CHAPTER 13

15 3 0
                                    

Wyatt POV

Alas dies na ng umaga ako nagising dahil ala una ng madaling araw ng matapos kaming mag-video call ni Logan kanina. Halos araw-araw ay ganito naman ang ginagawa naming dalawa simula nung araw na sinabi ko sa kaniya na hindi ko siya pinapayagang manligaw pero gusto kong makita kung genuine ba ang pagmamahal niya sa akin. Susundoin niya ako duto sa bahay at ihahatid sa school ko bago siya pumunta sa school niya na school ko dati. Lagi rin kaming magka-chat o magka-text tuwing tanghali upang ipaalala sa akin na kumain na ako o kung ano man. I really hate and I'm not a fan of that cheesy messages like kumain ka na ba? Matulog ka ng maaga huwag ka magpupuyat papakasalan pa kita bukas, thing pero kapag siya ang nagsasabi ay kinikilig ako. Nakikita ko naman ang effort niya pero hindi ko pa masabi kung totoo nga ba ang ipinaparamdam niya sa akin. Mahirap maniwala sa panahon ngayon madaming tao na nagpapakita ng motibo pero iiwanan ka rin naman sa dulo o hindi kay ay iba naman pala talaga ang gusto.

Sabado ngayon at wala namang pasok kaya ayos lang kung tanghaliin ako ng gising. Hindi pa sana ako babangon kung hindi ko lang naalala ang usapan namin ni Logan na doon ako ngayon sa bahay nila ngayong araw dahil liligawan niya raw ako sa paraang alam niya. Nung una ay kinabahan ako pero inalis ko iyon sa isip ko dahil alam kong wala sa isip ni Logan ang kung ano mang iniisip ko.

Dumeretso ako sa banyo at nagsimula ng maligo. Nagpatugtog din ako sa selpon ko at sinasabayan ang bawat beat ng idak habang nagkukuskos ng sabon sa katawan. Matapos maligo ay lumabas na ako na tanging tuwalya lang ang suot. Kinuha ko ang favorite brief ko dahil alam mo na baka mapasabak sa gyera ––gagi ang harot ko sa part na yun. Erase! Erase!–– Nagsuot muna ako ng sandong white bago ko kinuha ko ang tie-dye hoodie jacket ko na may tatak na Je t'aime, même si ça fait mal. Pinaresan ko ito ng denim ripped jeans ko with white shoes.

Nang handa na ako ay bumaba na ako nadatnan ko sina Nanay at Tatay na parang nagsasagutan pero hindi ko na sila pinakealaman dahil away mag-asawa iyon. Nagpaalam ako na pupunta ako kina Logan ngayon at doon tutulog. Pumayag naman sila dahil kilala naman nila si Logan. Pagkalabas kk ng bahay ay kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Logan.

"Beybi?" Sagot nito.

"Okay na ako. Susuduin mo ba ako?" Tanong ko dito.

"Yes, I'm on my way there. Bye!"

"Bye, ingat."

Habang inaantay si Logan sa labas ng bahay namin ay narinig ko ang malakas na sigawan nina Nanay at Tatay. May narinig akong pangalan ng babae pero hindi ko sigurado dahil nga nasa labas. Kahit na kabado akong umalis ng bahay ay nagpatuloy pa rin ako.

"Let's go?" Tawag ni Logan na kasalukuyan ng nasa harapan ko ngayon.

"Tara!" Sagot ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami sa kanila. Hindi naman kase nalalayo ang bahay naming pareho sa isa't isa.

"Wyatt? Omyghad! I miss you, anak." Malakas na bati ng Mama ni Logan sa akin. Simula kase nung umiwas ako kina Logan ay ngayon na lang ulit ako nakapunta dito.

"Tita, magandang araw po!" Bati ko dito sabay halik sa pisngi ni Tita Marites.

Hindi sa pagyayabang pero mas close si Tita Marites sa akin kaysa kay Reese dahil na rin siguro sa pagkakasundo namin sa lahat ng bagay lalo na sa pagluluto at pagbe-bake. Sa kaniya rin ako natuto ng iba't-ibang putahe.

"Tara pasok ka na, feel at home. Naghanda nga ako ng tanghalian para sa atin dahil sabi ni Logan ay dito ka daw hanggang bukas?" Sunod-sunod na sabi nito sabay kapit sa braso ko at pinaupo ako sa sala. Tumango naman ako bilang sagot. "Tamang tama, na-miss kita. Bukas ituturo ko sayo ang mga bago kong recipe." Nakangiting sabi nito. Natanaw ko naman si Logan na nasa pinto at naka-nguso. Nilingon din siya ni Tita.

"O' Mat-mat, Dyan ka na lang?" Sabi ni Tita na iki-natawa ko naman.

"Ma, ako yung anak mo pero mas inuna mo pa si Wyatt kesa sa akin. Nakakatampo ka, Ma. Siya ba ang anak mo? And stop calling me by my childhood name, please!" Anito.

"Ano ka ba, Mat–––"

"Ma!" Naiiritang sigaw ni Logan.

"Hayaan mo na nga yang batang yan. Napakaarte. Alam mo bang ilang ulit niyang sinabi sa akin na huwag ko siyang tawagin sa nickname niya kapag dumating ka." Bulong sa akin ni Tita. "Tara na doon, kakain na." Baling ni Tita kay Logan at humarap naman ako sa kaniya at nag peace sign.

Nang makatapos kaming magtanghalian ay nagpaalam muna kami kay Tita na pupunta lang kami saglit ng court para mag-laro. Yes, I'm gay but I play basketball, it's not my sports anyway. Nung una ay ayaw pa kami ni Titang paalisin dahil magba-bonding daw kami pero nang mag-walk out itong si Logan ay hinayaan na ako ni Tita na sumunod. Nanduto na kami sa court pero nakanguso pa rin si Logan.

"Tampo ka?" Tanong ko with smiley face. Tumango naman ito ng parang bata.

Hinila ko naman siya palapit sa akin at ini-lock sa dalang binti ko. Itinaas ko ang ulo niya na bahagyang nakayuko gamit ang kamay ko sabay ngiti sa kanya.

"Wag na magtampo at magselos ang baby Mat-mat namin." Sabi ko ng may nang-aasar na ngiti. Nagtangis naman ang bagang nito at tumaas ang isa nitong kilay ng tinawag ko siyang baby Mat-mat.

"Stop calling me by that. It's annoying, you know? At hindi nagseselos mas gusto ko nga na close na close kayo ni Mama e para pag naging tayo ay hindi na siya magugulat." Sabi nito sabay hawak sa pisngi ko na ngayon ay namumula na. "Nagtatampo lang ako dahil feeling ko nawalan ka ng time sa akin. Ang isip bata at babaw pero nakakatampo talaga." Sabi nito sabay pout.

"Paano ko maaalis ang tampo mo?" Tanong ko naman.

"Hmmp... Let's play a game!" Masayang sabi nito.

"Anong laro?" Tanong ko naman.

"Basketball. Best of ten, ang matalo may dare."

"Grabe naman, e alam ko naman na matatalo ako. Varsity ka ng basketball team captain pa e ako laro-laro lang naman, hindi ko naman kase to sport." Sabi ko.

"Pleaseeee! Sabi nito sabay pa-cute. Hay nako! Pasalamat ka.

"Sige na, pero ano muna ang dare?"

"Kapag talo ako ikikiss kita pero pag talo ka ako ang kikiss sayo."

"Pareho lang naman yun ah."

"Nope. Hindi. Kapag ikaw ang kikiss ikaw ang magpe-first move kapag naman ako ay ako namanang unang hahalik sayo." Nakangiting paliwanag nito.

"Sige na game!" Sigaw ko sabay kuha ng bola.

Tsk. Lugi ako nito e. Shemay!

Napahilamos na lang ako sa mukha ko bago kami nagsimulang maglarong dalawa ni Logan.

Lumipas ang bente minutos ay nakakalamang na ako. 5 points na ako samantalang si Logan ay 3 points pa lang. Alam ko naman na hindi sineseryoso ni Logan ang laro pero ayoko pakampante. Ayoko ngang mag-first move.

Ilang agawan ng bola ang ginawa namin ng bigla akong niyakap ni Logan sa likod para agawin ang bola sa harapan ko. Naamoy ko ang pawis niya na parang hindi pawis sa bango. Nakahubad lang kase siya ngayon samantalang ako ay nakasando lang sa itaas. Samantalang parehas naman kaming naka basketball shorts dalawa. Suot ko ang jersey shorts niya na pinahiram niya sakin bago kami umalis. Bahagyang dumikit ang matigas na bagay sa likuran ko dahilan para matigilan ako at maagaw niya ang bola at mailasok sa ring.

"Madaya ka!" Sigaw ko dito at nakangiti naman ng nakakaloko ang loko. Apaka manyak!

Nagfocus na ako sa laro dahil ilang beses ginawa ni Logan na idikit ang malaking sundalo niya sa akin na nagiging dahilan ng para mawala ako sa sarili kaya naman ngayon ang puntos niya ay 8 na samantalang ako ay nanatili sa 5. Dalawa na lang ay matatalo na ako. Naagaw niyang muli ang bola at na ishoot ito.

P*tangina! Isa na lang. Shete! Yoko siyang halikan, I mean gusto ko pero ayokong mag- first move.

Nagagawan kami sa bola ng ilang ulit pa. Takbo dito, takbo doon. Dribble dito, dribble doon. Hanggang sa bigla na lang niyang maagaw ang bola dahilan par mabilisan ko siyang hinabol at ng inihagis niya ang bola mula sa three point shot ay sinabayan ko yun ng buong pwersa kong talon upang salagin ito.

––dadamood

Chasing one's own DeathWhere stories live. Discover now