Chapter 3: Memories in dreams

3.1K 224 30
                                    

Memories in dreams








Para na akong naliligo sa pawis at tingin ko'y dumikit na sa akin ang lahat ng alikabok dito.

I gasp when I heard a bang on the door. Will this really be the end?

If they found out I have a gun and some food in my backpack. For sure, they will do everything to get it. Gaya ng ginawa nila noon sa iba, they won't hesistate to kill me. Worst, torture me or rape me. Magkaka jackpot pa sila dahil ang bango ko ngayon! Dapat siguro hindi muna ako naligo.

Another bang on the door before I heard one of them.

"Wala jan!"

"Paano mo nasabi?! Palagay ko may tao dito dahil naka lock ang pinto."

Napamura ako dahil sa sinabi ng isa. I shouldn't have locked it. Damn, Alexandre!

"Nagsasayang ka ng oras sa ginagawa mo! Bahala ka nga jan!"

Naibaba ko ang kamay ko na nakatakip sa aking bibig. His voice, he sounded like Cleo. Is this a sign? That they're really here guiding me? Pinigilan ko ang pagtulo ng luha ko at mas pinakinggan ang mga taong nasa labas.

I heard their footsteps. Pero hindi ko na sila narinig na kinakalampag ang pinto.

Dahan-dahan akong lumabas sa pinagtataguan ko. Sobrang lakas pa rin ng tibok ng puso ko at ngayon ko lang napagtantong kanina pa pala ako nagpipigil ng hininga. Napahawak ako sa dibdib ko at dahan-dahang naglakad patungo sa may bintana.

Sumilip ako pero wala akong makita. Are they gone? Pero hindi ko naman narinig ang tunog ng kanilang sasakyan.

Natatakot ako sa isiping magkukrus ang mga landas namin pagdating ng araw. I don't stay in one place for too long. I move and move but what if I end up moving to their area. Na wala akong kaalam-alam na doon pala sila nagkukuta.

Lumipat ako sa ibang bintana at muli silang sinilip. Mataas na ang sikat ng araw sa labas at basang-basa na ako ng pawis. How long do I have to wait in here?!

May narinig akong mga yapak kaya mabilis akong bumalik sa maalikabok na pinagtataguan ko kanina. Shit! Bumalik ba sila rito?!

Hindi tumigil ang naririnig kong mga yapak pero unti-unti itong humihina kaya naisip kong papalayo na ito mula sa kinaroroonan ko. I heard the engine of their truck bago ito unti-unting nawala sa pandinig ko.

I waited for minutes to pass before I decided to come out already.

Maingat akong lumabas at napasingkit ang mata ko dahil sa sinag ng araw. Now, I'm all sticky again at lalakad pa ako ng mga dalawampung minuto bago ako makarating sa rooftop. Tss.

Wala akong choice. Natetempt ako na bumalik sa public restroom pero mas nanaig ang takot ko sa isiping doon sila galing. At talagang nalaman nilang may taong nanggaling doon.

Pagod akong nakarating sa harap ng gusaling tinutuluyan ko. May nakasalubong pa akong dalawang changer at kahit hindi naman nila ako maaano ay pinatay ko pa rin sila. I saw a bottled water sa loob ng isang sasakyan nang madaanan ko 'yon kaya hindi ko na pinalagpas. Mayroon pa naman ako doon pero hindi ko alam kung hanggang kailan lang ang aabutin no'n.

Nakita ko ang hagdan sa baba kaya napangiti ako. I'm sure they're already gone.

Sana lang ay hindi nila makasalubong 'yong mga bandido sa pupuntahan nila. They have food at malalakas sila keysa sa akin kaya mas mataas ang tyansa nilang mabuhay ng matagal-tagal.

If I climb up there ay masusunog ako sa araw kahit may barong-barong ako roon. I don't stay on the rooftop when the sun is still high. I usually stay on a tree na nasa tabi ng kabilang gusali kung ganitong oras. Doon ay mahangin at hindi masyadong mainit.
My body felt light as I climb the tree eventhough I have my backpack on my back. It's a huge tree and not that tall. Malapad ang katawan nito kaya pwede akong humiga roon at palipasin ang maghapon.

The Fight For LifeWhere stories live. Discover now