CHAPTER 11

21 3 4
                                    

Wyatt POV

"Mahal kita pero hindi sapat na dahilan yun para piliin kita kaysa sa pagkakaibigan na binuo nating tatlo ng ilang taon." Ani ko.

"Kung noon mo pa ako mahal bakit hindi mo sinabi? Bakit hindi mo ipinaalam? Bakit di mo ako pinili?" Naguguluhang sagot ni Logan.

Hindi ko alam kung paano ko sasbaihin kay Logan ang totoong dahilan kung bakit pinigilan ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Mahalaga si Logan sa akin pero mas mahalaga para sa akin ang pagkakaibigan naming tatlo. Ayokong makasakit, ayokong masaktan si Reese at higit sa lahat ayokong masira ang pagkakaibigan naming dalawa. Mahal ko si Logan pero mas Mahal ko ang pinagsamahan namin ni Reese. Katangahan man kung iisipin pero mas mainam ng ako ang masaktan kaysa siya. Mas mabuti ng ako ang umiyak kaysa siya.

"Logan dahil may Reese din na kasali dito hindi lang ikaw at ako." Tinanggal ko na ang seatbelt ko at binuksan ang pintuan ng kotse niya at tuluyang pumasok sa gate diretso sa building namin.

Nagsisimula na ang klase ng dumating ako. Hindi ko inakala na ganon na pala kami katagal nag-usap ni Logan. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga salitang binitawan niya. Ang mga salitang nagpaalala sa'kin ng lahat. Akala ko ay wala na akong nararamdam sa kaniya pero bakit ganon isang matamis na salita mula sa kaniya umiikot na naman ang mundo ko sa kaniya.

"F*CK!"

"Mr. Palencia? Late ka na nga nagagawa mo pang magmura. At bakit ganiyan ang itsura mo? Umiyak ka ba?" Tanong ng guro.

Fuck! Napalakas pala ang sigaw ko. Akala ko ay sa isip ko lang iyon binaggit. Hi di ko namalayan na nasa tapat na pala ako ng room namin dahil sa letseng pag-iisip.

"I'm sorry, Miss." Naisagot ko na lang at pumasok na't naupo sa upuan ko.

Natapos ang buong maghapon na klase ay wala akong naintindihan sa mga leksyon ng mga guro ko. I'm occupied. Hindi rin ako bumaba kanina para mag-Lunch. Wala akong ganang kumain. Lutang ang isip ko sa kakaisip kung ano na namang sulosyon ang gagawin ko.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulso ko at hinanap ang kaniyang numero. Hindi naman nagtagal ay may sumagot na sa kabilang linya.

"Hello, I'm on my way there." sagot nito.

"Logan, huwag mo akong sunduin. Kay Brett na lang ako sasabay" mabilis na sabi ko.

"Iiwas ka na naman ba?" Malungkot na sabi nito sa kabilang linya.

"I need space for now. I'll talk you kapag na ayos ko na ang sarili ko. Hindi madaling deaisyon ang gagawin ko. Kailangan ko itong pag-isipang mabuti dahil alam kong pag basta-basta ako nagdesisyon ay may maapektuhan at masasaktan." Ani ko.

"Sige, kung yan ang gusto mo."

Pagkababa ko ng tawag ay itinext ko si Brett na magkita kami sa tambayan. Nag-reply naman agad ito at um-oo't nag offer pa na magdadala siya ng mga fuds at inumin. Dumaan naman ako sa AlfaMart para bumili ng ilang bote ng alak na pagsasaluhan namin ni Brett sa tambayan. Hindi ko ugali ang bumili ng alak dahil madalas ay si Brett ang bumibili nito. Alam niya na kase na kapag sinabi kong tambayan tayo ay kailangan ko ng alak at kausap.

Ilang minuto akong nag-antay at dumating na rin si Brett naka bihis na ito samantalang ako ay naka uniporme pa rin.

"Dito ka dumeretso?" Tanong nito.

"Oo" walang emosyong sagot ko.

"Si Logan?" Tanong nito sabay upo sa tabi ko.

"Aba, malay ko. Bakit mo sa'kin hinahanap?"

"Ang ibig kong sabihin kung si Logan na naman ba ang dahilan ng pagtambay dito."

"Huh?"

"Wyatt, isa lang naman lagi ang rason ng pagtambay natin dito e. Aayain mo lang ako dito kapag may problema ka kay Logan. At alam ko na si Logan ang dahilan dahil nag message siya sa akin kaninang umaga. May ginawa ba siya sayo? Babanatan ko na ba?" Sunod-sunod nitong sabi.

"Wala, wala siyang ginawa. OA mo."

"E bakit ka ganyan? Daig mo pa ang binaksakan ng langit at lupa, ilog at sapa e."

"Gago! Tara inom na tayo." Kinuha ko ang alak na binili ko at nagsimulang uminom. Inabot ko naman ang isa kay Brett.

"Brett" tawag ko dito.

"Hmm?"

"Tumigil na si Logan sa panliligaw kay Reese. Hindi siya tumigil ng kusa, si Reese ang may gusto na tigilan na siya ni Logan."

"Oww, so what's the problem?" Tanong ni Brett.

"He asked me kung pwede daw niya ba akong ligawan. I don't what to say. Kaya hindi ko sinagot ang tanong niyang yan."

Ikinuwento kay Brett kung ano ang mga napag-usapan namin kanina ni Logan. Si Brett na ex ko pa ang lagi kong natatakbuhan sa mga ganitong bagay. Sa totoo lang ay naawa ako kay Brett dahil parang lumalabas na ginagamit ko lang siya para makalimot kay Logan na sa totoo naman talaga ay hindi. Mahalaga sa akin si Brett mahal ko siya pero bilang kaibigan at hindi ka-ibigan.

"Wyatt, please answer my questions, honestly." Anito. Tumango naman ako sa kaniya. Ganito ang lagi naming sistemang dalawa. Mala Miss Universe Q&A. "Mahal mo?"

"Oo"

"Bakit mas pinili mong masaktan noon kaysa ipaglaban siya?"

"Dahil natatakot ako noon na baka ako lang ang nakakaramdam nito. Natatakot ako na baka masira ang pagkakaibigan namin. Natatakot akong makasakit ng ibang tao." Sagot ko sa tanong ni Brett. Nagsisimula na namang magbadya ang mga luha sa mata ko. Kaya naman nilagok ko ang lahat ng natitirang alak sa bote ko at kumuha ulit ng bago't binuksan yun.

"Wyatt, hindi ka superhero at mas lalong hindi ka bayani. Matagal ko ng gustong sabihin to sayo. Nailigtas mo nga sa sakit ang mga taong pinapahalagahan mo pero ikaw nailigtas mo ba ang sarili mo sa sakit. Hindi ka Rizal na handang magmamatay para sa minamahal niyang bayan." anito

"Wyatt, you can't dictate your heart to love or unloved someone. But you have all the power to stop yourself, your heart, specifically from bleeding. Choosing to stab your heart million times is your choice. Dahil sa ginawa mo mas pinili mo ang masktan kaysa ang piliing maging masya. They say love is about sacrifices. It is always about what you can give coz that person deserves everything. But do you ever ask yourself "How about me? Am I not deserving to even get something?" Natanong mo ba ang sarili na masaya ba ako sa desisyon kung to. It's your time Wyatt. I'm hurting right now coz' I also sacrifice you because ever since alam ko na si Logan talaga."

"B-Brett."

"Huwag mong sayangin ang pagkakataon na to. Panahon naman na para maging masaya ka. Kung may masasaktan edi masaktan siya. Kung may masisira edi masira. Dahil kung tunay na kaibigan mo siya maiintindihan ka niya. Kung ayaw mong masaktan si Reese, bakit siya masasaktan kung sya ang nagsabing huminto na si Logan sa kaniya. Payagan mo si Logan na ligawan ka. Kung masaktan ka sa huli edi masaktan. Nandito ako lagi at hindi mawawala't handa kang buoin ng kahit ilang beses. Kapag nadurog ka dahil sa pagpili mo sa kaniya andito ako para buoin ka ulit. Nakakatawa lang na I love you, You love him but he love her and you."

Hindi ko alam ang isasagot ko kay Brett napahagulhol na lang ako ng iyak sa balikat niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at umiyak ng umiyak.

"Brett, sana ikaw na lang yung minahal ko. Sana ikaw na lang para hindi ako nasasaktan ng ganito. Pero putanginang puso to. Kahit anong gawin ko siya at siya pa rin. I'm sorry, Brett. I really am sorry."

––dadamood

Chasing one's own DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon