Chapter 8

4.2K 60 0
                                    

NAISIPAN KONG mag-message kay Yumi pagkatapos kong pumasok sa driver's seat ng aking sasakyan.

From: Keith
Hi, I'm just gonna say, ingat ka sa byahe mo. :)

Then, I pressed the send button before turning on the engine of my car. I smiled from ear to ear because she's getting closer to me as the clock ticks. I started to drive papunta sa school para mag-review for the upcoming finals. Tell you what, gusto kong magpakasipag ngayon dahil ayokong mapahiya kay Yumi. I want her to know that I am better than those guys na umaaligid sa kanya doon sa dating website.

Pero minsan, kahit alam mong better ka kaysa sa iba, hindi mo pa rin maiwasang isipin na baka hindi ikaw ang piliin. All I know is I want her for myself only. I want her to know more about me and I want to know her more.

Nang mai-parke ko ang kotse sa parking area na katabi ng University ay lumabas na agad ako at saka hinila iyong bag pack ko sa passenger's seat papunta sa akin. Kalahati ng katawan ko ay nasa loob ng kotse para maabot ko iyong bag ko. Nang maabot ay isinukbit ko iyong isang strap nito sa balikat ko.

I adjusted the straps of my bag, and when I was about to walk ay bigla na lamang sumulpot si Andrea sa harapan ko na dahilan para mapahinto ako sa pagtapak ko. Mabuti na lamang nai-preno ko ang aking sarili dahil kung hindi ay magkakabanggaan kaming dalawa.

Andrea's fitted uniform and short skirt made her look like she wanted to get bang later tonight.

"Get out of my way," poker face kong sabi sa kanya.

"So, how's Cleo? Mas magaling ba siya kaysa sa'kin?" she asked while crossing her arms over her chest. The way she moves ay parang sina Megan at Heather Vandergeld ng White Chicks. Ang pinagkaiba nga lang ay umaarte ang mga iyon at si Andrea ay isang certified bitch.

Halos lumuwa ang cleavage niya sa harapan ko and it's disgusting.

"What are you talking about?" kunot-noo kong tanong.

"Huwag ka nang magmaang-maangan, Keith. I know you fucked her," seryoso niyang wika.

"What if I did? What if I didn't? What is it to you? Stop nagging at me, Andrea. Hindi kita girlfriend para umakto ka ng ganyan." Lalakad na sana ako nang hawakan niya ako sa braso.

"I thought you liked me? Anong nangyayari sa'yo? Parang kailan lang pinapakita mo sa akin na gustung-gusto mo ako."

She was right. Pinakita ko sa kanya na may motibo ako, na gusto ko siya dahil interesado ako sa kanya. She wasn't like this when I met her. But, after a few dates, I realized that she's only collecting trophy guys para maipagmayabang sa mga kaibigan at kakilala niya. Isa na rin doon si Jace the douche.

"Akala ko rin gusto mo ako. Ang kaso maraming nagsasabi na user ka. Hindi ko 'yon pinakinggan noong una. But not until my friends saw you making out with Jace the other night sa isang club. My friends won't lie to me, Andrea. Most of the people in this university ay alam na kaaway ko sa basketball 'yang Jace na 'yan. Pero siya pa talaga ang pinatulan mo of all people? Damn," singhal ko. She was petrified. Nakatayo lamang siya sa aking harapan na tila tuod dahil sa mga narinig niyang masasakit na salita mula sa akin.

"You made me realize that sometimes, you need to listen to the people around you. Sometimes, they know the truth and I let myself get blinded by your wicked charms," dismayado kong wika. "Leave me alone, Andrea. There's no 'us' and there will never be an 'us'." Matapos kong sabihin iyon ay tinabig ko ang kanyang balikat at dumiretso sa loob ng campus.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon