CHAPTER 17

19 1 0
                                    

Logan's POV

Kanina ko pa tinatawagan si Wyatt ngunit hindi ito sumasagot ring lang ng ring ang cellphone niya. May usapan kase kami ngayong dalawa na magkikita kami, siguro ay nakalimutan niya o hindi kaya'y galit siya sa akin. Hindi ko naman siya masisisi dahil nawalan ako ng oras sa kaniya niyong nakalipas na dalawang linggo dahil na rin sa dami ng mga gawain.

"Brett?" Tawag ko dito.

Nakita ko kasi itong naglalakad papasok sa 7/11. Papunta ein kase ako doon dahil bibili ako ng dadalahin ko kay Wyatt na mga pagkain at chocolates. Meron na rin kase akong binili kanina nung pauwi ako galing sa school ko.

"Oy, Logan?" Bati nito. "Saan ang punta mo?"

"Ah dyan din bibili lang ako ng pang sorpresa ko kay Wyatt." Paliwanag ko.

"Tamang-tama."

"Huh?"

"May problema ngayon si Wyatt, Logan. Kailangan niya ng makakapitan at masasadalan. Mabuti siguro kung magmadali ka na at puntahan mo na siya para kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya." Sabi nito.

"Salamat pre."

Matapos ng maikli naming pag-uusap ay kumuha na ako ng mga pagkain at chocolates at binayaran ito sa counter. Nang makapagbayad ay dali dali na akong pumunta sa bahay nina Logan. Tinawagan ko ulit ito ng yatlong beses ngunit out of coverage area na ang sabi ng operator.

Nakarating na ako sa tapat ng bahay nina Logan kaya dali-dali akong bumaba sa aking sasakyan dala-dala ang lahat ng ibibigay ko rito.

"T-tito?" Bati ko kay Tito ng lumabas ito ng may kasamang babae. Tatanungin ko pa sana ito kung nasaan si Wyatt ngunit hindi ako nito inimikan.

Nakaramdam ako ng matinding kaba ng dahil doon kaya naman kahit walang pahintulit ng may bahay ay dire-diretso na akong pumasok sa loob ng bahy nina Wyatt. At ng buksan ko ang ounto laking gulat ko sa nadatnan ko.

"Logan!" Sigaw ko at nabitawan ko lahat ng bitbit ko.

"Logan, gumising ka... Anong nangyari? Logan?" Tarantang sabi ko ngunit hindi ito kumikibo.

"D-dugo?" Gulat na reaksyon ko ng makita ko ang nagkalat na dugo nito sa ulo nito at sa sahig ng iangat ko ito.

Dahil sa pagkataranta at hindi alam ang gagawin ay pinulsuhan ko ito. May pulso pa naman ito kaya naman dali-dali ko itong binuhat at isinakay ko ito sa back seat ng sasakyan.

Pinaandar ko ang sasakyan at habang nagmamaneho papunta sa ospital ay tinawagan ko si Brett upang humingi ng tulong.

"Brett?" Sabi ko sa kabilang linya habang hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang ang mga luha ko.

"Logan? Ayos ka lang ba? Umiiyak ka ba?" Nag-aalalang tanong nito.

"Pre, oo atos lang ako pero si Wyatt... Pre magkita tayo sa St. Joseph Hospital doon ko siya dadalhin. Mamaya ko na lang sasabihin sayo kung ano ang nangyari." Sunod-sunod na sabi ko.

"Shit! Sige sige... Papunta na ako."

"Wyatt, lumaban ka huh! Saglit na lang malapit na tayo."

"P*tanginaaa!!!" At nagbusina ako ng sunod-sunod ng biglang mag berde ang traffic lights. "Yung boyfriend ko duguan... Pleaseee kailangan ko siyang maisugod aa ospital." Sigaw ko sa sasakyan na nasa unahan ko.

Hinayaan naman ako ng lahat na mag over take kahit na hindi pa nagpapalit ng kulay ang traffic lights. Kaya naman laking pasasalamatt ko dahil mababait ang mga may-ari ng sasakyan sa kalsada.

Nakarating ako aa ospital at nandoon na si Brett may nakaabang na rin na stretcher sa labas. Agad akong tinulungan ng mga nurses at dali-dali naming isinugod si Wyatt sa emergency room. Pinigilan ako ng mga nurses at ni Brett ng magtangka akong sumama sa loob.

"Pre, kalma!" anito.

"B-Brett, hindi ko kakayanin kung mawawala si Wyatt sa'kin. Lalaban naman siya diba? Mabubuhay naman siya diba?" Umiiyak na sabi ko dito.

"Hindi mamamatay si Wyatt, okay? Tatagan mo ang loob mo. Kailangan niya tayo ngayon." Sabay yakap nito sa akin.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak sa balikat ni Brett habang magyakap kaming dalawa. Nakakatuwa mang tignan na anf magkaribal sa puso ni Wyatt ay magkayakap. Pero anong magagawa ko kailangan ko ng suporta ngayon dahil hindi ko talaga kakayanin kung may mangyaring masama kay Wyatt.

"Salamat, pre" sabi ko sabay bitaw kay Brett ng kumalma na ako.

"Ano bang nangyari?" Ranong nuto sa akin.

"Sa totoo lang ay hindi ko alam... Nadatnan ko na lang siya na... Na duguan sa sahig." Sabi ko. "Pero nakita ko si Tito may kasama siyang babae at nagmamadali silang umalis ni hindi nga ako inimikan ni Tito e nakita naman niya ako. Wala rin doon si Tita, wala akong ideya sa mga nangyari, Brett." Pagpapatuloy ko.

"Konti lang din ang alam ko. May problema si Wyatt sa pamilya niya. May babae ang tatay niya at yun siguro ang kasama niya na umalis." Sabi ni Brett.

"Bili lang ako ng kape sa may baba kung sakali mang tawagin ng doctor ang kaanak ni Wyatt ikaw na muna ang bahala." Sabi ko kay Brett bago naglakad patungo sa canteen.

Bago makarating sa canteen ng ospital ay bigalang tumunog ang cellphone ko.

"Hello? Ano? Asan ka? Sige papaunta na ako!" Sabi ko sa kabilang linya bago ko ito pinatay.

"Hello, Brett. Ikaw na muna ang bahala kay Logan. Babalik ako bukas. Emergency lang." Sabi ko dito

Nagmadali akong pinaandar ang aking sasakyan diretso sa bar kung nasaan si Reese. Hindi ko alam ang nangyari. Tumawag lang ito at humihingi ng tulong habang umiiyak tapos bigla na niyang pinatay ang tawag. Sa isip-isip ko ay baka may nangyari ding masama dito. Hindi ko kakayanin kung pareho sila ni Wyatt na mapapahamak.

Habang pupitik ang kamay ng orasan ay gulong-gulo na ang isipan ko dahil iniwan ko si Wyatt para puntahan si Reese.

Nang makarating ako sa bar na sinabi ni Reese ay dire-diretso akong pumasok at hinanap si Reese sa loob na punong-puno ng tao.

"Reese?" Tawag ko dito ng makita ko itong nakaupo sa couch habang umiiyak.

"Logan." Tawag nito sa akin sabay tayo at yakap sa akin.

Nang kumalma si Reese ay inalis ko ang pagkakayakap sa kanya at pinauwi ko siya sa couch. Tumabi naman ako sa kaniya bago ko sinimulan siyang tanungin kung ano nga ba talaga ang nangyari.

"L-Logan... Logan muntik na akong ma-rape." Umiiyak na sabi nito.

"Ano?" Gulat na sigaw ko. "Hindi mo man lang ni report sa owner ng bar o kahit tumwag ka man lang ng pulis bago mo ko tawagan. Reese? Nasaan na yungbgagong lalaki na yun." Galit na tanong ko dito.

"W-wala na umalis na siya."

"At hinayaan mong maka-alis. Gaano ba kahirap para sayo ang sumigaw ng tulong." Sarkastiko kong sabi dito.

"Sesermonan mo ba ako o ano?" Tanong nito sa akin.

"Sorry!" Nasabi ko na lang at niyakap ulit ito.

Bumitaw si Reese sa pagkakayakap sa akin at nagsimulang magsalitang muli.

"Nagpunta lang naman ako dito para... Para sana mag-saya, para makalimot pero habang sumasayaw ako may lalaking nag-abot sa akin ng inumin. Mukha naman siyang mabait kaya tinanggap ko. Tapos.... Tapos nung nainom ko na yung alak na binigay niya nakaramdam ako ng pagkahilo. Tapos nagising na lang ako na nasa kwarto dito sa bar." Pagkukwento nito.

"Pagmulat ng mata ko kanina nakita ko yung lalaki na nagabot sa akin na nakahubad at handa ng gawin ang balak niya sa akin. Sinipa ko yung ano niya tapos nagtatakbo na ako pababa at dumiretso ako sa girl's comfort room para magtago. Tapos ayun paglabas ko inilibot ko aang mata ko at hinanap yung lalaki pero di ko na siya makita kaya di na ako nag-abalang mag-report dahil sa sobrang takot ko."

Matapos niyang mag-kwento ay inalo ko  siya at inihatid na sa bahay nila. Pinakiusapan niya rin ako na huwag ng sabihin pa ito sa mga magulang niya dahil baka hindi na siya palabasin ng mga ito.

—dadamood

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 03, 2021 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Chasing one's own DeathDonde viven las historias. Descúbrelo ahora