CHAPTER 4

19 4 6
                                    

Wyatt POV

Two days after a big revelation, mas naging close pa kaming tatlo. Tinanggap nila ako ng buong buo at hindi ko sila nakitaan ng pagkailang sa akin. Sa katunayan nga ay naging clingy sila sa akin lalo na si.... Logan, oo si Logan he always hug me, kiss me on my cheeks, lay down on my shoulder during class kahit na maraming tao like he doesn't have care about the judgemental eyes of everyone. Hinahayaan ko lang siya dahil everytime na sinasaway ko siya ay ang kinalatuwiran niya ay wala kaming ginagawang masama dahil magkaibigan lang naman kami.

As class hours started we sat on our respective seats waiting for our teacher to come. Filipino ang subject namin ngayon. This is one of my favorite subject dahil bukod sa magaling magturo ang guro namin dito ay gustong gusto ko ang mga pinapagawa niyang activities samin. Nang makarating si Mrs. Vidal ay nagdiscuss na ito tungkol sa Florante at Laura.

"Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco Balagtas , ito ay itinuturing na isa sa mga obra maestra ng panitikang Pilipino. Isinulat niya ang epiko habang siya ay nakakulong. Inilaan niya ito sa kanyang kasintahan na si María Asuncion Rivera, na tinawag niyang "M.A.R." at tinukoy bilang "Selya" sa pagtatalaga na "Kay Selya"." Sambit ni Mrs. Vidal "Sinong pwedeng magbuod ng kwentong ito? Wala? Okay, Mr. Palencia. Pakibuod ang Florante at Laura." She add. Nagulantang ako sa kaniyang sinabi. Alam ko naman ang buong kwento nito dahil nga sa hilig ko sa pagbabasa ng mga historical books at libro na gawa ng ating magigiting na manunulat.

"Ahmmm..." I started with a hum. "Ang Florante at Laura ay nagsimula sa kagubatan kung saan nakatali si Florante sa isang puno at nasa paligid niya ang mga mababangis na hayop ng kagubatan. Sa gubat ding yon ay naglalakbay ang isang morong si Aladin, narinig niya ang pagtangis ni Florante." Huminto ako ng magsalita ang isa sa aking kaklase. "Wyatt, what is pagtangis?" Tanong ng isa sa konyo kong kaklase. "Pagtangis, weeping or crying." Tumango naman ito.

*As I've said earlier, narinig ni Aladin ang pagtangis o pag-iyak ni Florante kaya naman dali-dali nitong hinanap kung saan naroon ang binata. Nang makita niya ang dalawang leon na handang lapangin si Florante ay pinaslang niya, pinaslang is pinatay. Nang mapatay niya ito ay kinalagan niya ang binata at inalagaan ito hanggang manumbalik ang lakas nito."

"Thank you, Mr. Palencia. Ms. Bablio, please continue." Mrs. Vidal cut me and Reese started to continue the story summary.

"Woy, ano ba?" Pabulong na sikmat ko kay Logan 'coz when I sat down he grabbed my hand and intertwined it with his. "Gago ka ba? Alisin mo yan!"

"Kiss muna?"

"Kiss? F*** you!" Sigaw ko. "Mr. Palencia and Mr. Ignacio what's happening there?"

"Nothing, ma'am" sagot ko. "Ow, really? Bakit magka- holding hands kayo ni Mr. Ignacio." Nalaki ang mata ko ng makita ang kamay namin ni Logan na magkahawak pa rin pala. Agad ko iyong inalis habang tatawa tawa pa ang loko. Nagtinginan naman ang mga kaklase namin at agad kaming tinukso.

"Ma'am, tutal naghahanap kayo ng gaganap na Florante at Laura pwede na po sa amin sina Logan at Wyatt." Sigaw ng isa sa mga kaklase ko at dali daling nag-agree ang iba ko pang kaklase.

"No"

"Sure"

Sabay naming sigaw ni Logan, syempre ako yung hindi agree. I know that it's 2021 and gender is fluid but wtf sinong magiging Laura sa amin.

"Kung sila ang gaganap, sino sa kanila ang Laura at sino ang Florante?" Tanong ng guro.

"Ehem... Ehem..." Tumayo si Logan sa gitna at biglang nagsalita. "O' Wyatt aking sinisinta. Maaari bang ika'y  aking maging Laura" Nagsigawan naman ang lahat at nagsimula na namang manukso.

Chasing one's own DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon