ba iyon 'yong nakaaway mo?" tanong ni mommy habang naglalagay naman ng ulam sa mga plato namin.

"Hindi po, ma. Si Jace the douche 'yon."

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon