16 ⊱ The Seasons

64 10 0
                                    

Chapter Sixteen
The Seasons

Amari's P.O.V

The interior of the alluring sanctuary graced upon us, as Klyde and I entered it's premises. Dito na nga'y aking napagtanto kung gaano pala talaga kalaki ang santuwaryong ito. Sa loob nito ay iilang mga pasilyo at korido, habang napapalibutan naman ng iba't-ibang klase ng aranya ang kisame, na nagbibigay liwanag sa buong establisyemento.


There were tinted glass windows that added dimension and vibrance inside due to their unique palette which ranged in various colors. Some of them you'd see in a rainbow, while the other shades you'd see on a stormy night. Though despite the noticeable contrast between the dark and light colors, the palettes still complimented the sanctuary's structure and interior.


Sa sahig ay nakalatag ang isang mahabang karpet na tila gawa sa pilak, at dahil sa mga bintanang nakatapat rito ay mas nabigyan ito ng kulay. Kaya nagmistulang mga usok na gumagalaw at lumulutang ang mga kulay nito. The end of the metallic carpet had this beautiful khaki shade given by the window's reflection, that gleamed whenever light hits it. Whilst the other end of the carpet, the one we are currently stepping on, had a calming blue shade. Dahilan na magmukha kaming lumulusong sa isang dagat.


Habang tinatahak ang daanang inihandog sa amin ng karpet sa sahig, unti-unti kaming napapalapit sa pares ng magarbo't kurbadang mga hagdanan, kung saan matatagpuan sa itaas nito ay isang panloob na balkonaheng katulad ng santuwaryo ay gawa rin sa marmol.


The marble railings of the upper floor were embellished with silk, indigo banners. Some of the branches from the tree outside made their way within the opened windows, and so a few flapping butterflies flew around the halls.


To be completely honest, this place itself seemed like decorating it would be useless anymore. For the sanctuary is undeniably ethereal on it's own. Hindi ito mukhang tahanan pang langit, at hindi rin ito mukhang pang ibabang mundo. Tila nga ginawa ito para maging tirahan ng lahat ng mga kaluluwa—makasalanan man, o hindi.


"Klyde?" I called the name of the man beside me, assisting me as we went up one of the curved staircases leading to the indoor balcony.


He held my hand tight and kept it warm. "Hmm?"


"Puwede bang dito ta'yo ikasal sa taas?" tanong ko nang marating na namin ang tuktok at nadatnan ang loob ng marikit na balkonahe. Kung saan makikita ang perpekto't magandang mga tanawin, sa baba man ng santuwaryo o sa labas. "Parang mas maganda kasi kung ta'yo lang ang narito, para dungaw na'tin ang mga bisita sa ibaba."


He gave my head a kiss as our intertwined fingers locked themselves further. "Alright, mi cielo. As you wish."


Ramdam ko ang lamig na dumadaplis sa aking balat tuwing natatangay nito ang dulo ng aking kapa. Kakaiba kasi ang temperatura ng lugar na ito nang mapasok na namin, at kahit pa nasa tuktok kami ng bundok ay hindi namin ganoon nararamdaman ang init. This sanctuary seemed like it was built to perfection—serene and embraced with calmness. Parang kahit na halimaw ang ipasok mo rito, ay kakalma, matanaw pa lamang ito.


Ngunit kahit ba tila langit ito sa lupa, hindi pa rin nawawala ang esensya ng kadiliman rito. Mula sa mga tanim at mga baging, mga itim at madilim na kulay ng iilang mga bintana, at nakahabing mga pulang kurtina, simpleng pagtingin lamang rito ay maaalala mo na ang impyerno.


A haven welcome for every soul, a house for those who seek a home. A safe place; a sanctuary.


We strolled around once we went back downstairs. Sobrang maaliwalas talaga rito. Everything feels like they were sculpted to perfection.. pati na 'yung gwapo kong katabi.


Death's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon