CHAPTER 9

13 3 3
                                    

Wyatt POV

Dalawang taon na ang lumilipas, grade 11 na ako ngayon. Ang bilis na panahon no. Parang dati musmos pa lang ako ngayon senior high na ako at dalawang taon na lang ang titiisin ko at college na ako.

Noong mga nakalipas na dalawang taon ay naging ayos na kami nina Logan at Reese hindi ko na rin napigilan na hindi sila imikan dahil wala naman akong dahilan para gawin yun. Naging mas matatag ang pagkakaibigan namin, pansamantala ko na ring nakalimutan ang nararamdaman ko kay Logan dahil na rin sa tulong ni Brett. He helped me to move on, I'm not totally heal but I know one of these days makakalimot rin ako.

Dalawang taon na rin mula nang umuwi ang tatay ko dito sa amin. Noong una ay hindi ko siya inimikan dahil sa loob ng anim na taon na pag-alis niya dito sa bahay at pagsama niya sa kabit niya ay babalik siya sa amin na parang walang nangyari pero ngayon ay unti-unti na rin kaming nagkaka-ayos. Mas pinili ko kasing magpatawad dahil Nanay ko nga pinatawad siya, ako pa ba na anak niya lang. Sabi nga nila It's easy to forgive but its hard to forget. Parang yung nararamadam ko kay Logan mahirap kalimutan pero nagawa kong patawarin sila sa kasalanang di nila alam. Hahahaha nakakatawa lang no. Grabe akong magmahal todo todo yung tipong kahit hindi niya malaman, kahit hindi ko masabi basta maiparamdam ko sa kaniya ayos lang. Tama na nga tong drama na to hahahaha baka saan na naman mapunta to.

Kasalukuyan kong inaantay si Brett dahil susunduin niya ako ngayon dahil sa iisang school kami pumapasok kahit na magkaiba kaming dalawa ng track na kinuha. Nag ABM siya samantalang ako ay nag HUMSS. Sina Logan at Reese of course magkasama sa isang school at magkapareho ng track na kinuha, pareho silang nag HUMSS. Ayaw talagang magkahiwalay ng mga deputa. Charot!

"Good morning!" Bati ni Brett sa akin. "Let's go!"

"Tara!" Sagot ko. He open the door for me. Luh! Babae yarn?

"Happy Monday, this is it. Malapit na tayong mag-college." Masayang sabi ni Brett.

Naging mas close kaming dalawa ni Brett sa totoo lang at sobrang saya ko dahil doon. Sino bang magaakala na ang ex kong 'to pa ang tutulong at makakapitan ko sa mga panahong walang gustong bumuhat sa akin pataas. Sobrang saya ko dahil may isang Nolan Brett Agustin sa buhay ko.

"Happy Monday, Brett." Sagot ko naman. "Oo nga e, parang dati magkasama pa tayong tumatakas at kinukuntsaba ang driver mo para makapag-inom. Pero ngayon may sarili ka nang kotse at nakakainom tayo kahit anong araw natin gusto." Natawa kaming pareho sa sinabi ko.

"Nga pala sina Logan at Reese, saan pumasok?" Tanong nito sa akin.

"Sa dati pa rin nating school. Tayo lang naman atang dalawa ang lumipat ng ibang school nitong grade 11 e." Sagot ko.

"Hindi ba sila lumipat? I heard before na nagplano silang pumasok sa CCSJ."

"I heard it too, pero hindi sila tumuloy. Dahil sabi nila dun daw sa CMSC nabuo ang memories nila kaya ang hirap daw iwanan. Parang wala akong memories dun ah! OA no? Kairita. Kakalandi wala namang label ilang taon na ring nagliligawan. Kingina!" Aniko.

"Alam mo bitter ka pa rin, alam mo yun?" He laughed at me.

Nakarating kami sa parking lot ng school nanibago ako. Wala naman talaga akong planong lumipat dito sa Saint Paolo Parochial School (SPPS) e dahil hindi ko kaya ang tuition fee dito. Buti na lang nag offer sila ng scholarship kaya nakapasok ako dito tsaka dahil na rin sa tulong nitong si Brett. Bumaba kami suot-suot ang uniporme namin na white longsleeves polo with gray cardigan and black coat paired by gray slacks and black shoes with white socks.

When we enter in the gate we scan our I.D to the monitor. Naglingunan ang mga kababaihan na madadaanan naming dalawa ni Brett. Halos malaglag ang mga panga at panty nila sa sobrang pagkakatitig sa amin. Some would say "Ang gagwapo!" "Bakit may ganitong nilalang sa mundo?" "Bakit ang unfair ng mundo sa kanila na ata ibinigay lahat ng kagwapuhan?" Natawa na lang ako sa mga naririnig ko at tumingin kay Brett na nangingiti lang.

Chasing one's own DeathWhere stories live. Discover now