CHAPTER 16

17 2 0
                                    

Wyatt POV

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng huli kaming magkita ni Logan. Naging busy rin kase kami sa studies naming dalawa. Wala na rin akong masyadong balita sa kanilang dalawa ni Reese dahil sa hindi na rin naman kami nagkaka-text or chat pati tawagan ay bihira na rin. Tamang Hi! Hello! at Good morning! at Good night! na lang ang naggaawa naming dalawa. Hindi na rin niya ako nagagawang sunduin sa umaga at ihatid sa hapon dahil s asobrang busy. Naiintindihan ko naman yun dahil naipaliwanag naman niya sa akin.

Si Brett naman ay busy na rin sa studies niya. Sobrang dami nilang ginagawang activities at kagaya ko ay ang sunod-sunod din ang performance na kailangang i-perform kaya wala na kaming oras dalawa para magkita o magkausap ng matagal. Nagkikita na lang kami sa umaga at sa hapon.

Napakaraming nangyari sa loob ng dalawang linggo na hindi ko na kinakakaya. Feeling ko isang problema pa ay bibigay na ako. Hindi ko na magawang makapag-isip ng tama. Problema sa pag-aaral, sa pag-ibig, at sa...... pamilya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Brett sa akin. Nandito kami ngayon sa sasakyan niya dahil pauwi na kaming dalawa galing school. Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kanya. "Sigurado ka? Kanina ka pa tulala. May problema ka ba?"

"Okay lang ako, Brett. Huwag kang magalala." Sabi ko sabay ngiti ng pilit.

"Pasensya ka na huh kung hindi na tayo nakakapag-kwentuhan ng madalas pero tandaan mo handa akong makinig kung may problema. I'm always here for you and I will never gonna leave you alone no matter what."

"Salamat, Brett pero huwag mo kang mag-alala kaya ko to. Sobrang stress lang talaga sa studies."

"Sa tambayan tayo?" Tanong nito.

"Sige. Saturday naman bukas."

Isinandal ko na lang ang ulo ko sa headboard ng upuan ng kotse ni Brett kaya naman nagmaneho na lang si Brett papunta sa isang convenience store para bumili bago magmanehong muli papunta sa tambayan naming dalawa.

Bumaba kaming dalawa ni Brett at saka naupo sa unahan ng kotse niya. Nagbukas si Brett ng dalawang beer at binuksan ko naman ang binili niyang chitchirya. Agad akong uminom ng maiabot sa akin ni Brett ang beer bago nagsimulang magsalita.

"B-Brett?" Tawag ko dito at lumingon naman ito sa akin. Kita ko sa mga mata ni Brett ang pag-aalala. Si Brett lang ang nalalapitan ko sa mga ganiting bagay. Minsan nga ay nahihiya na ako sa kaniya. Hindi ko naman magawang ikwento kay Logan ang mga nangyayari sa akin o ang mga pinagdadaanan ko dahil ayokong mag-alala siya.

"H-hindi ko na kaya. Napakadaming nangyari sa loob ng dalawang linggo na ito. I'm so stressed and I... I don't know what to do." At nagsimula ng mangilid ang luha ko. "Tangina! Naulit na naman!"

"Bakit? Ano bang nangyari?" Tanong nito.

Flashback

Naglalakad ako papasok sa kanto namin dahil hindi na ako nagpahatid kay Brett noon hanggang bahay dahil alam kong pagod siya sa performance kanina na ginanap sa school. Habang naglalakad ay natanaw ko si Tatay na may kasamang babae na talaga namanag ikina-laki ng mga mata ko.

Akala ko ba ay nagbago na siya? Ano na naman to? Niloloko na naman ba niya si Nanay?

Hindi ko na lang iyon pinansin dahil baka namalikmata lang ako. Kaya fumiretso na ako sa bahay. Nung gabing yun ay nagpuyat ako sa paggagawa ng mga activities at report na kailangan ipasa. Alas-dos na ng madaling araw pero hindi pa rin umuuwi si Tatay kaya naman binalot na nang pagtataka ang isip ko.

Kinabukasan ay nadatnan ko sina Nanay at Tatay na kumakain ng almusal sa hapag. Tinitigan ko si Tatay ng mabuti dahil iba na talaga ang kutob ko.

"Anak, bakit ganyan ka makatingin sa Tatay mo?" Tanong ni Nanay sa akin ng makaupo ako.

Chasing one's own DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon