Special Chapter

4.4K 63 4
                                    

AIDEN

"'TANGNA, YOHAN! Bilisan mo! Kanina pa siya nawawala!" sigaw ko kay Yohan habang lahat kaming magkakaibigan ay nagkalat sa buong dalampasigan.

Biglang nawala si Keith sa paningin namin. Sinisisi namin ang aming mga sarili dahil masyado kaming nagpatianod sa katuwaan sa bar at nakalimutang nandito kami sa beach para alalahanin ang trahedyang nangyari kay Yumi three years ago.

Keith was blaming himself for not saving his beloved Yumi.

I clearly remember everything that had happened that time.

"So, it's now or never?" tanong ko kay Keith sa kabilang linya. Stranded daw siya sa North Bus Terminal dahil walang bus na dumadating.

"I'm whipped. I love that girl so much." saad ni Keith.

"Oh, siya sige. Maliligo na muna pala kami para fresh kami mamaya sa oras ng proposal mo," wika ko sa kanya.

"Nasaan si Yumi?"

"Nagpaalam siya sa amin. Pumunta muna siya sa dalampasigan. Babalik din daw siya agad. Ayaw naman naming makahalata siya kaya pinabayaan na muna namin," paliwanag ko.

"Sige, salamat, bro. See you later," wika ko at saka ko na pinatay ang tawag.

Nang matapos kami ng barkada na mag-prepare at mag-ayos ay bumalik kami sa beach kung saan namin inayos ang proposal ni Keith para kay Yumi. All was well but not until the night came. Settled na ang lahat and everything was fine when Yumi went missing. Walang nakakita sa kanya sa kung bumalik siya dito. Pinuntahan rin siya ng mga girls sa tinitirhan niya ngunit wala siya roon.

We searched every corner of the beach ngunit wala kaming nakita ni anino niya. Everyone was in panic that time. We even called the rescue team kasi nangangamba kami sa kanyang pagkawala. The girls were crying so hard. Kaming mga lalaki naman ay tahimik at sobrang kaba sa nangyayari. The coast guards were scattered all over the place. Pati ibang mga turista ay nakikitsismis na rin.

Then we heard the coast guards shouting. "Nakita na iyong bangkay!"

What?

Bangkay?

"Kaninong bangkay?" I froze when I heard Keith's voice behind us.

Lahat kaming magkakaibigan ay natigil namg marinig ang boses niya. Pati ang pag-iyak ng mga girls ay natigil rin.

"Keith..." nanginginig na sambit ni Dani. "S-si... si Yumi..." she started crying again at niyakap si Sabrina bilang suporta.

"What the fuck happened to her? Nasaan si Yumi? Nasaan siya?!" Keith growled that made us flinch. Nalipat ang atensyon ng lahat sa mga coast guards buhat ang isang stretcher. Mayroon taong nakahiga doon at nakatakip ng puting tela.

Basa ito ng tubig at dugo.

"Oh, my god..." Napasinghap si Dani nang ibaba ng mga coast guards iyong stretcher sa aming harapan. Napayakap siyang muli kay Sabrina at umiyak ng umiyak.

Marahas kaming hinawi ni Keith upang makadaan siya at makita ang taong nakahiga doon. Kitang-kita ko ang pamilyar na puting ribbon na nakalawit sa mahabang buhok ng babae. Pinikit oo ng mariin ang aking mga mata at inisip na panaginip lang ang lahat. Ngunit kahit ilang beses kong ipikit at buksan ang aking mga mata ay nasa ganoong sitwasyon pa rin ako... kami ng mga kaibigan ko.

Hindi na pinalagpas ni Keith ang oras at hinawi niya ang puting tela. Lahat kami ay nanlambot sa nakita. Napasigaw si Rian sa nakita niya habang mas lalong umiyak sina Sabrina at Dani. Muntik nang masuka si Yohan sa nakita niya habang ang dalawa na sina Aiden at Troye ay gulat ngunit tahimik sa likod ni Keith.

When The Moonlight Kissed The SeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon