Special Chapter II

4.6K 63 20
                                    

A month after Keith finally reunited with Yumi in heaven, tinawagan ako ni Tita Renée para linisin ang kwarto ni Keith at ilabas sa garahe ang mga ito dahil nagliligpit na sila ng gamit para manirahan na ng permanente sa New Jersey.

Ang sabi ni Tita sa akin ay marami lamang siyang gagawin ngunit alam ko naman ang totoo. Hindi pa niya kayang harapin na wala na ang kanyang panganay na anak. Masakit man isipin ngunit ito na lamang ang kaya naming gawin para kay tita Renée.

She is still grieving for the passing of her son.

Tinawagan ko si Tobi para tulungan akong maglinis ng kwarto ni Keith. Habang naghihintay ako sa living room ay hindi ko maiwasang titigan ang kwarto ni Keith. Parang kailan lamang noong sardinas kaming natutulog sa kwarto niya. Ngayon... malungkot na itong tingnan.

Nabalik ako sa reyalidad nang may mag-doorbell. Tumayo ako kaagad at saka lumakad papunta sa pinto. Binuksan ko ito at bumungad sa akin sina Tobi at Rian.

"Mag-isa lang ako rito. Wala si Tita Renée," wika ko sa aking kapatid at kay Rian. Bakas sa kanilang mga mukha ang lungkot kahit na itago pa nila ito. Katulad ni Tita Renée, wala ni isa sa amin ang kayang makalimot sa nangyari. Alam naming lahat na masaya na silang dalawa ngayon dahil magkasama na sila at hinding hindi na maghihiwalay pa kahit na kailan. Ngunit hindi pa rin naming kayang tanggapin na sa dinami-rami ng mga tao sa mundo, bakit sila?

Pinapasok ko sina Tobi at Rian sa bahay nila Keith. Binaba nila ang kanilang mga bag sa sofa.

"Nagsimula ka na bang maglinis, Aiden?" tanong ni Rian sa akin.

"Hindi pa. Hinintay ko muna kayong dumating. Para kasing... hindi ko pa kayang buksan ang kwarto ni Keith," sagot ko habang ibinubulsa ang aking mga kamay sa likod ng aking pantalon.

Huminga ng malalim si Tobi at humarap sa akin. "Pare-pareho lang tayo ng nararamdaman ngayon. Pero sa tingin mo ba matutuwa si Keith kapag ganito na lang tayo? Halina kayo, simulan na nating linisin ang kwarto ni Keith. Walang ilalabas o itatapon. Ilagay lang sa box o sa tamang pwesto ng mga gamit niya," ani Tobi.

"Okay, sige. Tara na," sambit ko naman.

Umakyat kami sa hagdan papunta sa tapat ng kwarto ni Keith. Tumigil muna kami sa tapat nito habang hawak ko ang susi ng kwarto niya.

"Buksan mo na," ani Rian. Tumabi sila sa gilid ko at saka ko ni-unlock ang kwarto ni Keith. Dahan-dahan ko itong binuksan hanggang sa bumungad sa amin ang maayos na gamit ni Keith.

Napangiti si Rian at saka siya lumakad papasok sa pintuan. "Inasahan ko na katulad pa rin siya ng dati. 'Yong magulo ang gamit at nakakalat ang mga damit sa sahig. Ako kasi palagi ang nag-aayos ng higaan natin sa kwarto niya kapag nagsi-sleep over tayo rito. Ngayon... marunong na siyang maglinis... noong nabubuhay pa siya," ani Rian.

Napukaw ng atensyon ko ang isang kulay asul na notebook na nakapatong sa bedside table ni Keith. Tuluyan akong pumasok habang kunot ang aking mga kilay. Hindi nawala ang titig ko sa notebook hanggang sa makarating ako sa tapat nito at saka ito kinuha mula sa bedside table.

Dahil sa curiosity ay dahan-dahan kong binuksan ang notebook. Binasa ko ang mga paragraph na akala ko ay mga excerpts sa mga libro, ngunit napagtanto ko rin kaagad na hindi pala galing sa mga nobela ang mga nakasulat nang mapansin ko ang mga dates sa upper right corner ng bawat pahina.

Habang binabasa ko ang mga iyon ay hindi ko maiwasang mapaluha ng tahimik.

Kailanman ay hindi nawala sa isipan ni Keith si Yumi. He really loves her so much.

Avalon beach, New Jersey, June 2020

I was walking slowly by the seashore, feeling the cold breeze of the wind coming from the sea. I stared at it, then I closed my eyes, listening to the sound of the waves.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon