Chapter 10: They save my ass

2.9K 208 56
                                    

They save my ass





Bakas ang gulat sa kanilang mga mata nang makita ang baril na hawak ko.

They thought I'm unarmed. Pero kahit ganoon ay alam ko namang wala pa rin ako laban sa kanila. Hindi ko lang alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob ko ngayon para mas galitin sila.

Maybe when I saw them. Hindi ko inakalang makikita ko sila dito. At hindi ko inakalang buhay pa sila.

Sinulyapan ko si Rafael. Nagtatago sya ngayon sa likod ng sasakyan. May hawak na baril si Dominic.

"Alam mong wala kang laban sa amin. Apat kami, nag-iisa ka lang." Ani ng isa sa kanila.

I want to smile with his remark pero pinigilan ko ang sarili ko. Alam kong naghihintay lang si Dome sa susunod kong gagawin.

Hindi ako magdadalawang isip na iputok to sa kanila. Pero ayokong makita ang nagkalat nilang laman. I can hear growls somewhere. At alam kong naririnig rin nila ito.

Sigurado akong may mga sasakyan ang mga ito. At alam kong makukuha ko lang iyon kung wala na sila.

"Hayaan nyo akong umalis. Just take my backpack."

"Gusto mo yatang makain ng mga halimaw eh! Ibaba mo 'yang baril-"

Natigil ang sigaw ng isa sa kanila nang biglang nagpaputok ang kanilang lider na nagsabi sa akin na wala ako sa lugar para magbigay ng kondisyon sa kanila. Then I felt a stinging pain on my right arm na nagpalaglag ng panga ko. Bakas rin dito ang pag daplis ng bala.

I clenched my jaw and stare at the man's face, he's grinning evily and looks amused with what he did to me.

"I'm not alone! At pagsisisihan nyo ang ginawa n'yo sa ibang survivors!"

With one last deep breathe, pinakawalan ko ang bala ng baril ko. I saw his body explode before I rush to hide. Rinig ko ang paghiyaw ng iba sa kanila.

Nanginginig ang mga kamay ko habang naglalagay ng bala.

"Fuck!" I cussed when they shoot the car where I'm hiding.

Dumadami na ang dugo sa aking braso pero hinayaan ko lang ito. I have no time to whine. Narinig ko ang palitan ng putok kaya dumapa ako at tinignan sila mula sa ilalim ng sasakyan. Nakisali na si Dome ngayon.

My shotgun is a hassle kaya inilabas ko na lamang ang isa ko pang baril at itinutok ito sa paa ng isa.

"Ahhh!" I heard him scream when I hit his leg.

Naupo ako at gumapang patungo sa harapan ng sasakyan nang saktong dumaan ang bala sa harap ko. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mga tenga ko. Muntik na akong mamatay dun ah!

Nalaglag ang panga ko nang makita kong natamaan ni Dome ang isa at ngayo'y wala na itong buhay.

Dalawa nalang ang kalaban namin kaya lumabas na kami sa mga pinagtataguan namin.

"You are outnumbered. Drop your guns!" Rinig kong sigaw ni Dominic habang nakatutok ang baril sa isa.

"Put your gun down!" I yelled to the one injured.

Dumadaing sya sa sakit ng kanyang hita na tinamaan ko. Sobrang basa rin ng pawis ang kanyang damit. Sandaling dumaan ang awa sa aking sistema pero pinawi ko iyon. Pasalamat nalang sila at hindi namin sila tinuluyan.

"Give me the keys!" Dominic yelled.

May nakatutok na kutsilyo si Rafael doon sa leeg ng lalaking may tattoo sa batok.

The Fight For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon