Chapter 22

3.5K 47 8
                                    

KINABUKASAN, pagkatapos ng mga klase ko ay dumiretso ako sa café na tambayan namin ng barkada. Sa pagpasok ko ay napansin kong naroon na ang lahat at umiinom ng milktea at desserts. Nagku-kwentuhan sila at nagtatawanan. Tila may kinikwentong nakakatawa si Aiden dahil tumatawa sina Dani at Sab habang nakikinig sa kanya. Umiiling naman si Rian dahil mukhang hindi mabenta sa kanya ang kwento ni Aiden.

Lumapit ako sa kanila at nagsalita.

"Guys, may sasabihin ako," panimula ko. Lahat sila ay tumigil at bumaling sa akin. "Ipapakilala ko na si Yumi sa inyo. Ang kaso may problema."

"What?! Exciting!" ani Rian. "Teka, anong problema naman 'yon?"

"Hindi pa kasi ako nakapag-propose sa kanya ng 'Will you be my girlfriend?'" saad ko sabay kamot sa batok ko.

"Ay gagi, 'to. Pero mutual naman ang feelings ninyong dalawa ni mystery girl?" tanong ni Rian.

"Oo. Nagkaaminan na kami. We were so caught up in the moment, eh. Pero gusto kong iparanas sa kanya 'yong pagpo-propose," sagot ko naman.

Napansin ko ang pananahimik ni Sab sa tabi ni Yohan. Tabi-tabi sa mahabang upuan sina Rian, Tobi, at Aiden. Sa kaliwa naman nila sina Yohan at Sab. Sa kanan naman sina Troye at Dani. Naisipan ipatong ang bag pack ko sa mesa at tumabi kay Dani.

"Kailan ba? Tsaka saan?" tanong ni Tobi.

"Okay lang ba kung sa Cebu tayo mag-beach? Balak ko sanang mag-propose kay Yumi doon," wika ko. "Doon kasi siya nagta-trabaho at nakatira."

"Okay lang sa akin. Gusto kong masilayan ang pagbabagong buhay mo, eh," ani Yohan.

"Tumiwalag ka na nga ng tuluyan sa chicas-now-jowa-later campaign natin," ani Aiden. "I'm so proud of you, bro," aniya pa.

"Sumunod ka sa yapak ni Keith, okay?" wika ni Dani kay Aiden.

"Whatever, Dani," sambit ni Aiden.

Umiling na lamang si Dani. "You're hopeless."

"Anyway, ano bang plano mo sa pagpo-propose?" tanong ni Troye. "Tsaka sigurado ko na ba talaga kay Yumi?"

"Siguradung-sigurado na, Troye. Siya na talaga." Pinipigilan kong huwag ngumiti ngunit hindi ko magawa.

"In love na in love, oh!" Kantiyaw ni Yohan at saka sila nagtawanan ni Dani. Nagkatitigan ang dalawa at saka naiwas kaagad ng tingin si Yohan. Kitang-kita ko iyong pamumula ng kanyang mukha.

"Yo, bakit hindi mo pa kasi sabihin kay Dani—"

"Hep-hep! Stop right there, Keith Abelardo!" ani Yohan at saka niya iwinagayway ang kanyang mga kamay sa ere.

"Teka nga, pag-usapan na natin ng maayos 'yong plano mong pagpo-propose kay Yumi," ani Rian. Kinamot pa nito ang likod ng kanyang ulo dahil sa kakulitan ni Yohan. "Okay, sa Cebu ang venue ng proposal. Ano'ng next step?"

"Magsisiga tayo bonfire 'di kalayuan sa dalampasigan tapos may magse-set up tayo apat na pillars at canopy." Kinuha ko ang phone sa aking bulsa at hinanap sa gallery iyong sample photo ng canopy na nahanap ko sa Pinterest. "Heto," sambit ko at saka iniharap sa kanila iyong photo.

"Okay, gets ko na," ani Rian. Madali lang mag-set up niyan. Kami nang bahala ng girls sa design basta itayo lang ng mga boys yung mga pillars at canopy.

"No problem with that, babe. Kering keri namin 'yan," pagmamalaki ni Tobi. Inihiga naman ni Rian ang kanyang ulo sa balikat ni Tobi at tila satisfied sa sinabi ng kanyang nobyo.

"Thank you sa tulong ninyo, guys. Malaking bagay sa akin 'to," pagpapasalamat ko sa buong barkada.

Ngumiti si Dani sa akin at inakbayan ako. "At your service, Keith. Naalala mo ba 'yong sinabi mo sa akin no'ng isang araw? Ang barkada, nagtutulungan."

I smiled at Dani. Pagkatapos ay tumayo ako.

"Susunduin ko lang si Yumi. Sinabi ko kasi sa kanya na ipapakilala ko na siya sa inyo ngayong araw."

Nagsilabasan ng makeup iyong girls maliban kay Sab habang ang mga lalaki naman ay inayos ang kanilang pagkakaupo na tila may meeting na magaganap.

"Sige, go na, Keith. Sunduin mo na si Yumi. Dito lang kami," ani Dani at saka niya ako tinulak ng marahan sa tagiliran.

Napailing na lamang ako at napangiti sa kinikilos ng mga kaibigan ko. They are very supportive of me at sa babaeng ipapakilala ko sa kanila.

Sinundo ko si Yumi sa kanila at dumiretso kami sa café. Halos forty minutes rin ang byahe na back and forth kina Yumi. Nang makarating ay pinagbuksan ko si Yumi ng pinto ng café.

Tila slowmo ang paglingon ng barkada nang mapansin nila ang pagdating ko kasama si Yumi. Simula sa kanyang mga paa na nakasuot ng nude color shoes na two inches ang haba ng takong, papunta sa kanyang color beige skirt, hanggang sa suot nitong puting cropped top na mala-corset na blusa. Ganoon pa rin ang style ng kanyang buhok ngunit iba ang disenyo ng kanyang puting ribbon ngayon. Literal na itong ribbon na halos kasinlaki ng kanyang palad.

Natulala sina Aiden at Yohan kay Yumi nang makalapit kami sa kanila. Hinawakan ko si Yumi sa kanyang likod para alalayan. She looked at me and I nodded at her to assure her that everything is okay.

"Hi, Yumi! Ako si Dani!" pakilala kaagad ni Dani. Tumayo siya at inilahad ang kanyang kamay kay Yumi.

My girl took Dani's hand and smiled. "Hi, Yumi. Nice meeting you," ani Yumi.

"Siya nga pala, ito sina Rian at Tobi. Magkasintahan silang dalawa," panimula ko.

"Hi, beautiful Yumi!" bati ni Rian kay Yumi. "Si Aiden, kapatid ni Tobi," pagtutuloy ko. Sumaludo si Aiden kay Yumi kaya hindi niya napigilang matawa. "Ito si Yohan, si Sab, at si Troye."

Tumango si Troye kay Yumi samantalang si Yohan naman ay tumayo at nakipag-shakehands rin kay Yumi. Si Sab naman ay pangiwing ngumiti kay Yumi.

Tumitig ako kay Sab habang tulala siyang nakatingin sa mesa. Napagpasyahan kong kausapin siya kapag nagkaroon ako ng pagkakataon.

"Maupo ka muna," anyaya ko kay Yumi. Pinaupo ko siya sa tabi ni Dani.

"Ang ganda mo naman, Yumi. Sigurado akong magkakasundo tayo," wika ni Dani sa kanya at saka niya nginitian si Yumi.

"Mahilig ka ba sa bandana? May iilan akong bandana sa bahay. Ibibigay ko na lang sayo iyong tatlo na hindi ko pa nagagamit," mahinhin na wika ni Yumi.

"Oy, Keith. Sinasabi ko sa'yo, kapag niloko mo 'tong si Yumi, ako sasalo diyan," banta ni Aiden.

"Huwag kang mag-alala, wala kang aasahan," saad ko naman. Tumawa sina Tobi, Dani, Yohan, at Rian sa sinagot ko pati na rin si Yumi.

"Feel comfy ka lang, Yumi. Mababait kaming lahat," ani Rian kay Yumi.

Sinimulan nilang kwentuhan si Yumi hanggang sa maging komportable na nga siya sa barkada. Tumatawa na siya sa mga jokes ni Aiden at Yohan. Marami rin silang pinag-uusapan ng mga girls tungkol sa mga girly things. Habang ako naman ay pinagmamasdan lamang siya.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa warm welcome ng mga kaibigan ko kay Yumi sa barkadahan. I know I chose the right friends and I will treasure our friendship till the end of time.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon