Chapter 26: A Long Day

2.8K 228 95
                                    

A long day






Halos nandoon na lahat nang makapasok kami ni Dome. Hindi ko alam kung ano ang pupuntahan ng pag-uusap na ito pero kinakabahan ako. Hindi naman kami nanganganib sa mga changers sa oras na ito pero natatakot ako na baka may mapaalis o ano. Wag naman sana.

Nakatayo si Ate Aide at nakapameywang habang si Kuya Phoenix naman ay nasa may hagdan kausap si Harris.

Reign is sitting on the single sofa, her head is lowered and gaze on the floor.

Sa isang sofa naman ay sina Derine, Ate Tanya at Kuya Machia. El is standing in front of Reign. Si Selena at Adira naman ay nasa may pinto. Selena is softly massaging her temples.

"I can't believe na may nangyaring ganito sa loob ng pamamahay ko. Tayo nalang nga ang natitira at magkakaganito pa. What has gotten into you, ija?" Hindi malumanay ang boses ni Selena.

Buong-buo ito at kahit ako ay naiintimidate habang nakikinig sa kanya.

Mariing nakatitig si Eason kay Reign. 'Yong nag-aalalang tingin. I know he wants to comfort her as her tears silently falls down from her eyes.

"I'm sorry. Pinagsisihan ko namang ginawa ko iyon. I was just trying to lessen the load-"

"It was not the solution, Reign. You are a medical student. How can you do that?!" Tumaas na ang boses ni Selena dahilan para pakalmahin siya ni Harris.

"Ma, Reign has been my friend for years."

"Alam ko, Harris! Pinagkatiwalaan ko kayong lahat na nandito. But how can anyone do that? Oo't magugutom tayo, pero it is not right." Ani Selena.

Naramdaman ko ang paghawak ni Dome sa kamay ko at hinayaan ko lang ito. Nalulungkot ako sa nangyayari. Ngayon pa ba na may mas malaking hamon ang paparating? At isa pa, hindi ko kailan man inisip na magagawa ni Reign iyon. Si Ate Ella, oo. Pero not Reign.

Natigilan ako at muling inilibot ang paningin ko sa paligid. Hindi ko nakita kanina si Ate Ella.

Dome's eyes met mine and I mouthed "Si Ate Ella" but he shook his head telling me that he did not see her as well.

"Reign, you're not like that. Hindi mo 'yan kayang gawin." Seryosong sabi ni Eason dahilan para mabaling ang tingin ko sa kanya.

Reign broke down into crying and he lend his arms for her.

"I was out of my mind when I did it. I regret it and I am s-sorry, El..." Her voice broke.

"Si Ella diba, Reign?" Napatingin kami kay Ate Tanya nang magsalita siya.

Natigil rin sa pag-iyak si Reign dahil sa sinabi ni Ate Tanya.

"Ella? Why is it Ella? Where is Ella?" Ani Selena at hinanap si Ate Ella sa paligid.

"I'm here." Si Ate Ella habang pababa ng hagdan.

Right now, I'm seeing her as a villain. 'Yong tipong pa special mention at siya ang huling ipapakita na parang sya' yong lamang o makapangyarihan.

"May utak ka na, Reign. Alam mo kung ano ang tama at mali." Matapang na sumbat ni Ate Ella.

Kumulo ang dugo ko dahil sa narinig. It was her motive. But she used other person to come clean at hindi sya mapaalis o mapahamak.

"You manipulate her. Noon pa man, Ate! Nakikita kong gusto mong maghari dito. When in the first place, iniligtas ka lang rin naman nila gaya namin." Galit na singhal ni Eason kay Ella.

I saw Blaire and Harris just listening to Eason. Hindi rin sila umangal. I don't know them or kung ano man sila noon dahil bago pa lang naman kami dito.

The Fight For LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon