Chapter 29: Turned Table

2.2K 165 66
                                    

Turned table





Nag-uusap ang mga mata namin ni Dome. Pinilit nya ako kanina na isumbong si Ate Ella kay Selena. Pero ayaw ko. Wala sa tamang pag-iisip si Ate Ella, 'yun ang nakikita ko sa kanya.

Maybe she was too stressed. Kaya susubukan ko syang intindihin muna. Nag aalala rin ako na baka talagang paalisin siya nina Selena dito kung sakali mang magsumbong ako.

"I will do it if you can't." Seryosong sabi ni Dome.

Kanina nya pa ako tinatakot sa mga salita nya.

"Ganito nalang, sasabihin natin pagkatapos ng lahat ng 'to."

Sarkastikong tumawa si Dome at umiling-iling. "Then what if she will do it again? At sa pagkakataong iyon ay mapasok nga tayo at mapahamak."

Napaisip ako sa sinabi nya. Mas malaki ang magiging damage kung ganoon ang mangyayari. Naguguluhan na ako!

I extended my arm and reached for Dome's hand. Nagulat sya sa ginawa ko pero umigting ang kaniyang panga.

"Fine. I promise to tell Selena about it. Pero hindi agad-agad, Dome. Besides, magdadalawang araw pa lang tayo dito."

Sa huli ay walang nagawa si Dome kundi ang sumunod nalang sa gusto ko. I heave a deep breath before going back to bed and tried to fall asleep. Good thing I did not fail.

Nagising ako ng madaling araw hindi dahil sa ingay ng mga dumadaang changer kundi dahil nagugutom ako. Ayoko namang kumuha ng pagkain lalo na ngayong kaunti nalang talaga ang natitira sa amin. Tumayo ako at naglakad patungo sa kusina para maghanap ng tubig. Iinom nalang ako para mawala yung gutom na nararamdaman ko.

Then suddenly, I realized something. Pinakinggan kong maigi ang paligid. I can still hear their groans but it is too low. Is it possible that they have fully passed by already? Kumunot ang noo ko sa naiisip. I guess it's impossible. Pangalawang araw pa lamang namin ngayon.

Lumipad ang utak ko sa kung saan sila ngayon o sa kung saan sila pupunta. We knew that they will be walking in massive group because of Adira but we don't have any idea where they are headed. Will they end up in the seashore? Or will they end up dead before they even reach their destination? What I mean about dead is them being immobile since they are already dead.

Nang matapos akong uminom ay napagpasyahan kong bumalik na sa silid namin. Bukas ang pintuan ng kaharap naming silid. Magkaharap lang kasi ang mga silid namin kaya nakikita ko ang iba sa kanila. Noong una kaming dumating dito ay sa sala kami naglalagi pero kalaunan ay nagsihanap na rin kami ng kanya kanyang pwesto.

Aakyat na sana ako sa hagdan ng makarinig ako ng ungol. Iba ito sa kadalasang naririnig namin simula ng makapasok kami dito. Nakaamoy rin ako ng bulok at nakakasukang amoy. Nanlaki ang mata ko at agad na tinapik si Dome na natutulog pa.

Kinuha ko ang baril ko na nasa ilalim ng unan. I started running in the hallway and the sound is getting louder. Their groans...

My eyes went wide open and my mouth agape when I saw a changer on the floor, crawling. It saw me and it made a loud noise. I pointed my gun at it. I can't use this in here. Ayoko ring gumawa ng ingay na maririnig ng iba sa taas.

How did it ended up here?!

Lumakas ang tibok ng puso ko nang maisip ko ang manhole cover. Kung nakapasok ito, it means the exit has been opened!

"Xandre—How?!" Dumating si Dominic at agad nyang binaon ang dalang palakol sa ulo ng changer.

"Hindi ko alam! Pagdating ko ay nandito na ito—" Nanlaki ang mata ko nang may marinig na naman akong ungol at kalabog.

The Fight For LifeWhere stories live. Discover now