CHAPTER 5

26 2 4
                                    

Wyatt POV

So it's true that as long as there's a happiness there will be a sadness. Kase yun ang nararamdaman ko ngayon. Kanina ang saya-saya ko pa dahil sa nangyari, sa pagpapakilig namin ni Logan sa harap ng klase pero ngayon eto ako umiiyak, nagwawala at naghihimutok sa kwarto ko ni hindi ko na nga nagawang tulungan si Nanay sa pagbebenta sa palengke dahil sa lencheng puso to. Ang daming pwedeng magustuhan pero bakit siya pa? Bakit best friend ko pa?

Akala ko kaibigan lang ang tingin namin sa isa't isa pero ano 'tong nararamdaman ko? Normal bang masaktan kapag yung kaibigan mo niligawan yung isa mo pang kaibigan. Normal lang bang masaktan habang nakikita mo yung dating kasabay mo laging umuwi ay kasabay na ngayon ang babaeng dating sinusundo pa ng tatay niya. Siguro, siguro puppy love lang ito diba? Siguro normal na crush lang naman 'to? Baka, baka nadala lang ako sa kabaitan niya sa akin. Baka nadala lang ako sa mga I love you's niya. Nadala lang siguro ako sa  mga mga kiss and hugs niya every morning. Baka! Baka.... baka gusto ko naman talaga siya kaya ko nararamdaman ang lahat ng to.

"I really need someone to talk to right now, pero sino? Bahala na nga!" Pagkausap ko sa sarili ko.

Nag-ayos lang ako ng sarili ko. Naligo, nag-tooth brush, konting polbo then lumabas na ako ng kwarto at inihanda ang sarili ko sa tanong ng nanay ko.

"Oh' Saan ang punta mo, nak? Mag aala-sais na ng gabi ah?" Di nga ako nagkamali sa naisip ko kanina. "Makikipagkita lang po ako sa kaibigan ko, nay." Sagot ko. "Sino sina Logan?" Tanong ni Nanay. "Ah eh hindi po nay. Sige po alis na ako."

Dali-dali akong lumabas ng bahay dahil alam ko na sandamakmak na follow up question ang itatanong ni Nanay sa akin kaya inunahan ko na siya. Habang nagiisip kase ako kanina kung sino ang yayayain ko ngayong gabi someone message me and said that he wants to go out and he's treat so I agree. And here I am walking through the restaurant door that he said.

"Wyatt, here!" He wave his had so I go towards his direction.

"Brett." Bati ko.

"Take a sit. Wait, waiter yung pina reserve ko." Sambit nito sa waiter na lumapit sa kaniya. "Sure, sir just wait for about three to five minutes."

"Thank you! Ahmmm.. Wyatt?"

"Yes?"

"Thank you for coming."

"You're welcome. Honestly, naghahanap rin ako ng maka-kausap ngayon cause..." Sambit ko at hindi na nagawang ipagpatuloy pa ang sasabihin ko. "Why do you have a problem?" Tango lang ang naisagot ko. Umayos na ako ng tayo ng i serve na ang food namin.

"Don't be sad! I'm always here for you. So, let's eat first and we'll go to the place that we've met." He said. "Thank you, Brett. I think we should buy a drink later. Mukhang mahaba-habang kwentuhan to." Sabi ko pa. "Sure magpabili na lang tayo sa driver ko dahil baka nakakalimutan mong minor pa tayo."

Nagsimula na kaming kumaing dalawa. Ang dami ng pagkaing nasaharapan namin, iba't-ibang putahe. Nagutom ata ako dahil sa pag-eemote ko kanina kaya ang dami kong nakain. Ikaw ba naman ang magemote simula alas dose ng tanghali hanggang alas sinko ng hapon. Nagkwentuhan kaming dalawa ng bigla siyang magtanong.

"Wyatt, anong pinag-usapan niyo ni Logan nung nakaraan? Bakit ka nahimatay?" Tanong nito. "Nothing. Can we change our topic? I don't want to talk about him right now."

"Bakit may problema ba kayo?" Tanong ulit nito. "Wala. Basta ang kulit mo."

"Fine. So, sinong bago mo?"

"Anong sinong bago?" Tanong ko pabalik sa kaniya. "Sinong bago mo? Bagong boyfriend? Huwag mong sabihin na after natin wala pa?" Hindi ako sumagot sa tanong niya kase tama siya he was my first and last boyfriend at never na nasundan yun. Siguro curious lang ako ng mga panahon na yun kaya ko siya jinowa.

Chasing one's own DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon