Chapter 7: Tremble when troubled

3K 207 31
                                    

Tremble when troubled






Lutang ako hanggang sa tuluyan ng sumikat ang araw.

Ang daming tanong sa utak ko at wala akong mahihingan ng sagot!

Ano 'yong nakita ko? It's my first time to see those creatures! Are they also the product of the virus? O talagang ginawa sila kasabay ng virus?

But they looked so weird and horrifying. They glow under the gray sky with their lurid skin. And their mouths, parang limang petals ng bulaklak na puno ng ngipin. Napailing-iling ako habang binabalikan ko sa isipan ko ang nakita ko kanina.

I thought that they would find me. But they just wander on the streets. Nasa tatlo ang nakita ko kanina. They're huge and I know they will kill me once they'd laid their eyes on me. Kaya kahit gaano ka nakakatakot ang ingay nila ay hindi na ako naglakas loob na sumilip pa.

Umalis na sila nang sumikat na ang araw. Are they like those dogs too? Because for what I've observed, they're very sensitive to sunlight. At paano na kung tag-ulan na?

Napapraning na ako sa pinag-iisip ko ngayon. Pero kailangan ko pang bumaba kahit may takot sa loob ko. I have to get things that I need.

Before I head down, sinigurado kong laman ng backpack ko ang pinaka kailangan ko. Nandoon na rin si Pipo. I can't leave him alone in here. Baka mahulog at mabawasan ang buhay nya. Sa pagkakaalam ko naman kasi ay maraming buhay ang pusa. Gusto kong matawa sa iniisip ko. Gusto ko kasi malaman kung totoo ba 'yon pero kawawa naman si Pipo sa iniisip ko.

"Pipo, please use your senses. Sabihin mo sa akin kung may paparating sa atin ha..." Kinakabahan kong sabi kay Pipo na nasa bulsa ng jacket ko.

I tip toed and cross the street carefully. Siniguro kong wala na 'yong mga halimaw na nakita ko kanina.

I wonder if El and Dome knows about those creatures. I also wonder if they are still alive. At kung nasaan na sila ngayon. Are they half way to their destination? Maybe yes, maybe no.

I let out a deep sigh before focusing on my mission today.

I need to get some stuffs para sa bago kong tinitirhan. Maybe some blankets, towels, something I can use as cover when it rains, I hope not. At nagbabakasakali rin ako na makahanap ng pagkain namin ni Pipo.

"You think someone's here, Pipo?" I asked him.

We both scrutinized the area where we are. Sumilip ako sa bintana ng bahay. Bukas na ang pinto nito so sigurado akong pinasok na ito. Sana lang ay walang bumungad sa aking halimaw dito.

Ilang metro ang layo nito sa tinitirhan ko ngayon kaya hindi nalang ako nagdala ng bisekleta.

Dahan-dahan akong pumasok sa loob ng bahay. Isang palapag lang ito, may saktong laki para sa isang maliit na pamilya. Sana naman ay may makuha ako. Hindi ako pumili ng dalawang palapag na bahay dahil hindi ako komportable kung masyadong malaki ang papasukan ko.

Pipo didn't make any noise.

Sobrang maalikabok ng paligid at nagkalat ang mga kagamitan sa loob ng bahay. Halatang nagmamadali ang may ari nito noong nag outbreak.

Isinara ko muna ang pinto bago nagpatuloy sa pagpasok.

Since I can't smell any unpleasant smell, I conclude that there are no dead bodies in here. Pero may nakikita akong mga bakas ng changers dito. I opened the first bed room after putting Pipo down to let him roam around.

It's simple but looks homey. May mga aparador sa gilid, may banyo, at tv at mga paintings sa dingding. Sunod naman na kwarto ang pinuntahan ko. Since this is smaller than the other one, tingin ko'y kwarto ito ng anak ng may-ari nitong bahay. Gaya ng naunang kwarto, makalat rin ito. Once I made sure that there's no changer inside, nagsimula na ako sa paghahanap ng mga kailangan ko.

The Fight For LifeWhere stories live. Discover now