Chapter 24

3.5K 50 4
                                    

NAG-AALINLANGAN AKONG tiningnan ni Yumi. "Teka, Keith. Hindi ba... masyadong mabilis?"

Hinawakan ko ang kanyang isang kamay. "Yumi, sigurado na kasi ako sa'yo. Alam kong nabibilisan ka. Gusto na kitang ipakilala para alam ng magulang ko kung sino 'yong palagi kong kasama, kung sino 'yong nililigawan ko. Hindi naman gano'n kahigpit 'yong parents ko."

"Pero kasi..." Umiwas ng tingin si Yumi sa akin. "Ano kasi... gusto ko naman... kaso kasi..."

"Sorry kung napre-pressure kita," saad ko. "Don't sweat about it, Miss Panda. Naiintindihan ko," ngiti ko sa kanya. "Tara, ihahatid na kita sa inyo para makapagpahinga ka na rin. Marami rin tayong nasakyan na rides," dagdag ko pa.

Iginiya ko siya palabas ng Enchanted Kingdom at sumakay sa sasakyan. Tahimik si Yumi habang binabaybay namin ang daan pauwi sa kanila.

Napagpasyahan kong hayaan ko muna siya sa kanyang katahimikan dahil napansin kong malalim ang kanyang iniisip nang tingnan ko siya. Nang makarating kami sa kanila ay pinagbuksan ko siya ng pinto ng sasakyan.

"Good night, Yumi. See you..." Hindi ko naituloy ang aking sasabihin dahil hindi ko alam kung kailan niya gustong magkita kaming muli.

"Bukas," aniya. "Babalik na ako sa Cebu sa makalawa. Magkita tayo bukas. May sasabihin kasi ako sa'yo," dagdag pa niya. Hindi ko mawari iyong nararamdaman ko ngayon tinitingnan niya ako na may lungkot sa kanyang mga mata. Tila ba nangungulila ang mga ito habang nakatitig sa akin. Nangingilid ang kanyang mga luha.

"Is everything okay, Yumi?" nag-aalala kong tanong.

Tumango siya ngunit tuluyan na rin siyang napaiyak. Tinakpan niya ang kanyang bibig para pigilan ang kanyang paghikbi. Nilapitan ko siya at niyakap.

"Yumi, may problema ba? Bakit ka umiiyak?" Hinaplos ko ang kanyang buhok at niyakap naman niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko rin ang pagbasa ng shirt ko sa bandang dibdib ko kung saan nakasiksik ang kanyang mukha.

Lumayo siya sa akin at saka niya pinunasan ang kanyang mga mata gamit ang likod ng kanyang palad.

"Basta magkita tayo bukas, okay?" aniya nang siyang mahimasmasan.

Nakaramdam ako ng pangamba. Para bang may mali ngunit hindi ko mawari kung ano ba iyon. Nagtitiwala ako kay Yumi at may tiwala rin siya sa akin. Hindi tamang mangamba ako ngayon lalo na't mapapalayo na siya sa akin sa makalawa.

"Okay. I will set a date for us tomorrow. Susunduin kita sa inyo pagkatapos ng klase ko," wika ko.

Tumitig lamang si Yumi sa akin na dahilan para dumagdag ang kaba at pag-aalala sa loob ko.

"Good night, Keith," ani Yumi.

"Good night," saad ko naman. Hinayaan ko siyang pumasok sa kanilang gate at nang masiguro kong nakapasok na si Yumi sa kanilang bahay ay sumakay ako ng sasakyan at umuwi sa bahay.

Pagdating ko sa bahay ay napansin ko si dad na nakaupo sa kusina habang si mommy naman ay nakatayo sa tabi ni dad hinihimas ang likod niya. Pinagdaop ni dad ang kanyang mga palad habang nakapatong ang kanyang mga siko sa mesa. Napakunot ang noo ko at dahan-dahang lumapit sa gilid ng kusina upang tingnan sila ng mas malapitan at pakinggan ang kanilang pinag-uusapan.

"Kailangan nating kausapin ang mga anak mo, Renée," malungkot na wika ni dad kay mommy. Hinawakan ni dad ang kamay ni mommy na nakapatong sa kanyang balikat.

"Kausapin po tungkol saan, dad?" I revealed myself and went straight to them. Umupo si mommy sa isang upuan sa kanan ni dad at ako naman ay sa kaliwa. "Ano pong nangyayari?" kunot noo kong tanong.

"Keith," sambit ni dad sa pangalan ko. Tinuon niya ang kanyang atensyon sa akin. "Nagsara 'yong kumpanya na pinapasukan ko rito sa Manila. Kinausap ako ng executive director kanina sa trabaho. Eh... pinapabalik ako sa headquarters sa U.S.," paliwanag ni dad. "Hindi ko naman kayo pwedeng iwan dito ng mommy mo at ng kapatid mo."

"Babalik po tayo sa New Jersey?" Dinig sa tono ng aking boses ang pagkadismaya. "Pwede naman po akong maiwan dito, dad," dagdag ko pa.

"Gusto ko man, Keith, ang kaso nagsunud-sunod kasi 'yong mga pangyayari. Tumawag kanina si tita Zenie mo. Tayo na lang daw ang hinihintay ng lola mo doon sa New Jersey bago siya..." Hindi na naituloy pa ni dad ang kanyang sasabihin nang tuluyan na itong mapaiyak.

Bed-ridden na si lola Pacing sa New Jersey bago pa kami umuwi dito sa Manila. Hindi siya dinala sa mga home for the aged dahil naroon naman si tita Zenie na isang matandang dalaga para alagaan si lola.

Gusto ko sanang tumutol ngunit ayokong ma-stress pa ng todo si dad dahil sa nangyayari sa aming pamilya ngayon. Ngunit hindi ko maiwasang malungkot dahil marami na akong ideya kung anong gagawin kong hakbang sa aking buhay pagkatapos ng graduation ko next month.

Minabuti kong huwag na lamang magsalita at hayaan si dad sa kanyang mga sinasabi.

"Humingi ako ng palugit sa executive director kahit hanggang next month pa tayo rito dahil ga-graduate ka na."

Next week na nga pala 'yong finals namin. Alam kong ga-graduate ako dahil maayos naman ang mga scores ko sa quizes at recitations. Kailangan ko lang maipasa ang final exams para tuluy-tuloy na ako sa graduation.

Tumayo si daddy. "Halika, samahan mo ako sa kwarto," aniya. Sinunod ko ang sinabi ni dad. Nang makarating kaming dalawa sa kwarto nila ni mommy ay dumiretso siya sa closet at may kinuhang lumang kahon na box. Kasinlaki nito ang isang loaf bread at apat na piraso ang tangkad nito.

Humarap si dad sa akin at saka niya binuksan iyon sa aking harapan. Pagkatapos ay kinuha niya ang isang silver na singsing na mayroong infinity sign bilang disenyo. Inabot iyon sa akin ni dad at saka ko ito pinagmasdang maigi.

"Bigay 'yan ng lola Pacing mo sa akin noong binata pa ako. Ginawa 'yan ng ng lolo mo para sa kanya tapos pinasa sa akin ng lola Pacing mo," paliwanag ni dad. Umupo siya sa tabi ko at saka kinuha muli sa akin iyong singsing para titigan ito.

"Ngayon, pinapasa ko na sa'yo, Keith. Alam kong ayaw mong iwan dito 'yong sinasabi mong babae sa amin." Ibinalik ni dad iyong singsing sa palad ko. "Kung siya na talaga ang gusto mong makasama, hindi naman kami tututol ng mommy mo. Ibigay mo sa kanya 'yan bilang promise ring. Kung mahal ka niya, hihintayin ka niya."

Naluluha kong niyakap si dad. "Salamat po, dad. The best po kayo. Wala na akong hihilingin pang ibang daddy kung hindi kayo lang."

Naramdaman ko ang pagngiti ni dad sa balikat ko. Tinapik niya ang likod ko ng dalawang beses bago ako lumayo sa kanya. Pinunasan ko ang aking mga mata sa sleeve ng shirt ko.

Tumayo si dad at ibinalik iyong box sa loob ng closet, pagkatapos ay humarap siyang muli sa akin. "Aalis tayo pagkatapos ng graduation mo. Sabihan mo na 'yong mga kaibigan mo para makapag-bonding pa kayo," wika ni dad.

"Actually po, dad, magbi-beach po kami before graduation. Huling bonding ko na rin po siguro sa kanila 'yon sa ngayon. Tsaka... doon na rin po ako magpo-propose kay Yumi gamit itong promise ring," ngiti ko kay dad.

Nginitian lamang ako ni dad bilang pagsang-ayon sa aking plano.

"Enjoy the moments while they last, anak," ani dad.

"I will dad. I will," saad ko naman sabay titig sa singsing na aking hawak.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon