CHAPTER 12

19 2 0
                                    

Brett POV

Aaminin ko na nasasaktan ako sa mga nangyayari. Ang lakas kung magsabi kay Wyatt na hindi siya superhero na kayang iligtas sa sakit ang mga tao pero ako ba? Superhero ba ako? Dahil mas pinili kong ipaubaya si Wyatt kay Logan dahil alam kong una pa lang talo na ako sa paligsahan kahit hindi pa ito nagsisimula. Alam ko na mas sasaya si Wyatt sa piling ni Logan.

Hindi ako magaling sa pagtatansa ng tao pero may nararamdam akong kakaiba sa kaibigan ni Wyatt na si Reese at hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Wyatt kung ano man tong sinasabi ng guts ko.

"Brett, sana ikaw na lang yung minahal ko. Sana ikaw na lang para hindi ako nasasaktan ng ganito. Pero putanginang puso to. Kahit anong gawin ko siya at siya pa rin. I'm sorry, Brett. I really am sorry." Aniya.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit dahil ayoko sa lahat ay nakikita ko sing umiiyak. Ang masakit pa nito ay makita siyang umiiyak sa kagagawan ng taong pinili niyang mahalin. Wala akong galit kay Logan o sama ng loob kay Wyatt. Alam kong mahal ni Wyatt si Logan pero hindi ko sigurado kung ganoon din si Logan sa kaniya. Sabi nga sa kanta Kay hirap unawain bawat damdamin... 🎶🎶

A/n: Di ko alam kung anong konek niyan. Gusto ko lang ipasok, bakit ba?

"Don't be sorry, Wyatt." Nasabi ko na lang.

"Huh? Bakit?"

Hindi ko alam kung paano to sisimulan. "Nagkikita kami ni Reese bago pa man niya patigilin si Logan sa panliligaw." Panimula ko at bakas sa mukha ni Wyatt ang pagkagulat.

"Pero uunahan na kita walang namamagitan sa aming dalawa. You know me well, kapag sinabi kong mahal kita I mean it. Hindi ko siya gusto pero nararamdaman ko na may gusto siya sa akin."

"Paano?" Bakas ang kuryusidad sa mukha ni Wyatt.

"Noong araw na hindi siya sinipot ni Logan sa date nila ay––" He cut me.

"Ginawa ni Logan yun kay Reese?" Tanong nito.

"Yes, he did that." Tumango naman ito senyales na magpatuloy ako. "Nakita ko si Reese nun na umiiyak sa isang Cafe malapit sa school natin dati. Nandoon din kase ako ng araw na yun dahil alam mo naman na kapag gusto kong mag review ay gusto ko sa tahimik at walang istorbo. Nakita ko siya nun na umiiyak kaya naman nilapitan ko siya dahil naging kaibigan ko na rin naman siya." Mahabang eksplenasyon ko.

"I comfort her that time. She tell me that Logan did not come to their date. Napapansin niya rin daw ang malamig na pakikitungo nito kaya daw minsan ay naiisip niya na nagsasawa na ito sa kaniya dahil sa tagal nang pagpapaligaw niya. Gustohin man daw ni Reese na sagutinna si Logan ay hindi niya magawa dahil ayaw niyang mag-sinungaling sa Daddy niya. Naging close kaming dalawa at halos tuwing weekend ay nagkikita kaming dalawa. She share her problem to me and I listened to her and giving her an advice. Hanggang nitong nakaraan lang ay sinabi na niya sa akin na pinahinto na niya si Logan sa panliligaw. Yun yung gabi na pumunta sa inyo si Logan." Dugtong ko.

"Paano mo nalaman na pumunta siya nung gabing yun? Paano mo nalaman na may gusto siya sayo?" Tanong ni Wyatt.

"Hindi ba't hinatid kita noon. Nakita ko ang kotse niya sa labas. At sa pangalawa mong tanong hindi ko alam. Hindi naman niya sinabi sa akin na gusto niya ako pero sinabi ng gut feeling ko. Iba talaga pag gwapo daming nagkakagusto pero yung taong gusto ko iba ang gusto." Biro ko pa sabay tawa.

"Gago!" Kinuha nito ang natitirang dalawang alak. Inabot niya sa akin ang isa at sa kaniya ang isa pa.

"May desisyon na ako." Sambit nito.



Wyatt POV

Medyo magulo pa sa akin ang mga sinabi niya. Hindi pa gaanonv na po-proseso ng utak ko. Basta ang alam ko lang ay pinahinto ni Reese si Logan dahil nararamdaman ni Brett na may gusto ito rito.

Chasing one's own DeathWhere stories live. Discover now