Chapter 25: Time For Us

2.8K 203 74
                                    

Time for us







It's getting dark now. Kasama ko si Derine at Ate Tanya.

Pasimple kaming sumisilip at nagmamasid sa labas. Hindi ko alam kung kailan ako mawawalan ng takot. Pero kung mawalan man siguro ako ng takot, hindi na ako normal na tao sa panahong iyon.

Tumitindig ang balahibo ko habang pinagmamasdan ang kalangitan na unti-unting nagkukulay abo. Naririnig pa rin namin ang mga ungol ng mga halimaw sa labas. Pero wala na sa amin ang atensyon nila ngayon. At sa bawat oras ay nababawasan pa sila.

Ang pinangangambahan nalang namin sa ngayon ay kung kailan darating ang mas malaki pang grupo ng changers.

"If only we have wings and we will be able to fly. Malalaman siguro natin kung saang banda na ang mga changers." Derine uttered.

"Mas nakakatakot yata 'yon. Mas pipiliin ko sigurong hindi nalang sila makita at magtago nalang." Ani Ate Tanya.

I agree with her. Noong sinasabihan lang kami ni Sergeant kung gaano kadami ang nakita nya ay binalot na kami ng takot. We imagined the worst and we're even scared by our imagination. Paano nalang kaya kung personal naming makita ang lahat. Na parang mga langgam na papalapit sa amin, handa kaming pagpiyestahan.

"Our days are getting longer and longer. Sa araw na 'to, feeling ko sobrang dami ng nangyari." I murmured, not sure if they heard it or not.

"We are grateful to have someone like you, Xandre. Salamat." Ani Ate Tanya.

Lumipas ang ilang minuto na walang niisa sa amin ang nagsalita. Halatang malalim rin ang kanilang iniisip.

Kuya Fred has finally regained consciousness. It was a good thing for all of us but the sight of Kuya Fred crying over Kuya Hakeem's body gives us so much pain. Hindi ko alam kung sino pa ang masasawi. If only I have the power para pigilan ang kamatayan ng isang tao. Gagawin ko. We've been through a lot already and losing someone we love is the most painful thing especially in this situation na bilang na lamang ang buhay.

Tuluyan ng nilamon ng dilim ang paligid. Nagsindi na kami ng kandila at naghanda na ng pagkain sina Ate Ella habang sina Selena, Adira at ang iba ay nasa labas. Sinisiguradong walang makakapasok na changers. We have already prepared some arrows. They have put something in the tip para masindihan namin at hindi basta bastang mamatay ang apoy hanggang sa hindi pa ito tumatama sa katawan ng gehenna. Ito ang gagamitin naming panlaban kung sakali mang bumalik ang mga iyon.

Nauna ng kumain ang iba pero nagpahuli kami. Sasamahan kong kumain mamaya si Dome. I already told El about it na ako na magpapakain sa kanya.

The air is cold, the night is eerie. May katabi akong kandila at nakaupo ako malapit sa taniman namin ng gulay. Inani na pala nila kanina ang ibang gulay. Nababahala kasi si Selena na baka wala na talaga kaming mapakinabangan gaya ng ilan sa mga nasawi naming manok kaya pinaani nya na habang wala kami.

I heard someone cleared his throat kaya napalingon ako sa kung saan iyon nanggaling. It was dark dahil nakatalikod sya sa liwanag na nagmumula sa kandila na nasa dirty kitchen pero nakilala ko sya dahil sa kanyang buhok at pangangatawan.

Unti-unti syang humakbang patungo sa akin hanggang sa tuluyan na syang nakalapit. Kumislap ang kanyang mga mata nang matamaan ng liwanag na nagmumula sa kandila na nasa tabi ko. Sumilip ang munting ngiti sa kanyang labi bago sya yumuko at muling ibinalik ang tingin sa akin.

Ngumiti ako pabalik sa kanya.

"Kanina pa kita hinahanap, nandito ka lang pala." Eason uttered in his deep yet soothing voice.

The Fight For LifeWhere stories live. Discover now