Chapter 17: Chase and Pipo

2.9K 188 74
                                    

Chase and Pipo






The house doesn't look that massive outside but inside... it's wider than I thought. And huge enough for us.

Curtains were drawn making it dark inside. But they have a chargeable lamp, enough to lighten the whole place.

"Xandre, pinakawalan ko muna si Pipo. I'll clean it up if he poops." Ani ng nakangiting si El.

"Okay lang, El. Ako nalang. Salamat."

"No worries, Xandre." Aniya.

Ipinagpatuloy ko ang paglilibot ng tingin ko sa kabuuan ng bahay. May mga magagarang sofa, vases, frames, huge tv, they have an elegant looking kitchen as well. May mga kable ng bakal na nakaharang sa pinto na ngayon ay nakasarado. It serves as another baricade in case the door breaks. This house felt homey and safe.

Then I saw a large dog running down the stairs. Kasunod nito ang lalaking kamukha noong Selena.

"That is Chase. I'm Adelaide, by the way. You can call me Aide." Nakangiting pagpapakilala sa akin ng babaeng unang niyakap ni Hebrew kanina.

Ang kanyang mga mata ay namamaga dahil sa naging pag-iyak nya kanina kasama ng mga survivors mula sa Camp Hawkins. Siguro'y dahil sa pagkawala ng iba sa kanila. Kanina kasi ay napansin kong may hinanap syang iba mula sa mga kasama namin.

Ngumiti ako at maingat na tinanggap ang kanyang kamay. Nasabi ko na ba kanina na ang ganda nya?

"I'm Alexandre..." I introduced, smiling.

"Nalaman ko palang you've been on your own for months. I'm happy that I met someone as brave as you." She uttered.

"Hindi naman po. I just did what I have to do to live." I answered.

Tinapik nya ang aking balikat. She's years older than me and she acts like a big sister kahit ngayon pa lang kami nagkita.

"May pinag-uusapan pa sina Selena at 'yong kasama nyo. After giving rules, she'll allow you to rest. Get comfortable like them." Natatawang turo nya kina Pipo at Chase.

Chase is trying to play with Pipo but Pipo looks scared. Pero alam ko namang masasanay rin sya.

"I'll excuse myself." Tumango lang ako nang magpaalam si Aide.

May malungkot na ngiti sa kanyang labi. Alam kong pinipilit nya ang kanyang sarili na ngumiti matapos ang naging pag-iyak nya kanina. I like her. She's approachable unlike me. I can say, we have an opposite attitude.

Nagtungo sya sa isang kwarto at alam kong nandoon iyong mga nakasama namin kanina. Tingin ko'y matagal nya ring nakasama ang mga iyon, seeing how comfortable they are together. I saw someone in the kitchen. A woman, looking serious as she prepares the vegetables. I want to approach her but I don't have the guts like Ate Aide so, nevermind.

Naupo lang ako sa isang sulok habang lahat sila ay nag-uusap at may mga ginagawa.

This is me. Before this happened. A wave of nostalgia swept over me along with the sound of heavy rain. Naalala ko 'yong mga panahong pinipilit ako nina Cleo at Kayla na sumama sa kanila. Na kausapin ang mga barkada ni Cleo. Naalala ko 'yong mga panahong mas pinili ko ang mapag-isa.

That wasn't so hard for me before. A loud sound of thunder rang my ears kaya agad akong napatakip ng aking tenga sa kinauupuan ko.

Kita ko ang nag-aalalang mukha ni El habang papalapit ito sa akin.

"It's just a thunder, Xandre... Do you wanna join us?" Ani El.

Umiling-iling ako. "I'm okay here. Don't worry, El."

The Fight For LifeWhere stories live. Discover now