Chapter 20

3.8K 50 8
                                    

IPINARKE KO muna ang sasakyan sa malapit at nilakad namin ng ilang minuto ang Manila Baywalk Dolomite Beach.

Mayroong iilang mga tao na nagsi-sightseeing nang makarating kami. Halos mapatakbo si Yumi sa kasabikan na makita ang beach.

I felt satisfied to see her happy. Hinayaan ko lamang siyang lumakad ng mas malapit pa sa shore ng beach. I took my phone out of my pocket and took candid photos of her. What a great view to see. The girl I want to marry is having a great time with me on the beach.

Patakbong lumapit sa akin si Yumi na may malawak na ngiti sa kanyang labi. "Keith! Grabe, hindi ko alam na may ganito na pala dito sa Maynila! Hindi kasi ako gaanong nanonood ng balita. Thank you, thank you for taking me here!" Napayakap si Yumi sa akin sa sobrang tuwa. Ngunit nang mapagtanto niya ang kanyang ginawa ay kakalas na sana ngunit hinawakan ko siya sa bewang at niyakap. Tila natuod siya sa aking ginawa ngunit nang kalaunan ay hinayaan niya rin ang aming sarili sa ganoong posisyon.

"I'm grateful to have you here with me, Yumi. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya na kasama kita ngayon. Call me crazy but... I feel happy whenever I see you. Gusto kong makita kang masaya dahil sa akin. Gusto pa kitang paligayahin sa abot ng makakaya ko. Alam kong nagugulat ka sa mga sinasabi ko ngayon pero maniwala ka man o hindi, sa tingin ko hindi lang kita gusto. I lo—" hindi ako pinatapos magsalita ni Yumi at saka siya lumayo sa akin.

"No, Keith. Don't say it. H-huwag muna..." Umiwas siya ng tingin sa akin.

Nasaktan ako sa kanyang sinabi ngunit wala akong magawa kung hindi ang intindihin siya.

"I'm sorry, Yumi. Masyado akong mabilis. I understand. Huwag mo na lang isipin iyong sinabi ko," saad ko. I did my best to smile and act as if it was nothing, but deep within me ay nabasag ako dahil hindi ko inasahan na ganoon ang kanyang sasabihin at magiging reaksyon. She has the right to say 'no' and I won't push her to be with me kahit masakit sa akin.

"Hindi sa gano'n, Keith... ano kasi..." Nilaro niya ang kanyang mga daliri, tila nag-iisip ng tamang salita na gusto niyang sabihin para hindi siguro ako magdamdam. Sa huli ay umiling ako at hinawakan ko ang kanyang magkabilang balikat.

"It's okay, Miss Panda. I'm sorry. Kasalanan ko 'to. Please, enjoy the day. Sulitin mo 'tong time na wala pang gaanong tao dahil hindi mo na maa-appreciate 'to mamaya kapag marami nang tao."

Yumi smiled shyly at me. "Thank you."

"Anytime," sambit ko naman na may pilit na ngiti sa aking labi.

Naglakad-lakad siya sa dalampasigan ng beach habang ako naman ay naupo sa buhanginan. Pinanood ko lamang siyang kumuha ng mga photos ng beach at mga selfie niya. Naisipan kong lumapit sa kanya at alukin siya.

"Let me take your photos," suhestiyon ko. Inilahad ko ang aking kamay para kuhanin ang kanyang phone. She handed it me.

"Thank you, Keith," aniya.

I started to take aesthetic photos of her. Pilit kong isinantabi ang lungkot sa aking kalooban dahil ayokong maramdaman iyon ni Yumi at maapektuhan siya. Hanggang sa matapos kami sa kanyang photoshoot kuno at naisipang lumakad sa sidewalk ng Manila Bay.

Niyaya ko siyang umupo sa sementadong bato sa gilid ng Manila Bay. Amoy dagat ang simoy ng hangin. Tahimik kaming dalawa ni Yumi habang pinapanood ang paglubog ng araw.

"I'm sorry," sambit ni Yumi.

Tiningnan ko siya na may pagtataka sa aking reaksyon, ngunit naintindihan ko rin ito pagkatapos. I looked back at the sun and watched it go down the horizon slowly.

"Hindi mo naman kailangang mag-sorry. Ako nga dapat ang humingi ng sorry sa'yo."

Naramdaman ko ang titig ni Yumi sa akin ngunit minabuti kong hindi siya tingnan pabalik dahil nangangamba akong mapansin niya ang lungkot sa aking mga mata.

Hindi ko inasahan ang sumunod na nangyari. Hinawakan ni Yumi ang kamay ko na nakatungkod sa semento sa pagitan naming dalawa.

"I like you too, Keith," she confessed.

Tila crane ang aking leeg nang dahan-dahan akong tumingin kay Yumi na may gulat sa aking reaksyon. Nagkagulo ang mga paru-paro na natutulog sa aking tiyan at para bang matatae ako dahil sa kaba at excitement na aking nadarama. Umawang ng bahagya ang aking bibig habang tulala sa kanyang mayuming mukha.

"A-ano? Pakiulit?" saad ko habang ganoon pa rin ang aking reaksyon.

Yumi took my hand ang showed it to me when she intertwined our fingers.

"Ang sabi ko, gusto rin kita," pag-uulit niya sa akin na may ngiti sa kanyang labi.

Mukha akong ewan na bumaling muli sa araw na halos katiting na lamang ang nakalitaw sa dulo ng dagat.

"Keith?" tawag ni Yumi sa aking pangalan. Bakas ang pangamba sa kanyang boses.

Bigla akong tumayo at napasuntok sa ere. "Yes! Yes! Yes!"

Tumingin ako kay Yumi na nakatingala pala sa akin. Unti-unting nawala ang pangamba sa ekspresyon ng kanyang mukha at napalitan ng ngiti. Umupo akong muli sa kanyang tabi at niyakap siya, ngunit lumayo akong muli dahil pumasok sa isip ko na baka isipin niyang nagti-take advantage ako sa kanyang feelings para sa akin.

"Sorry, hindi ko mapigilan," nakangiwi kong wika.

Yumi smiled at me. Then, she leaned her beautiful face slowly that made my heart skip a beat. She closed her eyes as if she was anticipating a kiss.

Then, I kissed her right cheek instead. Binuksan niya ang kanyang mga mata na may pagtataka.

"Hindi ko kayang gawin agad na halikan ka, I'm sorry," saad ko. "I want it to be special. Gusto ko 'yong pinagplanuhan para memorable. I hope you understand, Yumi," dagdag ko pa.

Yumi smiled at me. "Sorry, Keith. Gusto ko lang din sigurong sulitin 'yong oras na kasama kita rito sa Manila. Kanina ko pa kasi iniisip na mapapalayo ako sa'yo dahil babalik rin ako sa Cebu. Naguguluhan kasi ako sa magiging relasyon nating dalawa kung sakali. It will be a long distance relationship," paliwanag ni Yumi. I could feel the glimpse of sadness in her voice. Tumitig siya sa papatapos na takipsilim at pinanood ang isang bituin na lumitaw sa langit.

"Yumi."

She looked at me again and I saw the evident sadness in her face. Hinawakan ko ang kanyang kaliwang pisngi at hinaplos iyon ng marahan gamit ang aking hinalalaki. She closed her eyes to feel the warmth of my palm and I couldn't contain my deep feelings I have for her.

"I will make a way," I told her. Inilapit ko ang aking mukha sa kanya hanggang sa magdampi ang tip ng aming ilong. "I want to be with you. Always. Hindi ko kayang pakawalan ang isang tulad mo. I know deep in my heart that I found the right woman for me. Alam kong masyado pa tayong bata pero gagawin ko ang lahat para maiparamdam sa'yo na karapat-dapat ako sa puso mo. Just let me love you. Let me do what I can to make you happy and assured that my heart only belongs to you."

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ni Yumi sa aking hinlalaki.

"Keith..."

I held her both cheeks and wiped her tears.

"Let me tell you what I feel for you, Mayumi," I said in a soft tone. "I love you."

Hindi ko narinig ang sagot ni Yumi. Instead, she sealed the gap between our lips under the moonlight gleaming on the sea.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon