CHAPTER 1

48 7 7
                                    

Ps. Typographical error and Grammatical error is ahead. Huwag kang masyadong perfectionist lahat ng tao nagkakamali.


Wyatt POV

"I'VE BEEN TOLD THAT IF YOU REPEAT A WORD OVER AND OVER AGAIN IT LOSES ITS MEANING, I HAVE STAYED UP COUNTING NIGTHS REPEATING YOUR NAME HOPING THAT YOU WILL MEAN LESS TO ME WITH EACH BREATH"

Nakatayo ako ngayon sa harap ng dati kong eskwelahan --Alegria Elementary School-- Ang sarap lang balikan nung mga araw na buo pa ang samahan naming tatlo. Paano nga ba nabuwag ang dating matibay na samahan? Paano nga ba nagbago ang lahat?

4 years ago

"Boy, pasok ka na? Sabay na tayo!" Tawag ni Logan sa kaibigang si Wyatt.

"Tara!" Naglakad ang mag-kaibigan ng magka-akbay. "Nga pala si Reese?"

"Tsk, hindi ka pa nasanay sa babaeng yun. Lagi naman yung late, elementary pa lang tayo ganon na siya ngayon pa bang Grade 8 na tayo" sabay silang natawa dahil sa tagal na nilang magka-kaibigan ay alam na nila ang ugali at kilos ng isa't isa.

Apat na taon na rin ang lumilipas nang magsimula silang magkakila-kilala. Naging maganda ang samahan nina Logan, Wyatt at Reese. Malaki rin ang ipinagbago ni Wyatt, hindi na siya ang batang Wyatt na mahilig mam-bully at manlait ng kamag-aral niya at dahil ito sa tulong ng dalawa nitong kaibigan. Sabay-sabay rin silang nagtapos ng may mga karangalan.

Wyatt is the top of the class he's the Validictorian, while Reese was the Salutatorian and Logan was the Third Honorable Mention.

"Ako ba ang pinagu-usapan niyo? Kalalaki niyong tao agang-aga chismisan kayo ng chismisan." Ani Reese na kakadating lang.

"Pinagu-usapan lang namin ang pagiging late comers mo since grade 4." Si Wyatt na sinabayan naman ng tawa ni Logan.

"Hoy, ang traffic kaya!"

"Anong traffic? Baka lang naman nakakalimutan mo na isang kanto lang ang layo mo dito sa school." Si Logan.

"HAHAHAHAHA... Kaya nga, pare-pareho lang tayong hindi nagba-byahe." Sambit ni Wyatt.

"Pinagtutulungan niyo na naman akong dalawa, tara na nga sa loob."

Natapos ang morning period na puro asaran lang ang ginawa ng tatlong magka-kaibigan. They treat each other like brother and sister. When the bell rings the three immediately go to the cafeteria --they're now studying at Claridad Montessori School Cavite-- and run like a kid.

"Anong inyo, libre ko?" Si Logan.

"Naks pre, baka masanay kami niyan" Biro pa no Wyatt na natawa pa.

"Kaya nga Logan. Ahmmm... Ang akin pasta and soda na lang."

"Ikaw pre, ano sayo?"

"Kung ano sayo. Ikaw na bahala"

"Sabi mo yan huh!"

Habang nasa umo-order pa si Logan ay nag open up ng topic si Reese. "Ang gwapo ni Logan no? Ang bait pa." Wyatt got shocked and he didn't know what to say. Kinagat niya muna ang pangibabang labi bago nagsalita. "Ah... Ahmm.. oo, mabait talaga si Logan pangita naman. HAHAHAHAHA.. pero yung gwapo? May problema ka ata sa mata e mas gwapo nga ako dun." Pabirong sambit ni Wyatt.

"Hoy, mas gwapo kaya siya kesa sayo."

"Ulol!"

"But seriously, just keep it a secret please." Nilamon ng kaba si Wyatt he could feel a butterfly inside his stomach. Inilapit ni Reese ang labi niya sa tenga nito upang bumulong. "I think... I think I like him."

"What?" Napasigaw si Wyatt sa narinig at agad tinakpan ni Reese ang bibig nito dahil halos lahat ng nasa cafeteria ay napatingin sa gawi nila. Nilingon naman ng dalawa si Logan na ngayon ay papalapit na sa kanila.

"Anong nagyari sa inyong dalawa? Pinagtitinginan na kayo oh?"

"Nothing! Ito kasing si Reese natatae na daw. Kaya ayun napasigaw ako ng what sa gulat. Hahaha" pagdadahilan ni Wyatt na ikinalaki ng mata ni Reese

"That's so gross, Reese. Please go to CR now!"

"Huh! Ah.. ehh.. nawala na bigla tara na kain na tayo." Sabay kuha sa pasta at soda na nasa tray. Ibinaba naman ni Logan ang one large fries, carbonara and soda sa harap ng upuan niya at one largeburger, one slice of chocolate mousse cake, carbonara at soda sa harap naman ni Wyatt.

"Ang dami nito pre, gago wala akong pambayad sayo alam mo naman ang sitwasyon ko. Nakapag-aral lang ako dito sa private school dahil scholar at matataas grade ko." Reklamo nito. "Ang dami mong sinabi. My treat nga diba, tsaka para tumaba ka. Look at you, you're so thin like a bamboo stick."

"F*ck you!" Sabay taas ng middle finger sa harap ni Logan. "English english ka pa tayo-tayo lang naman dito."

They started eating their food habang nag-aasaran. Nang makatapos silang kumain ay bumalik na sila sa room nila. Pagsapit ng twelve in the afternoon ay umuwi na sila --half day lang ang klase nila-- sa kani-kanilang bahay. Si Reese ay sinundo ng Papa nito habang si Logan at Wyatt naman ay sabay na naglakad sa abangan ng jeep.

"Para po, jan lang po sa may palengke... Sige pre dito na ako. Ingat" si Wyatt. "Sige pre, ingat. Labyu"

"Gago ka sige na!"

Sanay na si Wyatt sa mga ganitong banat ni Logan dahil normal lang naman ito sa kanilang dalawang mag-kaibigan Nang makababa sa jeep ay nagpunta na siya sa pwesto ng nanay niya sa palengke sa may gulayan. Naging routine na ito ni Wyatt araw-araw ang tulungan ang nanay niya sa pagtitinda ng gulay dahil alam niya ang laki ng sakripisyo nito para lang makapag-aral siya.

"Nay." Tawag nito sa ina. "Maigi naman at andito kana anak, o kumin kana muna jan may binili ako kanina sa karederya na ulam at kanin."

"Nako nay, huwag na po kumain po ako sa school. Ang dami ng nilibre sa akin ni Logan. Kayo na lang po ang kumain ako na po bahala dito sa pagtitinda." Sambit ni Wyatt. "Sigurado ka anak, e hindi pa nga ako nagtatanghalian."

"Nay naman, diba sabi ko kumain kayo sa oras. Baka magkasakit kayo niyan. Pagkakain niyo ho, umuwi na kayo ako na ang magsasara nitong pwesto natin." Anito. "Sigurado ka anak!"

"Oo naman yes nay!" At nag thumbs up pa ito.

Nang makatapos kumain ang ina nito ay nagsimula ng magtawag ng customer si Wyatt. Sa tuwing andito siya sa palengke ay dinadagsa ang pwesto nila ng mamimili.

"Ang gwapo ng tindero dun dun tayo mamili ng gulay"

"Ang gwapo mo naman toy."

"Magkanino dito, pogi?"

"Isang balot nga nito, kuyang pogi"

Ilan lang yan sa naririnig ni Wyatt tuwing nasa pwesto siya kaya naman nasanay na siya. Minsan nga ay ang daming hindi na kumukuha ng sukli dahil til na daw yun sa kaniya dahil gwapo siya. Hindi naman ito tinatanggihan ng binata dahil gipit din talaga sila sa pera.

Nang sumapit ang alas sais ng hapon ay isinara ni Wyatt ang pwesto at umuwi na ito. "Nay, eto na po ang mga pinagbentahan." Sabay ambot sa ina nito ng bag na lagayan nila ng pinagbentahan. "Aba anak napaka laki nito?" Gulat na sambit ng ina nito. "Syempre naman nay, ako pa ba. Sige magbihis lang po ako."

Nagbihis na ito at inilabas na ang libro niya at nagsimulang magbasa-basa. Nang na-satisfy siya ay kinuha na niya ang cellphone na bigay pa sa kaniya ng tita niya na nasa Dubai. Nag-scroll siya ng nag-scroll sa Facebook ng may mag message sa kaniya. Pinindot niya ang nag pop-up na walang mukha na profile at laking gulat niya kung sino ito.

"Balik ka na sakin, please! Bukas mag ta-transfer na ako sa school mo!"


-dadamood

Chasing one's own DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon