CHAPTER 7

16 3 6
                                    

Wyatt POV

Kinabukasan ay unang araw ng December, ang saya ko dahil malapit na ang Christmas break pero nawala lahat yun nang maalala ko na hindi na pala magiging katulad ng dati ang bakasyon ko dahil pihadong magdedate yang sina Reese at Logan araw-araw. Nakakainis naman paano na ang bakasyon? Boring naman. Tutulong na lang ako kay Nanay sa pagtitinda para hindi ako maburyo sa bahay. Well, yun naman talaga ang ginagawa ko dati pa ang tulungan si Nanay pero iba e dahil dati may mag chachat o mag tetext sa akin para magyakag gumala pero ngayong daratimg na bakasyon pihadong wala.

Nasa room na ako ngayon, nandito na rin sina Brett, Reese at Logan. As usual naglalandian na naman ang dalawa at kami ni Brett ay nagkukwentuhan sa nangyari kahapon n sumingit sa usapan si Logan. Magkakatabi kasi kaming apat. Nagplano kaming lumipat noon pero no space na kaya nanatili na lang kami dito sa pwesto namin.

"Magkasama kayo kahapon? Hanggang anong oras? Bakit hindi kayo nagyakag?" Sunod-sunod na sabi nito.

"Huh! Bakit naman namin kayo yayakagin e sabi mo may lakad kayong dalawa ni Reese kaya uuna na kayo. Tsaka bakit kelangan alam mo pa kung hanggang anong oras kami magkasamang dalawa?" Balik kong tanong sa kaniya.

"Wala lang gusto ko lang malaman."

"Weird mo alam mo?"

"Weird mo alam mo?" Panggagaya nito. Tumingin na lang ako ulit ako kay Brett at siya naman ay bumaling kay Reese.

Our class started, at walang nangyari kundi discuss, activity, quiz. The next period ay ang Filipino. Naalala ko na malapit na pala ang performance namin na Florante at Laura. Logan is the one who portray the character of Florante, Reese was his Laura ––dapat ako yun e, paepal–– Ako naman ay si Alladin and my Flerida is Celine ang isa sa mga kaklase kong patay na patay sa akin. Si Brett naman ay ang tatay ko na karibal ko kay Flerida.

"Magandang umaga!" Bati ng guro namin. "Alam niyo naman na gaganapin na ang inyong theater performance sa Friday, next week. Inaasahan ko na nakakapag ensayo kayo at nakakabisado niyo na ang script na ibinigay ko. Good luck! Aalis na ako mag-ensayo kayo hanggang matapos ang time natin."

Well, hindi pa naman talaga kami nagsisimulang mag-practice kaya eto taranta ang mga kaklase ko dahil nakalimutan din nila na performance na namin sa isang linggo. Ito ang mahirap kapag nagkakasabay-sabay ang lahat ng gawin sa school. Paper works and performance hindi mo alam kung ano ang uunahin mo buti na lang ay tapos na ang mga paper works ko kase ayoko ng nagagahol sa oras. At this very moment, naghahanap ang mga kaklase ko ng mangunguna at magiging director namin, yung alam nilang susundin ng lahat.

"Si Wyatt." Logan suggested. "He's the one who direct the Ibong Adarna last year at nanalo yun." Agad namang nag-agree ang mga hangal komg kaklase kaya wala na akong nagawa kundi tumayo at mag-bida-bida sa unahan.

First, pintayo ko ang lahat at ipinagilid ang upuan para makapag practice kami ng ayos. Next thing I do, ay inihiwalay ko ang mga actors and actresses sa mga props man, production designer, dancers at mga taga make-up.

Lumabas na ang iba para bumili ng materials na gagamitin sa props. Para kasing musical ang mangyayari dito ––not parang musical, musical talaga––  kaya naman ang mga gaganap na leon at tigre ay naggagawa na ng sayaw nila using the song Moment of peace.Kami naman ay nagsimula ng gumawa ng tabluae. Mabuti na lang ay mababait at masunurin ang mga kaklase ko kaya naman madali kaming naka-buo. Napagplanuhan din namin na bukas mag photoshoot para sa poster na ilalagay sa labas ng gate. This performance is open for the outsider kaya mas lalong nakaka-kaba.

After that nag-lunch muna kami at napagdesisyunan namin na huwag na mung umuwi at tapusin ang practice pati na rin ang mga props. We did our practice in the nearest covered court. Tinext ko si Nanay na hindi muna ako makakatulong sa pagbebenta dahil may practice kami.

Chasing one's own DeathWhere stories live. Discover now