Chapter 12

4K 66 2
                                    

"MAY GIRLFRIEND ka na?" kunot-noong tanong ni dad sabay higop sa kanyang matapang na kape. Hindi rin naalis ang tingin niya sa'kin. He's literally waiting for my response.

"Wala pa, dad. Relax lang po tayo," wika ko habang hawak ang plato ng bacon at nagsasalin ng iilang strips sa aking plato. Nang ibalik ko plato sa pwesto nito ay sinalansan ko ang bacon sa loaf bread ko. Pagkatapos ay kumagat ako sa gilid.

"Hina mo, anak. Daig mo pa si ulupong," wika ni dad nang ipatong niyang muli sa mesa ang tasa ng kape.

"Dad, alam mo naman masyado tayong pogi. Syempre, pumipili tayo. Kaya nabingwit mo ang pinakamaganda at sopistikadang si mommy, 'di po ba, ma?" Humarap ako kay mommy. "'Di ba, 'di ba?" Hinalikan ko sa pisngi si mommy at kunwari pa siyang hindi kinilig sa amin ni dad dahil pinaikot niya ang kanyang mga mata habang hawak ang mga kubyertos.

"Tigilan ninyo nga ako. Kumain na lang kayo diyan," supladang wika ni mommy kahit alam naman namin ni dad na kinikilig siya.

"Si kolokoy, ma, umalis na?"

"Hindi. Nasa kwarto may kausap. 'Yong girlfriend niya."

Bwiset. Nakakainggit, wika ko sa aking isip.

"Aalis pala ako mamaya, ma. May imi-meet po ako."

"Sino?" tanong ni mommy bago isubo ang kanyang banana bread.

"Isang magandang dilag, ma, just like you," I answered her.

"Make sure na hindi 'yan katulad ng ex mo, Keith, ha," paalala ni mommy.

She's talking about Aliyah, my last ex-girlfriend noong first semester. Masyado raw kasing maarte at high maintenance sabi ni mommy. Hindi naman iyon problema sa akin. Ang kaso ayaw sa kanya ni mommy dahil ma-attitude pa raw ito. We broke up dahil pakiramdam ni Aliyah ay hindi ko nagagawa 'yong mga bagay na nagpapasaya sa kanya. Naniniwala rin kasi ako na selfishness will kill the relationship in the long run. She was the one who broke up with me anyway dahil hindi ko raw nami-meet 'yong needs niya.

"Ma, trust me. This one is different. Tsaka kinikilala pa po namin 'yong isa't isa," paliwanag ko.

"That's right, Keith. Mga anak ko nga kayo," wika ni mommy. I could tell that she's satisfied with my explanation.

"Of course. Love you, mommy." I kissed her cheek at saka ko na tinapos ang kinakain ko.

Paakyat na sana ako papunta sa kwarto ko nang marinig kong tumunog ang doorbell. Bumaba akong muli para pagbuksan ng pinto iyong bisita. Nang buksan ko ay bumungad sa harapan ko si Dani.

"Hi, Keith!"

"Oh, Dani. What brings you here? Pasok ka," saad ko. Tumingin ako sa kusina at sumigaw. "Ma! Si Dani nandito!"

Iginiya ko ang kamay ko kay Dani para papasukin siya sa loob. Naka-high ponytail na naman ang mahaba niyang buhok gamit ang yellow na bandana.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Dani.

"Pupunta ako sa bahay ng papa ko," sagot nito sabay buntong-hininga.

Oo nga pala, galing sa broken family si Dani. May bago nang kinakasama ang papa niya. Ang mommy naman niya ang kasama niya sa bahay. Only child lamang si Daniella kaya sila na lang dalawa ng kanyang mommy sa buhay.

"Napadaan lang ako kasi masyado pang maaga. Tatambay muna sana ako dito sa inyo. Nasaan si Jude? Makikipaglaro sana ako sa Switch ninyo. Pampalipas lang ng oras."

"Nasa kwarto si kolokoy. May kausap, eh. Ako na lang muna. Ano, tara?"

"Ayoko, patalo ka, eh," poker face niyang wika.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon