Chapter 30: The Last Of Us

2.6K 167 33
                                    

The Last Of Us









"Shit."

With hesitation, I slowly took a step forward. We all miss the daylight but seeing it gives me an eerie feeling.

Mas humakbang pa ako palapit sa nakabukas na ngayon na manhole. Nakatutok ang mga baril namin dito. We can't hear their groans but we are still on high alert.

"Hebrew, anong gagawin mo?!" Angal ni Derine nang magsimulang umakyat si Hebrew sa hagdan.

"Titignan ko lang. Hindi natin siya pwedeng hayaan lang." Ani Hebrew na halatang kabado sa gagawin nya.

"But it was her decision to go out... Kasalanan na nya kung mapano siya." Malumanay na sabi ni Derine.

I can hear a knock of conscience in her voice. She doesn't want to say it but she did to protect Hebrew. Kita sa mukha ni Hebrew  na naguguluhan sya sa sinabi ni Derine at hindi niya alam kung ano ang dapat gawin.

Sa pagkakaalam ko, minsan na rin silang naging malapit sa isa't isa ni Hebrew lalo na noong time na buhay pa ang kaibigan nya na nagngangalang Simon. Pero sumama si Hebrew kina Ate Aide sa camp at naiwan si Ate Ella kasama nina Harris at ng iba pa.

"Pabalik na sina Mama. We just have to wait. Hindi pwedeng hayaan kong may isang lumabas sa inyo. She won't allow that." Harris said, exercising the authority that was given to him.

"What if we will just call her from here? I'm sure she will hear us." I suggested.

Like what Hebrew said, hindi namin sya pwedeng hayaan nalang. We still have to do something habang wala pa sina Selena.

"Ella! Bumalik ka dito! I know you can hear us!" I started screaming.

If a changer will sneak in, we are ready to fire. Kailangan nya lang kaming marinig. Hindi ko alam ang rason nya kung bakit sya lumabas. I don't know what is going through her mind but after all that she had done, I guess she will receive a severe punishment for all of this.

"Ate Ella!" Sabay na kami ni Derine na tumatawag sa kanya ngayon.

Lumapit ako sa hagdan at nagsimulang umakyat pero natigilan ako nang hinawakan ni Dome ang kamay ko. His brows were furrowed and jaw clenched. His not happy with what I am doing.

"I will have to check."

"No, Xandre. She is responsible for her life. What you are doing is already enough." Malamig ang boses na sabi ni Dome.

We were all startled when we heard footsteps that seems to be in a hurry.

Nabigla ako sa paghila sa akin ni Dome para mailayo sa hagdanan. Sumalampak ako sa kanyang dibdib.

Nang tumingin ako sa harapan ay nakita ko si Ate Ella. Hinihingal syang pumasok. She is panting as her body tremble. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita nyang nakatingin kaming lahat sa kanya, nag aabang. She shook her head.

"Ate Ella, anong nangyari?!" Hebrew asked as Harris hurried to close the cover.

She just stood there, frozen and lost for words. We were waiting for her to speak up and tell us what she saw or what was the reason she got out again.

Her eyes can't seem to focus. She held her head and started crying. I scrutinize her body looking for a bite but there's none.

"I just want to check it for myself! Hindi ba kayo napapagod sa pagkokontrol ni Selena?!

Nagkatinginan kaming lahat sa sinabi ni Ate Ella. How can she think that way? Lalo na kay Selena na kumupkup sa kanya.

"Ilang beses mo ba kaming dapat ipahamak?" Malamig na tanong ni Dome sa kanya.

The Fight For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon