PROLOGUE

110 11 8
                                    

"Hoy, panget!" Sigaw ng batang si Wyatt sa isang lalaki na dumaan sa kaniyang harapan.

"Anong panget, e mas mukha ka pang paa kesa sakin?" Pabalik na sigaw din ng batang lalaki, si Logan.

"Ang yabang mo ah! Ano suntukan na lang ano!" Galit na sigaw ni Wyatt na pa amba-amba ng suntok. "Lamang ka lang sa akin ng tatlong paligo tsaka maputi ka lang naman e."

"O edi sinabi mo na rin na mas gwapo ako sayo." Ani Logan.

"Gago, umalis ka nga sa harap ko at baka masuntok lang kita." Pagkasabi noon ni Wyatt ay umalis na ang bata sa harap niya na binelatan pa siya habang tumatakbo.

Ngayon lang may naglakas loob na tumabla sa batang si Aiden Wyatt Palencia, ang sampung taong gulang na bata na wala atang kinakatakutan. Halos lahat ng tao sa eskwelahan niya ay kilala siya dahil sa pagiging bully at pala-away nito, ngunit ngayong araw na ito ay may tumabla sa kaniya si Logan Matthew Ignacio.

Malaki ang pagkakaiba ng dalawang batang ito. Si Logan ay isang anak mayaman at mabait na bata samantalang si Wyatt naman ay laki sa hirap at sobra ang yabang. Parehas silang nag-aaral sa Alegria Elementary School, isang public school sa Barangay Malaking-bato sa Alfonso, Cavite.

"Yung batang lalaki na yun na kala mo ang yaman. Kilala niyo ba yun?" Tanong ni Wyatt sa mga nakakita ng sagutan nila nung bata.

"Hindi ko siya kilala"

"Ako rin, hindi ko siya kilala pero namumukhaan ko siya."

"Ako kilala ko siya!" Sigaw ng isang batang babae. "Talaga? Anong pangalan ng mokong na yun?" Aniya. "Logan, Logan ang pangalan niya." Anang batang babae.

"Sige, dahil sa pagtulong mo sa akin tropa na kita ngayon." Sambit ni Wyatt sa batang babae. "HOY KAYONG LAHAT!" Sigaw ni Wyatt. "WALANG PWEDENG MANAKIT SA BABAENG TO, Ano nga palang pangalan mo?" Bulong nito sa bata. "Ako si Alaiah Reese Bablio." Anito. "Ang haba naman, ang hirap pa bigkasin. Tsk. DITO, DITO SA BABAENG TO SI REESE. KAPAG MAY NAGTANGKANG MANAKIT DITO AKO MAKAKAHARAP NIYO. NAIINTINDIHAN NIYO!"

"Mr. Palencia, anong isinisigaw mo jan?" Sigaw ni Gng. Rivera ang guro nito. "Unang-unang araw ng wzkwela nagsisimula ka na naman mambuska. Kayong lahat pumasok na kayo sa kaniya-kaniya niyong room. Mr. Palencia sumama ka sa akin."

"Teacher naman?"

"Oh, bakit?" Umiling naman si Wyatt. "Tara na dito. Hakutin mo yung mga libro sa library hanggang dun sa room natin mag distribute tayo ngayon ng books."

"Teacher naman, ang dami-dami nun. Wala ba akong makakatulong?" Reklamo nito. "Tumawag ka sa room ng dalawa mong pwedeng makatulong. Bilisan mo."

Agad na kumaripas ng takbo si Wyatt sa room nila ––– Grade 4- Magalang Section A ––– Tama kayo ng nabasa kabilang si Wyatt sa pilot section dahil hindi naman siya tamad mag-aral. Sa katunayan isa siya sa pinaka-matalino sa klase, basagulero nga lang. Nang makapasok siya sa loob ay natanaw niya ang batang babae na si Reese na agad nitong kinawayan. Lumapit naman agad ito sa kaniya. Nang lumingom siya sa kanan ay nakita niyang nakaupo roon ang batang si Logan, nilapitan niya ito at binatukan bago hinila palabas ng classroom.

"Ano bang problema mo?" Sigaw ni Logan habang hila hila pa rin ni Wyatt ang kamay nito habang si Reese naman ay nakasunod lang sa dalawa. "May gusto ka ba sa akin at lapit ka ng lapit?"

"Loko to ah!" Sabay kutos dito at bitaw sa kamay nito. "Magpapatilong ako senyong dalawa sabi ni Teacher Rivera tumawag daw ako ng dalawang makakatulong ko kaya kayo tinawag ko."

"Yun naman pala Logan e, utos naman pala ni Teacher kaya wag ka nang magreklamo jan." Ani Reese. "Tsaka walang gusto yang si Wyatt sayo lalaking-laki yan o, bully nga e."

"Tsk!"

"Magbati na kayong dalawa kalimutan niyo na lang nangyari kaninang umaga, tsaka tayo na lang tatlo magbe-bestfriend.... Pleaaaseee! Ano di kayo iimik marami tayong hahakutin, Look!" Ani Reese sabay turo sa mga libro sa library.

"Sige na nga bati na tayo" wika ni Logan.

"Okay na rin sa'kin." Ani Wyatt.

"Kiss naman jan." Sigaw ni Reese sa dalawa agad siyang tiningnan ng dalawa ng masama kaya nag- peace sign ito. "Joke lang e, ahmmm group hug na lang. Basta tayo na mag bbff huh! Walang iwanan." Sabay yakap sa dalawa."

"Korny mo! Tara na marami pang buhatin." Si Wyatt.

Agad na nagkasundo ang tatlo. Nagsimula na rin silang maghakot ng mg libro simula sa library papuntang kanilang silid. Di nila alintana ang bigat o pagod dahil nawiwili sila sa paghaharutan at pagkukulitan habang ginagawa ito.

–dadamood–

Chasing one's own DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon