Chapter 7

4.3K 58 1
                                    

I WENT back inside Steven's house matapos naming mag-usap ni Yumi. I just couldn't believe Troye's opinion. Naniwala agad ako na iyong ka-chat at kausap kong Yumi ay siya rin ang babae sa mga pictures. Ramdam ko naman kasi talaga na siya iyon, eh. Sa pananalita pa lamang niya ay ramdam kong authentic siya at hindi naman ako nakaramdam na parang may tinatago siya. Pero hindi ko malalaman ang totoo kung hindi kami magkikita. And I'm not doubting her. Gusto ko lang din makasiguro na siya nga iyong babae sa mga photos sa profile niya sa dating site.

"Keith, you okay?" tanong ni Dani. Kasama ko na ang barkada ngayon sa may tabi ng swimming pool. Nakaupo kami ni Dani sa gilid habang nakalublob ang aming mga paa sa tubig na abot hanggang tuhod.

Hindi ko na rin pala nakita si Cleo. I felt bad for leaving her there alone. At mas lalo akong nakaramdam ng guilt dahil hinayaan ko ang sarili ko na halikan niya ako. Pakiramdam ko I betrayed Yumi behind her back kahit hindi naman kami. It was a mistake.

"Ayos lang," tipid kong sagot kay Dani habang tulala sa tubig. Pina-paddle naman ng marahan ni Dani ang kanyang mga paa sa tubig.

"Iba ka lately. Parating malayo ang tingin mo. Hindi ko alam kung in love ka ba o stressed," wika niya.

Both, I mentally answered her.

"Gano'n ba."

"By the way, nag-uusap kami kanina nila Tobi kung saan balak magbakasyon ngayong summer. Gusto ng iba na mag-Hongkong or Singapore. 'Yong iba naman gustong magbeach anywhere dito sa Pilipinas. Eh, kulang sa budget 'yong iba kaya beach na lang daw. Ano sa tingin mo? Saan mo gusto?"

"Sa beach na lang rin." Tumayo ako at lumapit kina Troye, Aiden, Sab, Tobi, Rian, at Yohan na naguusap-usap sa isang mesa. "Mag-beach tayo. Sa Cebu," wika ko sa kanila. All their heads turned to me na parang crane. I wanted to laugh because they were in synced.

"Aba. May lagnat ka ba, bro? Dina-drag ka lang namin sa ganitong usapan dati. Kung saan kasi ang majority, doon ka na din. Nakakain ka ba ng lason?" ani Yohan.

"Nagbabagong-buhay na 'yong tao. Dapat magbunyi tayo," wika naman ni Aiden. Nagtawanan naman 'yong iba sa kanyang sinabi. I just shrugged my shoulders and sat beside Rian to stop myself from thinking about Yumi being a poser because she is not.

Nang matapos ang party, nagpaalam kami kay Steven at isa-isang hinatid ang mga girls. Si Tobi ang nagmaneho sa kotse ko dahil siya ang hindi uminom sa'min. Hinatid muna namin sina Rian, Sab, at Dani sa kanilang mga bahay at pagkatapos ay umuwi na kami sa bahay namin.

"Bro, pahiram kumot," sabi ni Tobi habang nakasilip ang kalahati ng kanyang katawan sa pinto. Nasa kabilang kwarto siya katabi ng kwarto ko. It's a spare room for guests.

"Teka, kukuha ako sa closet," wika ko. Kumuha ako sa closet ko sa kwarto at pagbalik ko sa tapat ng room ko ay hinagis ko iyon kay Tobi. Mukha kaming ewan na nakasilip ang kalahati ng aming mga katawan sa mga pinto.

"Bro, may tanong ako. Teka, ilalagay ko lang pala 'to sa kama." Pumasok siya saglit sa guest room, pagkatapos ay lumabas ulit para lapitan ako sa may pintuan ng kwarto ko. "Sino 'yong babae sa lockscreen mo? Nakita ko kasi kanina noong nasa elevator tayo sa school. 'Di ako tsismoso pero, bro, hindi ka naman nagse-set ng babae as wallpaper mo. Never mong ginawa 'yon. Sa pagkakakilala ko sa'yo, sexy na babae 'yong mga wino-wallpaper mo, 'yong mga unreachable katulad ng mga artista pero damn, bro. Maganda naman 'yong babae sa wallpaper mo. Kaso jowable siya, eh. Pang long term relationship."

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon