Chapter 2

7.1K 90 7
                                    

NAGBIBIRUAN AT nagtatawanan ang barkada habang lumalakad palabas sa malaking gate ng campus. Tumigil kami sa tapat dahil naguusap-usap sila kung saan pupunta ngayong gabi.

"Guys, mauna na ako. Pass muna ako ngayon," saad ko.

"Ano ba naman 'yan, dude. Bawal ang KJ ngayon. Ikaw ang nagpapasimuno ng clubbing dati tapos ngayon uuwi ka ng maaga. Wala ka namang anak na naghihintay sa'yo sa bahay. Tara na!" pagpupumilit ni Yohan sa akin. Hinila pa nga niya ang braso ko.

Tinitigan ako ni Troye. Alam kong may nase-sense siyang kakaiba sa kinikilos ko ko lately pero hindi pa niya iyon pinupuna— sa ngayon.

"Yo, next time na ako. Kailangan ko lang talagang umuwi ngayon," sabi ko at inayos ang pagkakasukbit ng isang strap ng aking bag pack.

"Hayaan niyo na si Keith. Ngayon lang naman siya hindi makakasama. Importante naman siguro 'yon. Knowing Tita Renee," wika ni Troye. He mentioned my mom because they know her too well.

Nagkatitigan kami ni Troye at alam naming pareho ang titigan na 'yon. Iyong bang, 'Oh, I saved your ass. Libre mo 'ko sa susunod.' Nagtanguan pa nga kami para kumpirmahin na parehas nga kami ng iniisip.

"Hala, wala akong mare-reason out kay Tita Renee. Bahala kayo diyan," takot na sabi ni Tobi. Tumabi si Aiden sa kanya pati na ang mga girls.

"Oh, ano, Yo? Ikaw ba mag-e-explain kay Tita Renee kapag pinilit natin sumama ngayon si Keith? Baka kailangan siya ngayon sa bahay. Baka hindi na tayo makapunta sa kanila kapag pinilit mo pa," ani Sab.

"Sige na nga. Nakakatakot pa naman si Madam Sopistikada," takot na sabi ni Yohan.

"Pasensya na, guys. Mauna na ako. Enjoy na lang kayo." I waved my hand at them at saka na ako kumaripas ng takbo papunta sa kotse ko sa parking area ng school. Dad bought that car for me last month dahil twenty-first birthday ko.

Habang nagbi-byahe ako pauwi, pinatugtog ko ang Come and Get Your Love by Redbone sa loob ng kotse. Para akong ewan na pasimpleng naghi-headbang habang nagmamaneho. Ginawa kong drum sticks ang aking mga daliri sa manibela at may pakagat-labi pa habang sumasabay sa kanta.

Ganito pala ang pakiramdam kapag excited kang umuwi sa bahay dahil may naghihintay na magandang dilag sa pag-uwi mo. Naalala ko na naman ang sinabi ni Yumi kanina.

"Ikaw talaga. Sige, hintayin kita."

"Come and get your love! Come and get your love!" I dragged the letter 'o' sa salitang 'love' at may halong pasigaw pa. Sobrang kaligayahan ang nararamdaman ko na parang lumilipad ako sa himpapawid kasama ng mga ibon.

I smiled at the thought of Yumi waiting for me to get home. I could imagine her waiting habang nakatitig siya sa kanyang phone. Tangina, tama pa ba 'to? Nagde-daydream na ba ako? Iniliko ko ang aking sasakyan sa kaliwa at dumiretso hanggang  makarating sa bahay.

Nang maiparke ko ang kotse sa garahe ay nagmadali akong pumasok sa bahay.

"Ma! Ano ulam?" sigaw ko habang hinuhubad ang sapatos ko sa tabi ng shoe rack. Ayaw kasi ni mommy na pinapasok ang mga sapatos sa bahay. Maselan kasi siya. More like, malinis lang si mommy at allergic sa alikabok.

"Oh, bakit ang aga mo? Himala," wika ni mommy nang masilip ko siya sa kitchen. Nang matapos kong hubarin ang mga sapatos ko ay pinuntahan ko si mommy sa kusina at saka sinulyapan ang kanyang niluluto. Halos patapos na niyang lutuin ang kanyang ultimate sinigang na baboy. Lumapit ako kay mommy at hinalikan siya sa pisngi. Gawain ko na iyon simula pagkabata ko. May nakababata rin pala akong kapatid. Si Jude. I'm five years older than him.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon